Kabanata 13

25 3 0
                                        

Light talk

"So tomorrow, we will be having no practice. Alright? Sabado naman kaya magpahinga na muna kayo sa mga araw na 'yon. Naiintindihan?" Ani Mrs. Mendoza at istriktong pinaypayan ang sarili kahit na hindi naman mainit.

Hindi ako mapakali habang magkasiklop ang dalawang kamay sa unahan ko. Panay ang aking lunok at pinipilit ang sarili na huwag lingunin ang prenteng nakatayong si August sa tabi ko. He's languidly holding his script on his left hand while his bag is on his right shoulder. Napapatikhim na lamang ako sa tuwing susubok ang pagkakataong magtama ang mga braso namin. He didn't even bother about it. Praning lang siguro ako.

Wala tuloy akong magawa kundi ang paypayan na rin lang ang sarili. Pakiramdam ko ay bumanas bigla.

"Also, kaya niyo naman sigurong magpahinga habang minememorya ang mga linya ninyo, 'di ba? Lalo na 'yung mga main characters." Binigyan niya pa kami ng isang sulyap.

Pinaglaruan ko na lamang ang sapatos ko at bahagya pang yumuko. Hindi naman ako interesado sa sasabihin niya. Ang mas gumugulo sa isipan ko ay ang mga salitang iniwan sa'kin ng matangkad na lalaki sa gilid ko. Mukhang wala naman siyang pakealam at halatang wala lang sa kaniya 'yon. Dapat hindi na rin ako nagpapa-epekto.

"Sa Lunes ay darating na ang Folk Dance trainor ninyo. Sana ay hindi kayo sakit sa ulo. After all, mga binata't dalaga na kayo."

Pagkatapos ng ilan pang paalala ay pinauwi niya na rin kami. It's still early so we still have time to attend our last classes. Nagdadalawang isip pa ako kung dadalo ngunit sa huli'y napagdesisyong 'wag na at baka makaabala pa ako at pagod na rin sa ginawang pag-eensayo.

"Melca, attend ka pa ng klase mo?" Umiling agad ako sa tanong na 'yon ni Hena. She's been teasing me for about an hour after what August had been said but luckily, she stopped. "Hindi naman tayo obligado. Sama ka na lang sa'min. Treat ko kayo sa canteen!" Maligayang sabi niya at hinawakan pa ang braso ko.

Trying hard not to be rude, I gently pushed her hands off me and gave her one small smile. "Hindi na. Kayo na lang. I would just kill time reading books."

Hindi na siya nagpumilit at hinigit na lamang ang dalawang lalaki para sumama sa kaniya. Inayos ko na rin ang sarili at pinunasan ang butil ng pawis na namuo sa aking noo. Dapat kasi ay nagpuyod na ako kanina at hindi na nagpaapekto sa kung anong sinabi ng lalaking 'yon.

Nagmartsa ako palabas ng Gym pero bago pa 'yon ay naunahan na ako ng isang matangkad na lalaki at aksidenteng nabangga sa likod nito. Namilog ang mga mata ko at hinintay na lamang ang pagbagsak pero hindi nangyari.

Namataan ko na lamang ang sarili sa katawan ng kung sino. Ang kamay nito ay nakaalalay sa baywang ko pero braso niya lamang ang nakadikit at iniiwasang madampian ng daliri at palad niya ang katawan ko. Aligaga akong napatayo at diretso na ang pagyuko sa lalaki habang nakapikit ang mga mata.

"Naku, sorry po. Hindi ko sinasadya." Dire-diretsong sabi ko at tiningala ang lalaking nasa harap ko.

"Ayos lang." Matipid itong ngumisi. "Ikaw na naman? Lapitin ka ng gulo, ah?" He patted my head before putting his hand inside his pocket.

Right. Siya 'yong gentleman na niligtas na rin ako kanina. Bakit ba sa t'wing maaaksidente ako ay siya ang sasagip at makakakita sa'kin? Gusto ko tuloy batukan ang sarili sa sariling katangahan.

"Sorry talaga Kuya, ah? Nakakahiya na tuloy." Hinilot ko pa ng kaonti ang ilong dahil sa sakit na namuo dito. Ilong ko kasi ang nabangga kanina noong matangkad na lalaki. Minamalas na talaga ako.

Kumunot ang noo ng lalaki at itinaas pa ang mga kamay para tanggalin ang palad ko mula sa aking ilong. But before that, I felt a sticky liquid coming out from my nostrils. Napakunot din tuloy ang noo ko at pinagmasdan ang daliri kong may bahid na ng dugo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bond of CatastropheMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon