Zyrielle's POV
HAYOP KA TALAGA, ENRIQUEZ!
Kapag nakita ko talaga yang pagmumukha ng lalaking may regla na yan, gigilitan ko ng leeg yan!
Papunta na kami ngayon sa school at nanggagalaiti na akong makaganti sa lalaking yun.
Nasa sasakyan kami ni Pj, maliban kay Ann, magkasabay kasi sila ngayon ni Josh.
Pagkarating namin sa school ay dumiretso kami kaagad sa classroom. Nakita naman naming nakaabang sa pintuan si Mench. Kumaway pa ang hayop!
Susugurin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Ash. Wag daw ako gumawa ng iskandalo.
'Ano kaya ang magandang ganti sa lalaking may regla na to?'
**IMAGINATION**
"WALANGHIYA KA, MENCH! GIGILITAN KO YANG LEEG MO!" Sabi ko saka sugod sa kanya habang may hawak-hawak na kutsilyo.
Hindi ko na siya pinagsalita pa at dali-dali ko nang ginilitan ang leeg niya. Sumirit ang mga masasagana niyang dugo sa aking mukha-------
***
Wait.wait.wait. Nakakadiri naman yun! So eww!
Wag na nga lang.
Lumapit na kami sa kanya. Di ko lang siya pinansin.
"Hi Jade!" Nakangiti nya muling bati sakin. Sorry, Mench! Di na ko naniniwala sa mga achuchu-achuchu mo na yan'
Hindi ko na lang siya pinansin, lalagpasan ko na sana siya para banggain ang balikat niya nang hindi ko napansin yung paa niyang nakaharang pala sa dinaraanan ko, natalisod tuloy ako. Nagtawanan naman ang buong klase.
"Stupid!" Rinig ko pang sabi ni Kleiah, inarapan ko na lamang sya.
Sinamaan ko naman ng tingin si Mench, "Oops! Sorry," nakangiti nya pang sabi, nanunuya ata. Inirapan ko na lang siya at dumiretso na sa aking upuan.
Maya-maya pa ay sumunod na rin si Mench kasama sila Ash, Ann, Josh, at Pj. Nakangiti pa ang hayop. Pinagsabihan siya ata nila Ash.
Dumating naman ang guro namin kaya nagsitayuan kaming lahat. Dahan-dahan ko namang hinila ang upuan nya palayo sa kanya. Nang paupo na kami ay lumagapak ang pwetan nya sa malamig na sahig. Kagat-kagat ko naman ang labi ko habang nagpipigil ng tawa.
"What's going on there?" Tanong ng teacher namin, tumayo na si Mench at inayos ang upuan nya, sinamaan pa ako ng tingin.
"Nothing, ma'am. Nabakla lang ho si Enriquez," nakangiti ko pang tugon at tinapunan siya ng tingin.
Nagpatuloy ang klase at pansin kong nakakunot pa rin ang noo ni Mench. Akala mo nalugi sa negosyo. Bwahahahahahha.
***
Nakapagtataka naman. Nauna saming natapos kumain si Mench at saka umalis. Hindi na rin nga siya sumunod samin dito sa garden. Bagot na bagot na ako. Wala akong mapagtripan.
Nakakairita din tong mga kasama ko. Puro harutan. Psh!
Malapit nang magbell kaya napagdesisyonan naming bumalik na sa classroom.
Wala pa rin kaming naabutan na isang Mench. Saan ba nagpunta yun?
"Hindi daw muna magkaklase si Sir Chua sa math dahil may announcement mamaya si ma'am Crescentia," sabi ni Josh samin. Saan na naman kaya niya nahagilap ang balitang yan?
Maya-maya pa ay nagbell na, ibig sabihin it's our math time pero wala pa ring pumapasok na guro, which is ikinatuwa naman namin. Pinagtataka ko lang talaga ay kung nasaan si Mench.