Horse Island
Dublin, IrelandKathryn's POV
"Fine, Mr. Kian John Francis Egan. It's a yes."
Napaawang ang bibig ni Kian nang sambitin ko iyon. Tila ba hindi pa rin siya makapaniwala kaya tinanong niya akong muli.
"Y-Yes? Tayo na?"
Marahan akong tumango habang nakangiti bilang pagkumpirma.
"Yes!" Para siyang nanalo sa lotto sa sobrang saya.
I cannot even explain my happiness as well at that time. Ito na siguro 'yung maximum level of happiness na mararamdaman ng isang fangirl. Fangirl who's now a girlfriend of her celebrity crush. Can you imagine that?
Sa aking kaso ay hindi lang ito imahinasyon. Hindi na ito pangarap o pantasya lamang. Totoong kami na nga!
I don't want to waste the opportunity again kaya heto at pagbibigyan ko na ang sarili kong mahalin si Kian at mahalin niya ako, sa pagkakataong wala na kaming maaapakang ibang tao. Sa panahong malaya na kaming mahalin ang isa't isa. Sa panahong handang-handa na akong buksan ang puso kong muli sa kaniya. Pagkakataon na rin ito para buuhin namin ang aming pamilya.
Sandali akong natigilan. Oo nga pala. Mayroon nga pala kaming dalawang anak na nag-uugnay sa isa't isa. Pagkakataon na ba para sabihin ko sa kaniya ang tungkol kina Kian John at Keanna? Bahala na, ito na siguro ang tamang panahon para malaman niya na ang isang gabing aming pinagsaluhan ay nagbunga.
"K-Kian..." Ilang segundo akong natigilan para humugot ng lakas ng loob. "I-I want to tell you about my past that you need to be aware o—"
Tinutop ni Kian ang bibig ko gamit ang hintuturo niya. "Let's forget about your past. What I care about is our future... together." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Ngayo'y magkadikit na ang aming noo habang magkatinginan pa rin.
"And please don't call me Kian anymore. I preferred to be called in an endearment." Ninakawan niya ako ng isang mabilis na halik sa mga labi na nagpapula agad ng mukha ko. Ang isang halik na iyon ay nasundan pa ng halik sa tungki ng ilong ko, sa pisngi, sa bibig, at sa noo. Sa bawat halik niya ay napapaurong ako patungo sa headrest ng kama hanggang sa wala na akong mapuntahan. I am now laying on the bed with my back being supported by two big pillows. Kian is in front of me in a push-up position while delivering his short kisses.
Shet. Kinikilig ako.
Hayyy... You never fail to drive myself crazy, Kian.
"Hmm. Ano namang endearment?"
Patuloy pa rin si Kian sa paghalik sa akin. Halik na may kasamang pagmamahal na mas lalong nagpakilig sa puso ko.
Sa pagitan ng halik niya ay nagsalita siya.
"Love?" Hinalikan niya ako sa noo.
"Baby?" Matapos noon ay sa ilong naman.
"Sweetie?" Kaliwang pisngi ko naman ang pinuntirya niya.
"Bhe?" Kanang pisngi ko naman ang ginawaran niya ng halik.
Napabunghalit ako ng tawa nang marinig ko iyon sa kaniya.
Napapahawak na ako sa tiyan dahil sa katatawa. Napakunot naman ang noo ni Kian dahil sa naging reaksiyon ko.
"Why?"
"Nothing." I smiled while shaking my head. "Di ko lang ma-imagine kung saan mo napulot 'yung tawagang bhe? Tunog jeje," natatawa ko pa ring sabi.
"Hey, I just heard that from a Filipino couple. I thought it's cute that's why I suggested it," saad ni Kian na naka-pout ang mga labi.
BINABASA MO ANG
I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)
FanfictionWATTYS 2021 WINNER Fanfiction Category Dalawa lamang sa milyon-milyong fans ng Westlife sina Kathy at Jem. Katulad ng iba ay hinahangad din nilang mapansin sila ng iniidolong Irish boyband group- partikular na ang bias nilang sina Kian Egan at Mark...