Avoid
The warmth on my heart disappeared and its calm beating vanished. It was reciprocated with my trembling fear due to Rest's facial expression. Sana lamang ay maniwala siya.
"So you are saying that you're seeing things in your past?" She said in a serious expression but the mocking tone is evident.
Sunud-sunod ang naging paglunok ko.
"Not eventually. Hindi ko nga alam kung bakit ko nakikita ang mga ganoong bagay. And I am not really sure if it was mine or not." Nagkibit ako ng balikat at huminga nang malalim.
So she believed that it was my memory back then. Seems like she's into the thought that it was me before reincarnated. She's been telling me those kinds of answers for about a numerous times already.
Kesyo nababasa niya daw iyon sa mga librong puno ng pantasiya at usong-uso din daw iyon sa mga napapanood niya online. Siguro nga ay natangay lang siya ng malawak niyang imahinasyon na pati sa reyalidad ay nadadala niya ang ganoong mga bagay.
Maybe I should really go and visit a doctor and have my head checked? Baka nababaliw na ako o kung ano pa man. Hays.
"Ang sabi mo ay nandoon din si August sa panaginip mo, hindi ba?" Aniya.
Nanliit ang mga mata niya habang ineeksamin ang reaksiyon ko. I tried my best not to roll my eyes on her.
"Absolutely." Tumatangong sabi ko.
Ayos lamang sana kung ang memoryang iyon ay ako lang ang naging laman, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan pang kasama si August sa memoryang 'yon. Sino ba siya?
Kung ano man ang pumapasok na iyon sa isipan ko ay hindi ako natutuwa.
May umugong na kung ano sa utak ko kaya napapikit ako nang mariin. Hinilot ko ang sentido ko at saka huminga ng malalim. This pain really sucks. I don't know why I kept on suffering these kind of things. Masyadong masakit sa utak.
Ramdam ko ang buntong hininga ni Rest bago tapikin ang likod ko. "Alam ko na."
Kunot-noo ko siyang hinarap at nakita ang kumikibot niyang labi, pilit itinatago ang ngiti. Tumaas-taas ang kilay niya at ramdam na ramdam ko ang nagbabadyang pangungutya niya.
"Anong alam mo na?"
"The reason why you're dreaming of him!" Aniya. Akmang magsasalita na ako nang humalakhak siya kasabay ang mariing pagkakasabi ng, "You should stop thinking about him. Masyado ka nang obsessed sa kaniya."
I tried my best to find the humor on it but I failed. Instead I let my eyebrows furrowed to death and clenched my jaw.
"Not funny." Umirap ako at humiga na lamang muli.
"Malay mo totoo hindi ba? Tama na kasi ang pag-iisip sa kaniya oras-oras!" She groaned.
Umupo siya sa kama at nilaro ang buhok ko. Her lips are now on a thin line and her eyes are focused on my facade. Parang may kung ano siyang binabasa mula sa aking mukha o kung anong iniimbestigahan.
"Hindi ko siya iniisip." Tinalikuran ko siya at pinagmasdan ang bintana sa gilid. The sun is almost rising.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Right! I lost my senses and when it came back, I am now on my house! Teka, who brought me here?
"Hindi iniisip?" Tumawa si Rest atsaka ako pinalo. "Lokohin mo lola mo!"
Umismid ako at ipinagsawalang bahala na lamang ang mga sinasabi niya. She's just teasing me or what. She's making fun of me!

BINABASA MO ANG
Bond of Catastrophe
Ficción histórica"Gusto kong mahalin mo ang babaeng may mukhang walang pinagkaiba sa akin." Ramdam ko ang mababaw niyang paghinga at ang malalim na pinagmulan ng kaniyang matunog na halakhak. "Si Melca ba ang tinutukoy mo?" "Akala ko ba ika'y matalino? Hindi ko na...