PANIMULA

129 8 0
                                    

"Maganda, mayaman, matangkad, matangos na ilong, mahaba at natural na bagsak na buhok, mahahabang legs, makinis, sexy at palaayos."

Syempre hindi ako yan. Nabalik ako sa reyalidad matapos akong gisingin ni Ate Winnie.

"Malapit na tayo sa estasyon ng bus. Bababa na tayo kaya ayusin mo na yang gamit mo at itsura mo. Naku, ikaw talagang bata ka. Hindi pwede ang ganyang itsura doon kahit na mamasukan ka lang. Kailangan maayos pa rin ang itsura mo para naman pagkatiwalaan ka ng amo natin."

O diba? Lait na lait ang itsura ni ate mong girl? Hahahahahha

"Grabe ka naman Te Wineng, ilang taon kalang dito sa Maynila nilalait lait mo na ko. Parang dati lang nung bata pa ako cute na cute ka sakin."

"Alam mo kasi M.A., hindi ko naman kasi inakalang magiging mas sisiga-siga ka at walang bahid ng pagkababae yang mga gawain mo. Mas mukha pang babae si Rim sayo e. Kung magdamit ka tingnan mo, maluwag na T-shirt, ang buhok mo? Imbes na nakatirintas, ayan at iniipon mo jan sa sombrero mo."

Tama si Te Wineng, paano ba naman kasi ako matututong magdamit ng at pumormamng babae kung si Kuya Mon, Kuya Del at Kuya Rigor ang kasama ko sa bahay. Yung nag-iisa nilang prinsesa na si Teya Rim (Ateng Kuya), busyng-busy sa Gay pageants niya.

Hanggang sa....

"Kuya Rody, pabukas naman ng gate o?"

"O Winnie, andiyan na pala kayo. Iyan na ba ang pinsan mong si M.A.?"

"Opo Kuya."

"Mukhang barako ah, mukhang di kakayan-kayanin ni Pining."

"Nako, baka makatikim sila ang sapok sa mukha pagnagkataon."

Sabay silang tumawa, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na parang wala ako sa harap nila habang nagkukwentuhan.

"Magandang hapon po, ako nga po pala si M.A., kinagagalak ko po kayong makilala."

Pumasok na kami sa bahay, teka. Hindi naman masasabing bahay ito eh. Napakalaki nito para sa isang bahay. Mansion ba? Parang di pa din e. Ah basta sobrang laki nyaaaaaaa. Di ko maiwansang mamangha sa sobrang ganda.

"Welcome to our home."
Bati sa akin ng isang napakasopistikadang babae, napakaganda niyang ngumiti. Nabukas ang kanyang dalawang braso na parang nagyayang yakapin ko sya.

Siniko ako ni Ate Winnie, "Sige na, bilisan mo na."
Nagtataka akong lumapit sa kanya at nagulat akong inisang hakbang nya ang pagitan namin at bigla nya akong niyakap.

Pagkabitaw niya sa akin.

"Pasensya na ho kayo at sa palagay ko ay di na kaaya-aya ang amoy ko, " tinanggal ko ang aking sobrero dahilan para bumagsak ang maalon at medyo buhaghag kong buhok. "Ako nga po pala si M.A., pinsan po ako ni Ate Winnie. Maraming salamat po at pinayagan niyo akong mamasukan dito sa napakagandang mansion nyo."

"Wala iyon hija," Aniya ng isang boses lalaking medyo may edad na rin. "Nangangailangan din naman kami ng tauhan at nagagalak kaming may natututlungan kami."

Napakasarap nilang titigang mag-asawa. Isang napakagandang babae at isang napakaguwapong lalaki. Siguro magaganda at guwapo ang mga anak nila. Hindi nga pala nai-kuwento sa akin ni Te Wineng iyon.

"Ako nga pala si Elizabeth Carlos and this is my husband Hubert Carlos." May mga ngiti sa labing pagpapakilala ng ginang.

Inilibot kami ni Mrs. Carlos sa buong mansyon. At aaminin kong lubos akong humahanga sa mag-asawa. Hindi mo mararamdaman ang agwat ng antas niyo sa isa't-isa dahil sa sobrang bait nila. Sabay-sabay pa kaming nagmiryenda.

FragmentWhere stories live. Discover now