Deanna POV
Maaga akong nagising kinabukasan, ayaw ko kasi na madatnan ni Inay na sa sala lamang ako natulog at hindi sa loob ng aking kuwarto. Ayaw ko rin na mag-alala pa ito, dahil tiyak na kung anu-ano lamang ang kanyang itatanong sa akin.
Isa pa, hindi ako natulog sa kuwarto dahil hindi pa ako handa na muling makausap si Jema. Mas mabuti na iyong ganito, ako na lang mismo ang iiwas at mag-aadjust para sa aming dalawa. Ayaw ko rin naman na ginaganito siya, pero nasaktan niya ako. At nagagalit ako dahil sa mga ginawa niya.
Maaga rin akong naligo at nag-asikaso ng agahan. Siniguro ko rin na pagising nito ay wala na ako sa bahay at si Inay nalang ang kanyang madadatnan. Ayaw ko muna rin na sumabay sa kanya sa pagpasok, umiiwas din kasi ako na makabitaw ng kung anong masasakit na salita laban sa kanya.
Pagdating ko sa school, wala pang masyadong mga estudyante. Masyado yata akong napaaga sa kakaiwas sa kanya. Sabi ko sa aking sarili.
Napahinga ako ng malalim bago dumiretso sa classroom para sa aming unang klase. Doon na lamang ako magpapalipas ng oras.
Hindi nagtagal ay unti-unti ng nag-iingayan sa paligid. Sinyales na malapit ng magsimula ang klase dahil malapit na kaming makompleto sa loob ng classroom. Pero...parang may kulang.
Napalingon ako sa aking paligid, tumunog na kasi ang bell, tiyak na maya-maya lamang din ay nandiyan na ang aming Teacher. Ang ilan ay nagbubulungan, ang ilan naman ay napapatingin sa akin ngunit kaagad ding mapapa iwas. Napadako ang aking mga mata kina Alyssa at Kyla. Mukhang nag-aalala ang mga ito habang parang may hinihintay na tawag o text sa kanilang mga cellphone. Worried na napa tingin sa akin si Bea, kaagad naman akong nagbawi ng aking mga mata.
Papasok kaya siya? Iyon ang unang tanong na aking naisip. O baka naman, may nangyari? Gustuhin ko mang malaman o magtanong sa kanyang mga kaibigan ay hindi ko magawa. Dahil pati sila ay iniiwasan ko rin. Pakiramdam ko kasi, lahat sila, alam ang mga nangyari at mga ginawa ni Jemalyn.
Napailing ako bago napatayo sa aking kinauupuan. Aalis na lamang ako at magliliban na lamang muna ng klase. Mabuti nalang at wala pa ang aming teacher. Mabilis ang mga hakbang na lumabas ako ng classroom atsaka naghanap ng lugar na pupwede kong pagtambayan. Iyong hindi rin ako mahuhuli ng mga guards.
Habang naglalakad, biglang nag vibrate ang aking cellphone na nakalagay sa loob ng aking pants. Kaagad ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong mabasa ang kanyang pangalan mula sa screen ng aking cellphone.
"Please, hear me out. Let's talk."Nagdadalawang isip ako kung irereply ko ba ang kanyang message o hindi. Pero...mas pinili ko itong ibalik sa loob ng aking bulsa bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
Kung may gusto man akong sabihin ngayon, iyon ay ang nasasaktan na ako. Na nahihirapan na ako. Na hindi dahil mahal ko siya eh hindi na ako pweding masaktan sa lahat ng nangyayari at nalalaman ko.
Minahal ko siya dahil alam kong sa kanya sasaya ang puso ko. Dahil alam kong aalagaan niya ang lahat ng meron ako. Pero bakit...sa nangyayari ngayon eh nawawasak ako? Ang sakit sakit na.
Iyong malaman na, bawat matatamis na salita niya ay may karugtong pala na maraming mapait na kasinungalingan.Sa hindi malamang dahilan, napansin ko na lamang ang aking sarili na patungo sa rooftop kung saan minsan ko na ring dinala si Jema roon. Napahinto ako, ngunit pagkaraan lamang ng ilang sandali ay parang tanga na nagpatuloy ding muli sa pag-akyat ng hagdanan hanggang sa makarating ako sa aking patutunguhan.
BINABASA MO ANG
Play For You (Gawong Story GxG) COMPLETED
FanfictionMay mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na m...