6 hundred cameras

160 11 12
                                        


Should I stay or should I go now?

Should I stay or should I go now?

If I go there will be trouble

If I stay it will be double ...

Pagkapasok sa sasakyan ay hininaan ni Elinor ang makabasag eardrum na ingay mula sa rock song na pinapakinggan ni Ylias sa stereo.

Napukaw ang atensyon ng bruskong nakaupo sa driver's seat at doon lang napansin ang dalagang nakaupo na sa shotgun seat.

"Wala ka man lang dalang pagkain?" Tanong nito at nagsimula ng magmaniobra ng sasakyan.

"Your appetite is not my concern."

Hindi na lang umimik pa ang lalake, patuloy sa pagmamaneho paalis ng Aderal property.

Kung huhusgahan base sa panlabas na anyo ay katakot-takot ang ibinibigay na aura ni Ylias. Malaki itong tao, brusko, mahaba ang buhok bagamat laging nakapusod, balbas-sarado at may kapansin-pansing peklat sa kaliwang kilay. Maging ang baritono nitong boses na masyadong nakakalalaki. Gano'n pa man, hindi ito kinatatakutan ng mga babaeng tunay na nakakakilala rito at isa na nga roon si Elinor na mula pagkabata ay katiwala na nila si Ylias.

"Hal." Panimula nito habang nagmamaneho. "Kilala mo ba sila?"

"From the descent of an unknown Medditerranean way way back?" Di siguradong sagot ni Elinor matapos basahin ang ilang mga detalye sa papel na dinampot mula sa dashboard ng sasakyan.

"Matagal ng may Hal sa Pilipinas, sa pagkakaalala ko, pero naging kilala no'ng may Hal na naging Municipal Mayor sa–-"

"We talked about it, Ylias." Pagputol rito ni Elinor. "Stop prying into every person I meet. You're no longer part of the intel. Move on."

"Kaya nga. Babysitter na lang pala ako ngayon." Saad nito sa isip.

Bago nakilala ni Ylias ang mga taong pinagsisilbihan ngayon ay naging parte ito ng isang national-level intelligence agency. At ang mga nakagawiang pang-iispiya noon ay ginagawa pa rin nito ngayon, not in a creepy way, kun'di para sa kapakanan ni Elinor. Lahat kasi ng taong makakadaupang palad ng dalaga ay inuunahan na nito ng brief background check kung safe ba o hindi si Elinor sa makakasalamuha. Aware roon si Elinor. Noong una ay wala lang sa kanya. Medyo okay pa nga kasi advantage na para sa kanya ang magkaroon ng ilang detalye ng impormasyon sa isang tao ngunit kalaunan ay napag-isip-isip niyang tila hindi tama ang paraan ng pakikisalamuha niya. Kaya siguro wala na siyang anticipation ay dahil may alam na siya sa taong kinikilala at di na nagugulat o nasosorpresa pa sa kung anong malalaman dahil expected naman niya na. Kaya't kinausap niya si Ylias ukol rito at hayaan na lang siyang makipagkaibigan sa usual na paraan sa kung sino mang makikilala.

"Indio ang tawag ng mga Espanyol sa mga local inhabitant ng bansang 'to noon. Indio. Ibig sabihin mga native. Di nila kalahi. Kagaya rin ng Indians na term ng mga Briton sa nasakop nilang South America. Noon ang mga mananakop, mababang tao, uncivilized at walang alam ang tingin sa mga di nila kauri. Di na tayo sakop ng Espanya pero mga indio pa rin tayo. Isipin mo, walang dugong Filipino ang mga Hal pero may kapangyarihan sila rito. Sinong nagluklok sa kanila sa pwesto? Mga Pinoy."

"Hals are not from here?"

"Yan yung sinasabi ko kanina. Nabasa mo ba yang nasa papel?"

"Sila 'to?" Boses na walang kainte-interes mula kay Elinor. "Alijah Hal ... and some people."

"Yung si Alijah," Tukoy ni Ylias sa binatang kanina lang ay isinakay sa kabayo ni Elinor at katabi pa sa hapag. "Anak ng Mayor na si Jameel sa isang nabuntis na unknown Filipina - Walang record sa PSA. Isa pang tanong ay pilipina nga ba talaga ang nanay no'ng Alijah–"

Run This TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon