Insecurities
"Hulaan mo, Luisa." Kumurapkurap ang kaibigan kong si Theresa at ngumiti sa akin. Bakas ang pagkamangha sa mga mata niya at ang panggigigil ay malinaw pa sa tubig alat.
"Anong sadya mo at ika'y naparito?"
"Hulaan mo nga." Tumikom ang bibig niya at humalakhak.
Nanliit ang aking mata at ilang ulit pa siyang inobserbahan. Nang malaman kung ano iyon ay agad akong napangiti.
"Alam mo na?"
"Ano ang kausotan niya ngayon?"
"Ha?"
"Alam kong nakita mo ang lalaking hinahangaan ko sa labas ng palasyo. Anong kulay ng kasuotan niya?" Inayos ko ang aking buhok at dinilaan ang pang-ibabang labi.
"Pambihira. Napakahusay mo, Luisa." Pumalakpak pa siya bago ilapit ang mukha sa akin. "Kahel."
Natigil ako sa pag-aayos ng buhok ay muling napangiti. Ang imahe ng lalaking aking napupusuan suot ang kahel na damit ay nakatatak sa aking isipan. Ang mahahabang pilik niya, ang makapal na kilay, lalo na ang maninipis na labi ay hindi ko malimutan.
"Ngunit may kasama siyang babae, at ayon sa narinig ko'y kaniyang kasintahan."
Parang tumigil sa pagtibok ang aking puso at hinarap muli si Theresa. "Babae?"
"Nandito na 'ko," dahan-dahan kong binuksan ang kawayang pinto ng aming bahay-kubo at agad na iginala ang mata para mahanap ang tiyahin. Medyo masakit ang ulo ko sa mga senaryong pumapasok sa isip ko. Kakaimagine ko talaga 'to.
Our house is small but very neat. May ikalawang palapag iyon na kawayan rin lamang ang sahig at hindi naman gaanong kataas, nagsisilbi lang naming tulugan tuwing gabi. Mayroong maliit na lamesa sa gitna, at kurtina lamang ang humaharang sa pagitan ng sala at kusina.
May maliit kaming telebisyon sa tabi ng lamesa at may dalawang kawayang upuan hindi kalayuan dito. Pagkapasok ay sasalubong ang iilang muwebles, at ang palikuran naman ay nasa may gilid ng hagdan.
Simple pero masaya naman ang nakasanayan kong buhay kasama ang aking tiyahin. She's only thirty-five years old and selling fresh vegetables and fishes at the market everyday. Hindi naman kalayuan ang palengke dito kaya kung minsan ay tumutulong ako sa kaniya doon.
Good thing that I have my scholarship with me. Hindi na siya mahihirapang pag-aralin ako, kahit na minsan ay problemado pa rin ako at nahihirapang manghingi sa kaniya ng pera para sa paggawa ng proyekto.
Pagod akong umupo at tinanggal ang bag na nakasabit sa aking balikat. Sumandal ako sa backrest noon at hinilot ang sintido.
Both of my parents died when I was four. Though, I can't remember our past memories together vividly but I still treasure them. Minsan ay naiinggit ako sa mga kaklaseng kumpleto palagi ang pamilya tuwing dadalo ng meeting. Naiinggit ako sa mga kaklaseng inaalagaan ng mga magulang. Ano kayang pakiramdam kung mararanasan ko iyon ngayon?
Pero hindi nagkulang si Auntie Glaizel. She's my mother's only sister and still a maiden. Aniya'y nagkaroon siya ng boyfriend, pero namatay ito at simula noon ay nawalan na din siya ng ganang umibig ulit. Alam kong masakit iton para sa kaniya. I can still hear her sobs while holding his boyfriend's picture everynight. I wonder what is she feeling. Alam kong masakit pero hindi ko alam kung anong klase iyon dahil hindi ko pa naman nararanasan.
Napatingin ako sa isang picture frame sa gilid at bumuntong hininga. It was me together with my parents. According to Auntie, we were involved on a car accident and luckily, I survived. Napadala pa daw sila noon sa ospital at sinabi kay Auntie ang tungkol sa scholarship ko. Hindi nagtagal sina Mama at Papa at namatay na.

BINABASA MO ANG
Bond of Catastrophe
Ficção Histórica"Gusto kong mahalin mo ang babaeng may mukhang walang pinagkaiba sa akin." Ramdam ko ang mababaw niyang paghinga at ang malalim na pinagmulan ng kaniyang matunog na halakhak. "Si Melca ba ang tinutukoy mo?" "Akala ko ba ika'y matalino? Hindi ko na...