Isang linggo na lang at magaganap na yung Competition. Kinabisado ko na rin yung kakantahin ko at praktisado na rin ako sa piano. Kaya ko na ngang tugtugin yun kahit nakapiring pa ako.
Napaisip nga ako kung magpiring nalang ako habang kumakanta at nagpapiano kaso lang mukha naman akong tanga nun.
Excited na rin yung mga kaklase ko sa performance nila. Ibang klase pala ang utak ni Kleiah pagdating sa sayawan kasi napaka-creative niya.
Sila Ann at Josh naman, pinaghirapan talaga nila yung mga steps. May pabitin-bitin pa sila sa kurtina.
Sila Socrates at Bundac naman ay hindi na muna nagpractice ngayong linggo dahil baka mapaos daw sila pagdating ng competition. Halos araw-araw kasing pumapractice.
Si Mench----- si Mench hindi pa rin namin nakikita kung anong isasayaw niya sa competition. Ang sabi naman sakin ni Ash ay magaling daw si Mench sa hiphop kaya baka nag-iiensayo talaga siya ng mabuti.
Tinanong ko rin sila nung nakaraan kung sino ba ang magiging judge, ang sabi lang nila iba daw ang judge para sa mga sasayaw at iba rin sa mga kakanta. Ang alam nila, lima ang judges sa singging at ganun din sa dancing. Ayaw daw sabihin ni Dean para surprise. Hindi rin alam ng mga guro.
Kinabahan nga ako lalo dahil dun, pero alam ko namang nagboost ng kunti ang confidence ko. Sana umabot to hanggang sa competition.
"Zyrielle Jade," pagtawag sakin ni Kleiah, napatingin naman ako sa kanya. Nakangisi sya ng nakakaloko at naka-crossed arms, kasama niya rin ang mga alipores niya. Pinauna ko na sina Ash sa parking lot, uwian na kasi, kaya kami nalang apat ang naririto.
"Oh? Ano na namang kailangan mo?" Bored kong sabi sa kanya, tumayo naman sila sa may gilid ko kaya hinarap ko sila at isinukbit ang bag ko sa balikat ko.
"Nakakapagpractice ka ba ng maayos? Marunong ka na bang kumanta?" Kutya niya sakin at tumawa silang tatlo.
"Marunong akong kumanta. Maganda raw ang boses ko sabi nina As-----"
"Naniwala ka naman sa kanila," nakataas ang kilay niyang sabi. 'Malamang maniniwala ako kaibigan ko sila eh' "Hindi nga namin naririnig pa ang boses mo. Baka..." Pabitin niyang sabi.
"Baka ano?" Magkasalubong na ang mga kilay kong sabi, lumapit naman siya sakin at tiningnan ako mula talampakan hanggang mukha.
"Baka sinasabi lang nila yun dahil kaibigan ka nila." Sabi niya saka tumalikod na. 'She has a point.'
'Zyrielle Jade. Wag kang magpapaniwala kay Kleiah, okay?'
"Wag ka na lang kayang tumuloy baka ma disappoint mo lang ang buong klase," sabi niya habang nakatalikod, natahimik lang ako saka sila umalis.
Kahit ilang beses ko pang ipaintindi sa sarili ko na baka ay inaasar lang ako ni Kleiah, hindi pa rin nawawaglit sa isipan ko na baka tama sya. Nawalan tuloy ako ng tiwala sa sarili ko. Nagdududa na rin ako kung maganda ba talaga ang boses ko.
'Tutuloy pa kaya ako sa Competition? What if totoo ang sinasabi ni Kleiah? What if sinasabi lang nila na maganda ang boses ko dahil kaibigan nila ako? At di nila gustong masaktan ang damdamin ko? What if madissapoint ko lang ang buong klase? Paano kung manalo sila at ako lang matatalo? Sasayangin ko lang ang mga effort nila. Kung hindi naman ako sasali, pwede silang magkaroon ng chance na manalo. At least, isang category lang ang hindi nila nakuha. Wag na lang kaya akong tumuloy?'
****
**SING AND DANCE COMPETITION DAY**
Kaya ko ba to? Bakit pa kasi ako pumunta ngayon?! Madidissapoint ko lang sila.