First Encounter
"Napakaganda ng iyong mga mata, Luisa." Isang matamis na ngiti ang iginawas sa akin ni Andro at bahagya pang tinabig ang mga aklat sa aking harap.
Ang magulo niyang buhok ay mas lalo niyang ginulo tulad ng mapunong bundok na hinalikan ng hangin. Huminga ako ng malalim at binigyan siya ng nanunuksong tingin.
"Ang iyong mga papuri ay baka makuhanan ko ng ibang kahulugan, mag-ingat ka Andro." Ngumiti rin ako sa kaniya at ang multo ng gulat sa kaniyang mukha ay talagang hindi maitatanggi.
Ganoon na lamang ang kaniyang gulat. Ang bahagyang paglaki ng mga singkit niyang mata at pagkunot ng noo ay nagbigay sa akin ng munting tuwa.
"Isang himala ang naganap ngayon lang, Binibining Luisa." Mas lumawak ang kaniyang ngiti at inayos ang kasuotang kulay lilak. Ang perlas sa paligid nito ay nagsusumigaw din ng karangyaan, hindi maitatanggi kung bakit siya nakapasok sa pribadong lugar na ito.
Ang kabuuan ng mukha niya ay tila isang tigre sa isang kagubatang puno ng leon. Mapangahas man kung titingnan, ngunit malaki pa rin ang pagkakaiba sa mga taong nasa paligid niya. Napakaamo at mukhang mababasag kung aking hahawakan.
"Himala? Madali lang sabihin na nabighani kang muli sa aking ngiti, Ginoo." Umiling ako at pilit nang itinago ang ngiting iyon.
Napapikit ako at nang magmulat ay ang nakangising si Steven ang bumungad sa akin. Ano ang pangitaing iyon? Nababaliw na ba ako? My imagination really sucks.
"Gusto ko talaga ang mga mata mo, Melca."
Napangiti ako at napairap sa sinabing iyon ni Steven. Sanay na ako sa mga ganiyang papuri. They say that my eyes are my asset, and they love it so much.
Tuwing tumitingin ako sa salamin ay halos magsawa na rin ako sa kakatitig sa sariling mga mata. My protruded eyes are chocolate brown in color with long lashes. Siguro ay humahanga lamang sila dahil naiiba ang kulay nito at mas mahaba ang aking pilik kumpara sa ibang mga kaklase ko.
"Salamat pero hindi ka gusto ng mga mata ko," biro ko at itinuon na lamang ang buong atensiyon sa isang buong papel na puno ng mga numero.
Biglang sumakit ang ulo ko at nahilo. I really suck in Math, big time. Inipit ko sa gilid ng aking tainga ang takas na buhok na humaharang sa mga mata ko para makita ang sinasagutan.
I tried answering it but I literally stucked when I need to derive some equations. Ngumuso ako at bumuntong hininga. Ilang minuto na lamang ay dadating na ang magtuturo sa amin at wala pa rin akong nakukuhang sagot.
"Grabe naman 'yang mga mata mo. Ayaw sa guwapo," humalakhak si Steven sa gilid ko.
Napangiwi ako sa sinabi niya at hinarap siya. He has this soft features and angelic face. Matangos ang kaniyang ilong at manipis ang mga labi. Masasabi kong guwapo nga siya pero dahil sa kayabangan ay nahihigop ng sarili niyang hangin ang pagsang-ayon ko sa sinasabi niya.
"Hindi naman. Gusto kaya nitong makakita ng mga guwapo. Iyan ang dahilan kaya ayaw ng mga mata ko sa iyo," I chuckled when he pouted.
Umiling ako at pinigilan ang pagtawa ng malakas. Itinaas ko ulit ang mga kamay kong hawak ang HBW na ballpen na papaubos na ang tinta.
Ang tagal ko na sa numerong ito. Kailan ko ba mukukuha ang tamang sagot?
I scribbled but I failed again. I hate Math so much. Kung bakit kasi nauso pa ito, may mga titik pang idinagdag hindi naman magagamit sa pagkukuwenta sa palengke. Natawa ako sa naisip.
"Thanks for the insult," masungit ngunit nakangiti niyang sabi. Iisipin ko na sanang pikon siya pero nang makita ang pagkurba ng mga labi ay napairap na naman ako.

BINABASA MO ANG
Bond of Catastrophe
Ficção Histórica"Gusto kong mahalin mo ang babaeng may mukhang walang pinagkaiba sa akin." Ramdam ko ang mababaw niyang paghinga at ang malalim na pinagmulan ng kaniyang matunog na halakhak. "Si Melca ba ang tinutukoy mo?" "Akala ko ba ika'y matalino? Hindi ko na...