Chapter 3 - Five Again

25.6K 755 230
                                    

Myrtle Condominium, Tower 1, 10th floor, Unit 101
Cubao, QC

"Mga bakla, confirmed na talaga 'yung lumabas na balita!" Nakatutok ang mga mata ni Jem sa laptop nang sabihin niya iyon. "Bumalik na talaga si Brian sa Westlife!"

Hindi madalas magkita-kita ang magkakaibigang sina Kathryn, Jem, at Analisa dahil abala sila sa kani-kanilang trabaho. Pero nang mabalitaan nila ang malaking pasabog ng paborito nilang boyband ay napagdesisyunan nilang mag-meet sa condo unit ni Kathryn.

"Sa wakas... Nagkaroon na rin ng katuparan ang matagal ko nang ipinagno-novena!" Humiga si Analisa sa kama. "Nabuo na silang muli!"

Bumaling si Jem kay Kathryn. "Bakla, ngayong nagbalik na si Brian sa Westlife, sino na ang bias m—"

"Si Kian pa rin." Hindi na pinatapos ni Kathryn ang gustong sabihin ng kaibigan.

"Naks! Iba ka rin, bakla! Loyal ka pa rin talaga kay Kian kahit na mas nauna pang mag-I love you too si Brian sa 'yo kumpara kay Kian."

"Siyempre 'no? My loyalty remains to Kian kahit pa hindi pa niya ako napapansin kahit kailan." Umupo si Kathryn sa sofa at kinuha ang isang throw pillow na may mukha ni Kian. "Love ko rin naman talaga si Brian e'. Kahit naman sina Shane, Mark, at Nicky e gano'n din. Pantay-pantay sila. Si Kian lang talaga 'yung pinaka sa kanilang lahat."

Tumingala si Kathryn sa ceiling habang yakap ang unan. "He is the love of my life, my everything, my dream, knight in shining armor, prince of my castle, king of my heart.... Haaaaaay, ano pa ba ang puwedeng i-describe sa kaniya?" Tiningnan niya ang mga kaibigan. "Teka lang, ba't kailangan ko pang i-explain e alam na alam n'yo namang dalawa kung ano si Kian para sa akin?"

Nagkatinginan sina Analisa at Jem sabay sabing,

"Hubby!"

Nagkatawanan silang tatlo at nag-apir.

Nagkakilala sila tatlong taon na ang nakaraan sa isang Facebook group na Westlife PH Fan group. Ito ang kinikilalang opisyal na grupo ng fans ng Westlife sa Pilipinas. Mula nang magkakila-kilala ay sila ang madalas na magkakasama tuwing meet-up. Idagdag mo pa si Mae na hindi nila kasama ngayon dahil kasalukuyan itong nasa business trip sa Europa.

Kumakain ng pancit canton ang tatlo nang may lumitaw na notification sa cellphone ni Kathryn. Kinuha ng dalaga ang phone para i-check kung ano ang nakasaad doon. "Nag-announce ang Westlife PH Fan group ng meet-up sa Linggo. A-attend ba tayo?" Tiningnan ng dalaga ang dalawang kaibigan.

Nilunok muna ni Analisa ang laman ng bibig bago siya sumagot. "Push. For sure, may mahalagang announcement ang admins. Biglaan, eh."

"Probably." Ibinaba ni Jem ang bowl na wala ng laman. Tumingin siya sa laptop na kaharap. "Mga bakla, tingnan n'yo 'to. Bilis!"

Itinuro ng dalaga ang pinapanood niya sa YouTube na live stream ng BBC. Kakanta ang Westlife... kasama na si Brian!

Nagkumpulan ang magkakaibigan sa harap ng laptop.

"Wait. Sa TV natin panoorin para feel na feel," sabi ni Kathryn na noo'y kinuha ang remote.

I've got sunshine on a cloudy day
When it's cold outside I've got the month of May

"My Girl!" Hindi mapigilan ni Jem ang pagpalirit.

"Brian, I miss you!" sigaw ni Kathryn, na animo'y naririnig ng lalaki ang sinabi niya.

I guess you'd say
What can make me feel this way?
My girl (my girl, my girl)
Talkin' 'bout my girl (my girl)

Nagsalita si Analisa habang nakatutok ang pansin sa TV. "Litaw na litaw talaga 'yung boses ni Brian diyan 'no?"

"True!" magkasabay na sabi nina Kathryn at Jem.

I've got so much honey the bees envy me
I've got a sweeter song than the birds in the trees

"Wala talagang kupas ang boses ni Shane. Para kang nakikinig ng anghel na kumakanta. I love him!" Para bang may puso-puso sa mga mata ni Kathryn nang sabihin niya iyon.

Siniko siya ni Jem. "Hoy babae. May Kian ka na ah, 'di ba?"

"Ey serry pe," nakangising sagot ni Kathryn na nakakagat pa sa hintuturo. "Hubby naman natin silang lahat a' so puwede ma-inlove sa kahit sino sa kanila."

"Kalma lang kasi, baka magselos na niyan si Kian sa 'yo. Ang dami mong mahal!" biro ni Jem.

"Wow, akala mo naman kung kaano-ano ako ni Kian para makaramdam siya ng selos 'no? Ni hindi nga ako kilala noon," may hugot at pait na sabi ni Kathryn.

Sumabad si Analisa. "Ay naku, mamaya na 'yang emote! Nanonood tayo, eh."

At nagtawanan silang tatlo.

Well, I guess you'd say
What can make me feel this way?
My girl (my girl, my girl)
Talkin' 'bout my girl (my girl)

Napatili si Analisa. "Babe Nicky!"

"Shems, 'yung pag-pout talaga ng lips ni Kian ang nagdala, eh," ani Kathryn. "Haaaaay, nakakawala ng enerhiya." Dahan-dahang niyang idinulas ang likod pababa sa sofa na kinauupuan.

Sinaway siya ng kaibigang si Jem. "Kathryn Alexandria, tumayo ka nga riyan. Bumukaka ka pa e nakapalda ka pa naman."

"Tatayo na po, Ma'am Jem." Binigyang-diin ni Kathryn ang salitang Ma'am.

Sanay naman na si Kathryn sa pananaway ng kaibigan dahil dating teacher si Jem. Ngayon ay isa na itong singer at recording artist sa ABS-CBN. Nag-resign man si Jem sa public school e hindi naman niya tuluyang iniwan ang pagtuturo dahil meron siyang ipinatayo na maliit na nursery school mula sa naipon niya sa talent fee. Sa sobrang pagkahumaling niya kay Mark Feehily e pinangalanan niyang Jemark Kindergarten School 'yung school niya mula sa pinagsamang pangalan nila ni Mark – Jem at Mark.

Si Analisa naman ay isang businesswoman na may maliit na grocery store sa Makati. Hindi rin naman siya magpapatalo dahil pinangalanan niyang Mrs. Byrne's Grocery Store ang kaniyang negosyo.

Si Kathryn naman ay isang bank teller. Not just a bank teller dahil isa siyang Senior Bank Teller kaya hindi basta-basta ang sinasahod niya. 'Yun lang. 'Wag kayong umasa na sa Kian Bank of the Philippines siya nagtatrabaho kasi wala naman siyang authority na palitan 'yun.

Dublin, Ireland

Matapos ang isang kanta ay nagsalita si Shane Filan sa harap ng crowd.

"Hello, everyone!"

Hindi magkamayaw ang fans na naroon.

"As you can see, Brian has been with us during our performance recently. Now, we would like to officially confirm the news that is circulating these past few days." Inilibot ni Shane ang tingin sa mga tao. "We want you all to be happy so we're happy to announce that Brian is officially back!"

Napuno ng sigawan ang buong lugar dahil sa galak.

"And please keep in touch because we're planning a world tour soon. So kindly follow our social media accounts for update," segunda ni Mark Feehily.

"W-World tour?!" Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan na noo'y nanonood pa rin sa condo.

Napanganga si Analisa. Naitutop ni Jem ang palad sa bibig. Napatigalgal si Kathryn.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa loob ng sampung segundo. Nang mahimasmasan si Analisa ay nagsalita siya.

"You already know what to do, mga bakla. Let's keep an eye to the VIP ticket once they announce a tour here in the Philippines."

Tumango sina Jem at Kathryn, na iisa ang naiisip.

Kailangan na nilang paghandaan ang posibilidad na pagbabalik ng Westlife sa Pilipinas.

•••

Note: Babae po sina Kathryn, Jem, Analisa, at Mae. 'Bakla' lang po ang tawagan ng barkadahan nila. ☺️

I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon