ABS-CBN Recording Studio
Nasa loob na ng studio si Jem habang si Mark naman ay nasa labas. Pinagigitnaan sila ng glass window kaya kita pa rin nila ang isa't isa.
"We'll start in a bit, Jem. Relax.. focus.. think of an inspiration," sabi ni Direk na nasa tabi ni Mark.
Tumingin si Jem kay Mark. Tumingin din ang binata pabalik sa kaniya.
Inspiration? I think I already have one.
If You're Not the One
If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call?
If you are not mine would I have the strength to stand at all?
Kung hindi ka para sa 'kin, bakit ang saya-saya ko 'pag kasama kita, Mark?Bakit 'pag hinahawakan mo ang kamay ko, bakit tila ba ay para doon talaga 'yun?
Kung hindi ka para sa akin, bakit nagpapakita ka ng motibo?
May Cailean ka na 'di ba?
Kung hindi ka talaga para sa akin, hanggang kailan tayo ganito?
"Ang ganda talaga ng boses ni Jem. Malayo ang mararating ng batang ito," saad ng direktor. Nakatutok lang ang tingin nito sa dalaga.
Tumango-tango ang mga nakarinig noon kabilang na si Mark.
Ang ganda ng boses ni Jem..
Para akong inihehele sa langit.
Pero bakit tila may iba sa pagkanta niya? Parang may emosyon.
Nang magsimula nang awitin ni Jem ang pre-chorus ay tiningnan niya si Mark.
🎵 I never know what the future brings
But I know you're here with me now
We'll make it through
And I hope you are the one I share my life withI don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I could stay in your arms? 🎶
Gustong-gusto kitang angkinin pero wala akong karapatan kasi pagmamay-ari ka na ng iba.Pero bahala na ang bukas. Ang mahalaga ay ang ngayon.
Ihahanda ko na ang sarili ko..
Sa oras na kuhanin ka na sa akin,
Kahit masakit,
Ibibigay kita.
Natapos na ang pag-record ni Jem sa kanta. Pinakinggan nilang lahat ang resulta.
"This is a masterpiece!" Hinarap ng direktor ang dalaga. "Ang galing mo, Jem! Dalang-dala kami sa pagkanta mo. Eto ngang si Stella oh, napapahikbi pa." Itinuro nito ang katabing staff na nagpapahid ng luha sa isang mata.
Napatawa naman ang mga nakarinig.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Jem. "Salamat, direk."
Binigyan siya ng mahinang tapik ng direktor sa kanang balikat.
"Sa susunod na pagbalik n'yo rito, baka naman puwede mo nang isama itong si Mark. Duet kayo kahit isang kanta lang." Makailang ulit na itinaas-baba nito ang dalawang kilay habang nakatingin kay Mark.
BINABASA MO ANG
I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)
FanfictionWATTYS 2021 WINNER Fanfiction Category Dalawa lamang sa milyon-milyong fans ng Westlife sina Kathy at Jem. Katulad ng iba ay hinahangad din nilang mapansin sila ng iniidolong Irish boyband group- partikular na ang bias nilang sina Kian Egan at Mark...