Sligo, Ireland
"Baby, pumikit ka. May surprise ako," ani Kian sa nobya niyang si Jodi. Nasa isang restaurant sila habang nagsasalo sa romantic dinner. Ngayon ang ikatlong anibersaryo nila.
Ngumiti si Jodi at ginawa ang nais ng nobyo. Pumunta sa likuran niya si Kian. Mayamaya ay may naramdaman siyang metal na bagay na dumantay sa kaniyang leeg.
Unti-unti nang iminulat ni Jodi ang paningin. Tumambad sa kaniya ang isang kuwintas na may heart-shaped pendant na mayroong nakaukit sa loob na K&J, sumisimbolo sa pangalan nilang dalawa.
"Baby." Pumunta si Kian sa harap ni Jodi. "Gusto kong malaman mong mahal na mahal kita. Isuot mo lagi ang kuwintas na iyan tanda ng pagmamahalan nating dalawa."
Pinisil ng binata ang palad ng nobya. "Ilang linggo na lang ay magiging abala na naman kami dahil sa world tour kaya matagal akong mawawala sa Ireland, baby. Kapag nami-miss mo ako, hawakan mo lang itong kuwintas para hindi ka na malungkot."
Tuluyan nang tumulo ang luha ni Jodi sa labis na saya. Napayakap siya nang mahigpit kay Kian.
"Baby, mahal na mahal din kita at ikaw na ang gusto kong makasama habambuhay. Nandito lang ako para sa 'yo." Sandaling tumigil sa pagsasalita si Jodi. Humugot siya ng malalim na paghinga. "I-I'm sorry kung hindi kita masasamahan sa world tour. I need to look after my boutique. Gusto ko sana sumama kaso-"
Idinantay ni Kian ang hintuturo sa labi ni Jodi. "You don't need to explain 'cause I totally understand. Ilang buwan lang naman tayong 'di magkakasama e. 'Pag naging mag-asawa tayo e araw-araw na tayong magkasama hanggang pagsawaan mo ang mukha ko." He chuckled a bit.
"Ako? Magsasawa? Hindi 'no! May nagmamahal bang nagsasawa?"
Tumalon ang puso ni Kian sa sinabi ng nobya. "Kaya sobrang mahal na mahal kita, eh." Ginawaran niya ng banayad na halik si Jodi sa mga labi na nagtagal ng ilang segundo.
Pinutol ni Jodi ang pagdidikit ng kanilang mga labi. "Let's call it a night, baby. I have to go." Hinaplos niya si Kian sa pisngi. "Happy anniversary."
"Happy anniversary too, baby," sagot ni Kian.
Feehily's Residence
Nakaupo sa may balkonahe si Mark Feehily habang nakatanaw sa malayo. Malalim ang iniisip niya. Napatingin siya sa kaniyang nobyo na si Cailean na kasalukuyang nagga-gardening sa tapat ng bahay nila. Mayamaya ay napatingin din ito na tila nakaramdam na siya ay tinitingnan ng kaniyang sinta. Nagkatinginan sila at itinuloy muli ni Cailean ang pagga-gardening.
Naisipan ni Mark na i-check ang social media accounts niya. Hindi naman talaga siya masyadong aktibo online pero hindi niya mawari kung bakit sinipag siya ngayon.
Inuna niya ang Twitter at ilan sa mga nabasa niya ang mga ito:
@vivianbooo12 Mark, give me a son!
@jhamshanesoriano love you babyyyy. I want to feel your kiss
@annenadora can you be mine?
@kclaguardia mark u r driving me crazy!
Natatawang-napapailing si Mark sa mga nabasa. Ni-love na lang niya ang bawat tweet na nabanggit sabay sara ng Twitter App. Ang ikalawa naman niyang tiningnan ay ang Instagram account niya. Nakita niyang napakarami na rin ng notifications dahil sa dami ng nagla-like sa posts niya. He checked the messages at gano'n pa rin 'yung mga nakikita niya. May mga gustong humingi ng semilya, may gustong makipag-one night stand, at iba pang nakakatawang mensahe. Sanay na siya kasi may mga gano'n na siyang fans noong nagsisimula pa lang ang Westlife.
May isang mensahe na pumukaw sa atensiyon niya at 'yun ay galing sa isang babae na ang username ay @mejfeehily04. Tiningnan niya ang profile ng fan. Hindi niya namalayang nag-i-scrolldown na pala siya sa profile ng babae. Selfie, edited pictures na kasama siya, at short clips na kumakanta ito ang nakita niya roon. Pinanood niya 'yung isang clip na ang kinakanta ng babae ay ang isa sa mga kanta nilang Written in the Stars.
🎵 'Cause when I look at my life,
How the pieces fall into place it just wouldn't rhyme without you.
When I see how my path seems to end up before your face,
The state of my heart,
The place where we are was written in the stars. 🎶"Cute," tanging nasabi ni Mark. Unti-unting namungay ang mga mata niya hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
Pagmulat niya ng mga mata ay nasa balkonahe pa rin siya. Napatingin siya sa paligid dahil nakakaramdam siya ng kakaiba. Napunta ang tingin niya sa garden. Nagulat siya dahil si Cailean na nobyo niya ay napalitan ng babaeng kanina'y tinitingnan niya ang IG profile.
Katamtaman ang katawan. Maitim ang bagsak na buhok, maganda ang mukha, at 5"2 ang tangkad. Humihimig ang babae ng Written in the Stars.
Napatingin ang babae sa kinaroroonan niya. Sa pagkakataong iyon ay naalimpungatan siya. Isang panaginip lang pala ang lahat.
"You dropped your phone, babe." Nakalapit na pala si Cailean sa kinaroroonan niya.
"Thanks, babe." Kinuha ni Mark ang cellphone mula kay Cailean.
Binalikan niya ang IG messages para ipagpatuloy sana ang pagbisita sa profile ng fan girl niya. Pagkadismaya ang naramdaman niya dahil pagtingin niya ay burado na ang lahat ng messages niya. Mukhang napindot niya ang Delete All.
Ipinagkibit-balikat na lang niya ito ngunit hindi maitatanggi na mayroon siyang bahid ng panghihinayang dahil hindi na niya makita 'yung profile ng fan na iyon. Tumayo na siya upang bumalik sa loob ng bahay habang kinakanta ang Written in the Stars.
BINABASA MO ANG
I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)
Hayran KurguWATTYS 2021 WINNER Fanfiction Category Dalawa lamang sa milyon-milyong fans ng Westlife sina Kathy at Jem. Katulad ng iba ay hinahangad din nilang mapansin sila ng iniidolong Irish boyband group- partikular na ang bias nilang sina Kian Egan at Mark...