♥CHAPTER 7♥

5 5 0
                                    

Zyrielle's POV

Hindi na ko nakapag-focus sa mga pinagsasabi ng bawat teachers na pumapasok sa classroom namin dahil sa pag-iisip kung paano nalaman ng lalaking may regla na to ang pangalang ko. Like duh?! Ok pa kung yung Zyrielle yung alam pero, Fuck! It's my second name for Pete's sake at hindi ako sanay na tinatawag ako sa second name ko.

Puro lang naman kami pakilala ngayong araw tapos may mga pinangsasabi lang yung mga guro. Hanggang sa mag-lunch.

We're on our way to the school's cafeteria. Syempre kasama rin namin ung lalaking may regla, at ang mas nakakainis pa ay magkasabay pa kaming maglakad ngayon. Nauna kasing maglakad yung apat at kami ang nasa pinakahuli. Nakakainis lang. Kasabay ko yung taong pinaka-hate ko!

Oo! Hate ko sya. Syete naman kasi! Pumapatol pala to sa babae, buti na lang hindi nya pa ginagawa sakin yung ginawa nya kay Kleiah kanina. Masyado syang masungit, maangas, pikon at mainitin ang ulo.

Pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi kahit gaano pa sya kasungit, kaangas, kapikon at mainitin ang ulo naging gwapo lang sya sa paningin ko. Syete! Di maganda to!

Tiningnan ko naman sya sa pamamagitan ng peripheral view ko. Diretso lang tingin nya sa daan at nakapamulsa pa. Wala syang nililingon ni sinuman, kahit halos ng estudyante ay para syang gustong tunawin sa sobrang titig nila sa kanya.

'Ano naman ang tinitingin-tingin nila dito sa lalaking may reglang to?!'

"What's your problem, Jade?" 'You're my problem' Narinig ko syang nagsalita. Pero hindi ko sya sinagot bagkus pinag-krus ko pa ang mga braso ko.

"Hey I'm talking to you?" Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin sya sakin. Tsk! Bahala ka dyan.

Hindi na sya nagsalita pagkatapos nun bahala sya dyan, wag nya kong kausapin. Badtrip sya.

Nandito na kami sa may pintuan papuntang cafeteria. Sumunod ako kaagad kila Ash at iniwan yung lalaking may regla na yun, pero nakita kong hinarang nya yung paa nya sa nilakaran ko kaya napatid ako.

Syete! Muntik na akong masubsob dahil dun, buti na lang may humawak sa mga balikat ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan nya ako sa braso. Pero syete lang dahil sya pala ang humawak sakin.

"Wag mo nga akong hawakan!" Tanggal ko pa sa mga kamay nya sa mga braso ko at dali daling sumunod kila Ash.

'Patidtirin tapos sasaluhin lang din, tanga lang?!'

Pagdating ko sa mesa namin ay padabog akong naupo. Ewan ko ba kung bat ako nagkakaganito, nababaliw na siguro ako noh?! Chos!

Umorder na rin kami ng makakain namin, syempre kasama pa rin yung lalaking may regla at talagang magkaharap pa kami ha! Ganito ang pwesto namin oh..

Ann|     |Josh
Ash|     |Pj
Ako|     |Lalaking may regla

Nagsimula na kaming kumain at wala namang nag-iingay tanging tunog lang ng mga kutsara ang maririnig mong tumutunog sa mesa namin.

"Babe, tikman mo to oh!" Napalingon naman ako sa direksyon nila Ann nang bigla syang magsalita. Sinubuan nya si Josh ng pagkain tapos yung ginamit nya pang kutsara is yung kutsara na galing sa bibig nya. Ewwwwwwww!!

Nagsusubuan na silang dalawa na akala mo'y di kayang subuan ang mga sarili nila. Yucks! Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa kinakain ko ng si Ash naman ang narinig kong magsalita.

"Anong tinitingin tingin mo, Angeles?" Sabi ni Ash kay Pj, napatingin naman ako sa direksyon ni Pj. Para nyang lulusawin si Ash sa mga titig nya.

The NBSB's First BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon