Chapter 78 - Anniversary

11.1K 211 131
                                    

Westlife Building
West Avenue, Project 7
Quezon City

Para bang umaayon ang panahon sa nagaganap na anniversary ng Westlife PH Fan group. Tirik ang araw ngunit natatakpan ito ng mga ulap kaya hindi ganoon kainit ang panahon.

Sa iconic place na Westlife Building napili ng admins na ganapin ang pagdiriwang na ito. Isa itong building na orihinal na may tatlong palapag. Dating shopping center ngunit nabili ng isang mayamang negosyante na 'di kalaunan ay ginawang events center at pinadagdagan pa ng tatlong palapag.

 Dating shopping center ngunit nabili ng isang mayamang negosyante na 'di kalaunan ay ginawang events center at pinadagdagan pa ng tatlong palapag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*bago ma-renovate at gawing Events Center*

Daan-daang miyembro ng Westlife PH Fan group ang inaasahang dadalo. Ang iba ay tagamalapit lang, ang iba ay bumiyahe pa mula Visayas at Mindanao. May ibang nakasuot pa ng ipinasadyang t-shirt na may mukha ng paborito nilang Westlife lad. Mayroon din namang nakasuot na ang print ay ang picture lahat ng Westlife members.

Mayamaya ay dumating ang isang Mitsubishi Mirage G4. Iniluwa noon ang apat na magkakaibigang sina Kathryn, Jem, Mae, at Analisa.

Mukhang pinaghandaan talaga nila ang event na ito dahil parang nag-usap-usap sila sa isusuot.

All of them are wearing irregular mini plaid skirt, partnered with high-heeled boots. Sa pang-itaas naman ay simpleng black v-neck t-shirt na may imprentang logo ng Westlife na may font color na white.

 Sa pang-itaas naman ay simpleng black v-neck t-shirt na may imprentang logo ng Westlife na may font color na white

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa hairstyle lang sila nagkaiba-iba. Nakalugay lang ang itim na itim na buhok ni Jem samantalang naka-pigtail naman ang buhok ni Analisa. Si Mae ay naka-French Braid at ang buhok naman ni Kathryn ay nakalugay rin pero may bahagyang kulot ang dulo.

Ibinaba ni Mae ang suot na tinted shades at pinasadahan ng tingin ang buong building bago sila pumasok.

"Ibang-iba na ito, ah. Ang laki ng ipinagbago."

Kararating lang ni Mae kagabi mula sa flight galing Ireland. Ayaw raw niyang palampasin ang event na ito kaya umuwi siya ng Pilipinas.

"Dati, hanggang picture lang tayo sa labas nito masabi lang na nakapagpalitrato tayo sa tapat ng Westlife building." Bahagyang napatawa si Jem nang sabihin iyon.

I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon