♥CHAPTER 10♥

3 4 0
                                    


...2 months later...

Ilang buwan na akong nagaaral dito, ilang buwan na rin ako nakakaramdam na parang may nawawala sakin, kahit wala naman, at ilang buwan na rin akong pinagdidiskitahan ng lalaking may regla na yun. Ewan ko ba kung bakit kami hindi matigil-tigil nila Ash sa paggagantihan namin, di ko naman kasalanan na hindi kami magkabati kasi in the first place sya ang nagsimula ng lahat kaya siguro matatapos lang kami kapag humingi sya ng tawad sakin.

Nandito na kami ngayon sa room and luckily it's our vacant. Kanina pa ako naghihintay ng ganti ng lalaking may regla sakin dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon pero mukhang wala ata sya sa mood ngayon. Bakit kaya?

Hindi ko na lang rin sya kinulit baka mamaya mainis sya sa akin at may magawa pa sya.

Hanggang sa sumapit ang uwian ay wala syang ginawa, out of curiosity ay hinila ko sya palayo sa mga kasama namin at dinala kung saan kaming dalawa lang.

"Huy! Wala ka bang gagawin?" Nakaduro kong tanong sa kanya, nagsalubong naman ang kilay nya. Nagtataka.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. Naisip ko na baka nagmamaang-maangan lang sya para pagkatalikod ko ay gantihan nya ako.

"You know what I mean," sagot ko pero clueless pa rin ang lalaking may regla kaya napaikot naman ang mga mata ko, "Hindi ka ba gaganti sakin ngayon?! Gawin mo na di pa tapos ang araw oh!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Tsk," naguguluhang sabi niya at tinalikuran ako, hinila ko naman ang braso nya paharap ulit sakin.

"Wag mo kong tatalikuran kapag kinakausap kita ha!" Sigaw ko sa kanya habang nakaturo sa direksyon nya ang isa kong kamay habang yung isa naman ay nakahawak sa bewang ko.

He let out a deep breath before he speak, "You know what, Jade. Pagod na pagod na akong makipaggantihan sayo. See, magdadalawang buwan na tayong naggagantihan kay pagod na pagod na ako, pwede bang itigil na natin to?" Makikita mo sa mga mata nya ang sinseridad sa bawat salitang binitawan nya at pagod na rin dahil sa pinanggagawa namin. Pero, wala pa rin akong tiwala sa kanya pagdating dito.

"Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Baka isa na naman yan sa mga kalokohan mo ha," magkasalubong ang mga kilay kong pahayag.

"Yes! I am dead serious, Jade. Kaya pwede bang magkaayos na tayo?" Nagdadalawang isip naman ako sa tinuran nya. Pagbibigyan ko kaya sya?

"Siguraduhin mo lang na hindi yan isa sa mga kalokohan mo ha!" Huli kong sambit saka na nauna sa kanyang umalis pabalik sa kinalulugdan ng aming mga kaibigan, hindi ko na hinintay ang sasabihin nya.

****

Kinabukasan, nakaawang ang mga bibig naming lima dito sa cafeteria dahil sa mga orders ni Jhaztine na 'libre' daw nya samin. Imagine, nilibre nya kami ng lunch na hindi nya naman ginagawa this past few months kaya surprised na surprised kami ngayon.

"Oh? Baka pasukin ng mga langaw yang mga bibig nyo ha! Kain na!" Aya nya pa samin at mahinang natawa. Tingnan mo nga naman, mas lalo pala siyang gumagwapo kapag nakangiti at tumatawa. "Oh, Jade. Itong sayo." Lapag nya pa sa harapan ko ng pagkain na syang ikinatigil ko. 'Kailan pa sya naging ganyan sakin?' "Oh guys, kumuha na kayo ng inyo!" Nakangiti nya pang sabi sa apat.

Hinipo ko naman ang kanyang noo at leeg sa pamamagitan ng likod ng palad ko, "May sakit ka ba?" Tanong ko pa.

"Ano ka ba, Jade? Anong sinasabi mo?" He said and chuckled. 'Nababaliw na siguro sya!' "Look, after what I've done to you this past few months. Gusto ko munang makabawi. Kahit pagani-ganito lang," nakangiti nya pang sabi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko na naging sanhi ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

The NBSB's First BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon