Catastrophe
Scattered with thousands of thoughts and unanswered questions popping in my mind, I haven't even thought about fate's cruelty. Beyond those unknown reasons are the ideas that it might be the chaotic destiny that they are all thinking about.
I glanced at the window to see the grumpy facade of Steven who kept on insisting to take the role instead. Hinihila siya ni Rest na mukhang nag-aalala na din para sa akin. But now, all I can do is to suffer and to subside all the remaining pain from the past.
Just focus, Melca.
Focus, my foot.
How can I if the man standing languidly wearing his petulant and parlous facade infront of me is August himself? The man that I've been ignoring for years?
Akala ko noong una ay magiging madali iyon ngunit hindi ko alam na sa paglipas ng tatlong taon ay magbabago ang ikot ng mundo. College na siya kaya madali lang para sa akin ang iwasan siya sa loob ng mga nagdaang taon. But seeing him how he promptly stand out among the students in this gym makes me groan in anger. How can life be this cruel to me?
Ayos lang sana na magkasama kami sa iisang lugar dito sa school pero bakit kailangan ko pa siyang maging kaparehas?
"On our original play, the dean decided who to take the roles himself so I am not expecting for demands, alright?" Mrs. Mendoza fixed her eyeglasses in place before giving us our scripts.
Nang inabot ang sa akin ay hindi ko mapigilang mapangiwi.
"Ikaw na Katumbas ng Buhay," it says. I tried my best not to puke for the title. Hula ko ay Historical Fiction ito.
Now I regret on joining the Theater Club. It is such a pain in the ass!
Inisa-isa ko ang mga pahina at nakitang naka-highlight na doon ang mga linyang kailangan kong sauluhin. Suminghap ako sa mga purong tagalog na mga salita. I knew it.
"Tutal may meeting kaming mga Faculty Members, try reading those lines of yours with emotions. For the main characters, practice reading with each other. Alright?"
"Yes, Ma'am."
Pinagmasdan ko ang likod ng teacher na naglalakad na palabas ng gym. Napalunok ako at napatingin muli sa bintana at hindi na muli pang nakita doon sina Rest at Steven.
Nag-umpisa nang umugong ang ingay sa loob. Higit na dalawampu lamang kami ngunit karamihan ay college students. They were all happy with the roles they got. Sumulyap ako kay August na nakapirmi ang mata sa kaniyang script. Hindi kakikitaan ng saya o lungkot man lang ang mukha niya. It stays jejune and petulant like what it's been earlier.
Siguro ay ayaw niya din ng role niya, hindi ba? Papayag naman kaya si dean kapag nagpapalit siya? Nalaglag ang mga balikat ko sa ideyang iyon. I'm just fooling myself.
"The four main roles, gather up."
Napatikhim ako sa biglaan niyang pagsabi noon. Excited na nagpunta ang dalawang pamilyar na estudyante sa kaniya at umupo pa sa tabi nito.
Dinilaan ko ang pang-ibabang labi bago nagdesisyong sumunod. Kinuha ko ang bag ko at kagat-labing naglakad patungo sa kanilang direksyon.
August's bored eyes are now fixed on me that made me feel uneasy. Para bang inip na inip siya sa ginagawa kong paglalakad at parang gusto na lamang akong hilahin para mapadali ang pagpunta ko doon. Pakiramdam ko tuloy ay naglalakad ako sa buwan at ang gaan ng bawat hakbang na nagagawa ko.
Sunud-sunod ang nagawa kong paglunok nang sa wakas ay nasa tapat na nila ako.
"Oh my, you're Melca, right?" Ngumiti sa akin ang isang magandang babae at hinawakan pa ang balikat ko.

BINABASA MO ANG
Bond of Catastrophe
Fiksi Sejarah"Gusto kong mahalin mo ang babaeng may mukhang walang pinagkaiba sa akin." Ramdam ko ang mababaw niyang paghinga at ang malalim na pinagmulan ng kaniyang matunog na halakhak. "Si Melca ba ang tinutukoy mo?" "Akala ko ba ika'y matalino? Hindi ko na...