Deanna POV
"Hindi ka ba excited sa bago mong school anak? Aba'y kanina ka pa naka busangot dyan, ang aga-aga. Ngumiti ka naman para naman bwenasin tayo sa buhay! Jusko itong anak ko oh!" Pagmamaktol ng nanay ko habang naghahain ng aming agahan.
"Nay pwede pake hinaan naman yang volume ng boses mo. Ang aga aga daig mo pa ang may concert eh." Reklamo ko naman dito. Pinandilatan lang naman ako ng mata bago tumalikod na upang kumuha ng tubig sa ref.
"Sumasagot ka pa! Eh kung kumilos kana kaya diyan dahil baka ika'y malate pa sa eskwelahan? First day na first day eh!"
Napa irap ako ng disoras. "Oho ma'am! Kikilos na ho. Ito na nga oh!" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
Napakamot ako sa aking ulo na medyo magulo pa ang buhok. Kumuha ako ng isang pandesal at isinawsaw iyon sa kape bago kinain at nginuya na iyon ng tuluyan.
Hindi yata talaga kompleto ang araw niya kapag hindi ako nayayaw yawan. Palagi siyang ganyan magmula pa noong maliit pa ako, hanggang ngayon.
Pero love ko yan. Hindi niya ako pinabayaan kahit na minsan. Kahit na parang armalayt ang bunganga ng nanay, hindi naman siya nagkulang na maging ina at ama para sa akin.
Simula kasi noong iniwan kami ng tatay ko at sumama na sa iba, na ngayon nga ay may sarili ng pamilya. Eh mag-isa na lamang nitong itinaguyod ang lahat ng gastusin ko at pati na rin ang aking pag-aaral.
Isang public teacher ang nanay ko, mabait, masipag at maalagang ina. Iyon nga lang, hindi parin sapat minsan ang kinikita niya sa pagtuturo kaya minsan, madalas, kinakapos parin kami.
Pero ayos lang, tudo sikap parin ako sa pag-aaral para balang araw makaraos din sa kahirapan.
At ngayon nga, kaya ako papasok sa bagong eskwelahan ay dahil naka kuha ako roon ng bagong scholarship, bilang isang volleyball player. Hindi ko ma-imagine dati na makukuha ko ang ganoong scholarship at sa isang kilalang Unibesidad pa dito sa Pilipinas.
Nakakatuwa ang naging reaksyon ng nanay noong araw na iyon. Naiyak pa nga siya sa tuwa dahil naipasa ko ang exam.
Hindi man kami mayaman sa pera katulad ng iba, mayaman naman kami ng inay sa pagmamahal at punong puno ng saya. Iyon naman ang importante, hindi ba? Ang bagay na hindi kayang bilhin sa mundo. Ang tunay pagmamahal ng isang ina.
------
Nakakalokang traffic naman 'to, mabuti nalang dahil hindi pa naman ako late sa unang klase. Kinailangan ko pa kasing hanapin ang classroom para sa first subject ko.
Muling tinignan ko ang hawak na papel kung saan doon nakasulat ang mga subject at mga classroom na dapat na papasukan ko.
At sa wakas! Nahanap ko rin ang classrom na hinahanap ko para sa first subject ko na English. Papasok na sana ako sa pintuan ng bigla akong napahinto dahil sa biglang may tumama na bagay sa aking katawan. Kaagad na napatingin ako sa bagay na iyon at napangiti ng makitang isa iyong bola.
Kinuha ko iyon at hinanap kung saan nang galing.
"Hi." Pagbati ng babae mula sa aking likuran.
"Hi." Ganting pagbati ko naman sa kanya bago ini-abot sa kanya ang hawak na bola.
"Sayo ba 'to?" Tanong ko pa.
Napatawa ito ng mahina bago napatango. "Yup. Thanks!"
"Walang anuman." Medyo nahihiyang sabi ko pa sa kanya bago tatalikod na sana upang tuluyan ng makapasok sa loob, para narin makahanap na ng mauupuan nang muli itong magsalita.
BINABASA MO ANG
Play For You (Gawong Story GxG) COMPLETED
FanficMay mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na m...