Distracted
"Tubig?" Steven offered before sitting next to me. "Sorry na, Melca." Ngumuso siya.
Kinuha ko ang boteng inalok niya at hindi na masuklian ang maliit niyang ngiti sa akin. Siguro ay hindi na big deal sa akin ang mga salitang natanggap ko mula sa kaniya kahapon. I am more bothered to August's remarks. He just called me Luisa yesterday. At pareho kaming nakakakita ng ganoong klase ng panaginip? Goodness.
Tumango na lamang ako sa kaibigan. Hindi naman siya mahirap patawarin.
"Okay na 'yon. Huwag mo na lang sanang isipin ulit ang mga ganoong bagay. Hindi ko naman kasi talaga ginawa 'yon." I said without even looking at him.
Namataan ko ang mabilis na pagtakbo ni Rest papunta sa aming direksiyon at saka doon inilapag ang mga pagkaing binili niya. Humihingal pa siya habang ngising-ngisi. Napailing na lamang ako at nahawa na sa ngiti niya.
"Bati na kayo?" Humalakhak si Rest at nagpuyod ng buhok.
Binuksan ko ang takip ng bote at saka doon uminom.
I gathered all my senses and thought about my current situation with August. Paano niya nalaman na may Luisa din akong nakikita sa bawat panaginip ko? At paanong nangyaring pareho kaming nakakakita ng ganoon? Is it true that he's Antonio? How come?
Pilit kong pinagdugtong ang mga pangyayari pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. Ano bang papel ni August at ng mga nakakatakot kong panaganip sa buhay ko? Why those things are happening to me? I doesn't make any sense.
"I don't think so. Halatang galit pa sa'kin, e." Ngumuso na naman si Steven at sinulyapan ako.
"Hindi, ah. Sabi ko naman sa'yo okay na 'yon. I'm just bothered with some things."
Umayos ng upo si Rest at sinamaan ako ng tingin. "Don't tell me you're thinking about August? That punk really don't know his place. Mag-quit ka na kaya sa Drama? How dare he talk to you."
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng field na para bang nandoon ang sagot. The synthetic grass makes the scenery looks more great. Ang mga building na maayos na nakahanay ay matataas at mukhang malilinis at bago pa. The benches are full of students probably attracted with the Pine Trees to shred them from sunlight. Huminga ako ng malalim at napapikit.
"Sinabi niya lang ang totoo. Wala naman siyang kasalanan. He didn't intend to make me feel that way and to suffer such. Sinabi niya rin na may mga panaginip siyang gaya ng sa akin." Simpleng sabi ko at hinarap ang dalawa. "Naguguluhan pa din kasi ako. Paano nangyari 'yon?"
Ibinigay ni Steven ang buong atensiyon sa akin at akmang magsasalita na nang naunahan siya ni Rest.
"Bawal na ba magsinungaling sa panahon ngayon? I bet he did it on purpose. Sinungaling ang lalaking 'yon." Umirap siya at binuksan ang pagkaing dala niya.
Umihip ang mabining hangin at tinatangay nito ang necktie ko kaya napakapit ako nang mahigpit doon. Ipinukol ko ang tingin doon at nakurap-kurap.
"But why did he knew that name? Ikaw nga hindi alam ang mga pangalang napapanaginipan ko."
Mas lalo tuloy akong naguluhan.
"You shouldn't be bothered. Relax ka lang, Melca. Bakit ba pinag-iisipan mo pa 'yang mabuti? Wala ka namang mapapala sa kakaisip mo. Sasakit lang lalo 'yang ulo mo." Nag-aalalang sambit ni Steven at inayos ang kulot niyang buhok na nagulo dala ng hangin.
Pinagmasdan ko siya habang ginagawa iyon habang nalulunod ang utak sa dami ng tanong na naiisip.
"Steven's right. So stop it, Melca. Pinahihirapan mo ang sarili mo." Muling umirap si Rest at nagsimulang kumain.
BINABASA MO ANG
Bond of Catastrophe
Fiksi Sejarah"Gusto kong mahalin mo ang babaeng may mukhang walang pinagkaiba sa akin." Ramdam ko ang mababaw niyang paghinga at ang malalim na pinagmulan ng kaniyang matunog na halakhak. "Si Melca ba ang tinutukoy mo?" "Akala ko ba ika'y matalino? Hindi ko na...
