Pagkapahinga nang kaunti ay dumiretso agad ang lads at ang mga dalaga sa tabing-dagat.
"Stunning, breathtaking, and luxurious," ani Nicky na noo'y iniluhod ang isang paa sa buhanginan. Kumuha siya ng karampot na buhangin upang tingnan iyon. "The sand is pristinely white. What more can I say?"
Humakbang ng ilan si Mae palapit sa dagat. "Sobrang linaw ng tubig. Kitang-kita mo 'yung ilalim!" Ipinikit niya ang mga mata sabay niyakap ang sarili. Sinalubong niya ang hampas ng hangin. "Ang ganda!"
Pinagmasdan ni Kathryn ang lawak ng asul na karagatan. "Alam n'yo bang nanggaling na rito ang ilang international figures tulad nina Bill Gates, Madonna, Beyonce, Brad Pitt, at iba pa?"
"At ngayon, Westlife naman," singit ni Mae. Shane gave her a pat on the right shoulder na ikinakilig ng dalaga.
"Cool," sabi ni Kian na itinaas-taas ang cellphone. "Kahit dito, malakas pa rin ang internet connection. I thought this island will never have one. But look, it has WiFi!"
Kinuha ni Analisa ang phone sa bulsa. "Oo nga 'no?" Nilingon niya si Kathryn. "Bakla, pa-picture nga dali, pang-status lang."
Walang pag-aalinlangang kinuha ng dalaga ang phone ng kaibigan.
Nang matapos ang kaunting picture taking ng dalawa ay nagpakuha naman sila ng ilang group pictures sa official photographers nilang sina Jay-Ar at Arjay.
***
They spent their early lunch in a restaurant facing the beach. Isa itong bungalow-type na kainan. Kitang-kita mula roon ang napakagandang dagat na pumapalibot sa Amanpulo.
Pinalilibutan nila ang isang malaki at at parihabang lamesa. Tahimik nilang pinagsaluhan ang napakasarap na pagkaing nakahain sa kanila.
Nakakailang kutsara pa lang si Kathryn ng pagkain. Sa totoo lang ay nasasarapan siya sa mga nakahain. Nahihiya lang siya kasi katabi niya si Kian na noo'y patapos na.
"Halos 'di mo na nagagalaw 'yung food mo. Kumain ka na, Kathy."
Isang ngiti ang nagpipilit kumawala sa bibig ng dalaga. Tumatak sa kaniya ang palayaw na iniukol sa kaniya ni Kian.
Kathy. Nakakakilig naman.
Kumuha ng isang kutsarang kanin at ulam si Kian mula sa pinggan ng dalaga. Umaktong susubuan ng binata ng pagkain ang katabi.
Napakurap-kurap ang mga mata ni Kathryn habang palipat-lipat ang tingin sa mukha ni Kian at sa kutsara. Sa parehong pagkakataon ay nakaramdam siya ng mahihinang pagsipa sa mga paa niya na nang tingnan niya ay mula sa mga kaibigan niya. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga ito ay pinangmumulagatan siya ng mga mata. Tila sinasabi nila kay Kathryn na tanggapin ang alok ni Kian.
Humugot ng malalim na paghinga si Kathryn sabay iniawang ang bibig para paunlakan si Kian.
Nagkatinginan ang magkakaibigan na kung titingna'y parang wala lang ang reaksiyon. Pero ang mga paa nila sa baba ay wari'y nagbubuno. Sapat na iyon para iparating sa isa't isa ang kilig na nararamdaman.
***
Itinuloy na nila ang pagkain. Mayamaya ay napasulyap si Mark kay Jem. Napatigil siya. Kumuha siya ng tissue.
"Ahm, Jem?" Sumenyas siya sa dalaga na may nais siyang tanggalin sa mukha nito.
Nakuha agad ng dalaga ang ibig sabihin ni Mark. Kukuhanin sana niya ang tissue mula sa binata pero hindi na niya nagawa iyon. Si Mark na mismo ang nagpunas sa butil ng kanin malapit sa mga labi niya.
BINABASA MO ANG
I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)
FanfictionWATTYS 2021 WINNER Fanfiction Category Dalawa lamang sa milyon-milyong fans ng Westlife sina Kathy at Jem. Katulad ng iba ay hinahangad din nilang mapansin sila ng iniidolong Irish boyband group- partikular na ang bias nilang sina Kian Egan at Mark...