Myrtle Condominium, Tower 1, 10th floor, Unit 101
Cubao, QC"May bagong post sa Facebook page nila. Pumipili na raw sila ng winners ngayon," saad ni Analisa. Ang tinutukoy niya ay ang Westlife.
Umupo si Mae sa couch habang nakasilip sa laptop ni Analisa. "Sana may mapili sa atin kahit isa 'no?"
"Sana nga," ani Jem. "Tapos kung sino man 'yung mapili e ihingi na lang niya ng kiss 'yung iba sa lads."
"Sa lips?" pabirong sabi ni Kathryn na napahagikhik pa.
"Puwede rin basta 'pag ikaw ang napili e ipapasa mo rin sa amin 'yung kiss sa pamamagitan din ng kiss." Inginuso ni Mae ang mga namumulang labi sa kaibigan.
Kumunot ang noo ni Kathryn na sinabayan ng pag-ikot ng kaniyang mga mata. "'Hindi tayo talo, bakla." Napahagikhik silang apat.
Muling nagpatuloy ang dalaga. "Pero nagwo-worry ako. Baka kasi hindi lang kiss ang mahingi ko kay Nicky, eh," pabirong niyang sabi sabay tingin kay Analisa.
Aktong hahampasin sana ni Analisa si Kathryn sa braso pero agad na nakatayo ang huli kaya napunta sila sa paghahabulan. Halos panakitan ng tiyan katatawa sina Mae at Jem habang pinapanood ang pagkukulitan ng mga kaibigan.
Dublin, Ireland
"Mga bro, may mga napupusuan na ba kayong entries?" tanong ni Shane na siyang tumatayong lider ng Westlife.
Isang tango ang isinagot ni Nicky.
Kumibit-balikat si Brian. "Namimili pa, bro."
"Meron na," saad ni Kian. "Pero tatapusin ko muna lahat ng entries. Baka kasi may mas maganda pa."
"Nice. Meron na rin ako," sagot ni Shane. Nilingon niya si Mark. "Ikaw ba, bro?"
Natahimik ang lahat habang hinihintay ang sagot ng binata. Parang may malalim na iniisip ito kaya hindi agad nakasagot.
"Mark." Tinapik ni Kian ang kanang balikat ng kabanda.
Medyo nagulat si Mark sa pagtawag ni Kian kaya napapiksi siya. "W-Wala pa. Pinag-iisipan ko pa."
Nagtinginan na lang ang apat na halatang hindi kumbinsido sa paliwanag ng binata.
"Oo na lang, Mark," biro ni Brian sa kaibigan.
Umayos sila ng pagkakaupo para panoorin ang susunod na video.
Anim pa ang pinanood nila. Isa roon ang entry ng fan na nagngangalang Mandy na umawit din ng kantang Mandy. Nagningning ang mga mata ni Brian habang pinanonood ang video nito.
May isang entry na lang na natitira.
At ang entry na ito ay 'yung kay Kathryn.
Sumeryoso na sa panonood ang lads.
Sa unang eksena ay naka-focus ang camera sa isang nakatalikod na babae.
Every Little Thing You Do
Hello, let me know if you hear me
Hello, if you want to be near, let me know
And I'll never let you go
Sa isang tabi ay medyo pinangungunutan ng noo si Brian. Kinikilatis niya ang babae sa music video.Mayamaya ay nagliwanag ang kaniyang mukha. Medyo napaangat ang katawan niya mula sa pagkakaupo sa couch.
She's that crazy girl in my solo concert!
Hey love
When you ask what I feel I say love
When you ask how i know I say trust
And if that's not enough
BINABASA MO ANG
I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)
FanfictionWATTYS 2021 WINNER Fanfiction Category Dalawa lamang sa milyon-milyong fans ng Westlife sina Kathy at Jem. Katulad ng iba ay hinahangad din nilang mapansin sila ng iniidolong Irish boyband group- partikular na ang bias nilang sina Kian Egan at Mark...