NINETEEN

1 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang Chinese Restaurant at umorder ng sandamakmak na Moon cake.

"Why don't you order something for you to eat. I know you didn't eat a lot. Saglit lang kayo sa loob e."

Inirapan ko siya. Iritang-irita na ako kanina pa sa kotse na dahil sa pang-aasar sakin.

"Nawalan na ako ng gana! Sino ba naman kasi nag gaganahan kumain kasama ka? Tutulong ng may hinihinging kapalit? I thought you're rich? But why do you eat like hindi ka pa nakakain for the whole day?"

Ibinaba niya nag hawak na moon cake at tiningnan ako ng diretso sa mata. Nakipagtitigan naman ako ng may matalas na tingin.

"You know what? I don't know either. I don't have an appetite since this morning and it happens that I craved this time for moon cake. Why? Isn't it allowed?" tiatarayan niya rin ako ng tingin. Dimanpot na niya ulit yung moon cake.

"You know what?" panggagaya ko sa kanya at nagtaas naman siya ng kilay bilang sagot, "I think you're bakla just like Fritz! Napakapakialamero niyo sa mga bagay-bagay, that isn't usual with manly guys," inirapan ko siya.

Ibinagsak niya ang kinakain na moon cake, "To be honest I also don't know why I'm doing such things since I came back here. I think I should go back to what I'm used to be."

Tumayo agad siya at akmang lalabas na ng pigilan ko.

"Tama na muna siguro yung isa," sabi ko habang hawak pa din yung braso niyang pinipigilan ko.

"Stand up now, I'm not a jerk to leave the girl I asked to be with me go home alone."

Sa bilis ng kamay niya hindi ko namalayan na hawak na niya ako sa kamay habang hinihila papalabas ng restaurant.

Hinawi ko yung kamay niya, tumingin siya sa akin.

"I can walk. It hurts also," sabi ko habang pinagkukuskos ang dalawa kong kamay.

"Get in now." Binuksan na niya ang pinto at umalis din bigla.

Naninibago ako sa ikinikilos niya. Ambilis namang magbago ng mood ng taong ito. Tinitingnan ko ang mga mata niya pero kahit isang beses ay hindi niya ako pinansin. Bakas na bakas ang kawalan ng pakialam sa mga iyon.

Pagkarating namin sa bahay ay hindi na niya ako hinintay makababa ng sasakyan at nauna na siyang pumasok. Nagulat ako ng makitang nasa sala pa din si Nanay at mukhang hinihintay na makauwi kami.

"Nanay! Gabi na po ah, why don't you go to bed na?" lumapit ako para yumakap.

"Nag-alala ako kay Hal at nagmamadaling umalis kanina. Bitbit yung," umakto siyang nag-iisip ng biglang ituro ang belt bag ko, "Ayan, yang belt bag mo. Nakalimutan mo daw dahil nagmamdali kayong umalis ni AJ."

"Ganon po ba?" bumuntung-hininga ako saka tumingin sa hagdan.

"Huwag mo siyang intindihin, ganon talaga iyon. Nagulat nga ako at parang naging masiyahin nitong mga nakaraan. Pero ganyan talaga yan lalo na kapag malapit na siya umuwi sa kanila."

Napatingin ako kay Nanay, "Uuwi po sa kanila?"

"Oo, uuwi, MA! Doon sa totoo niyang bahay at pamilya."

"Mabuti naman po! Mababawasan na yung pakialam ng pakialam sa akin. Okay ng si Fritz na lang."

"Sabi mo, eh!" pumanik na kami ni Nanay.

Imbes na isipin ko ang nangyari kanina sa amin ni AJ, that Annoying Guy enters my mind. Eh ano naman kung uuwi na siya? Nag-aalala ba ako na wala ng sasalo sa akin kapag nangyari ulit iyon sa amin ni AJ? It is not the first time na dumating siya para samahan ako sa tuwing aalis si AJ. It is really funny na sa tuwing may scenario na ganon, he always come.

My phone alarmed. I need to go to school and I will perform mamayang gabi sa Pub. Marami na daw kasi ang request.

"Alis na ako 'Nay! Mag-aayos pa kasi kami nung stage at may magpeperform na bigatin e!" sabay tingin sa akin.

"I go there and ask for an autograph. See you later, Sis!"

Fritz just waved and go.

"Mukhang maayos na ang takbo ng Pub anak, ah?"

"Opo, 'Nay. Nakakatuwa nga po nakabangon ulit yung Pub e."

"Mabuti naman. Kaya ikaw, iyang sarili, mo naman ang bigyang-pansin mo. Subukan mong pakiramdaman iyang sarili mo kung iyong dati mong gusto, ang gusto mo pa rin sa ngayon." Nagtataka akong tumingin kay Nanay, "Maging ang mga paborito ay nagbabago kapag may natikmang mas kakaiba at mas masarap, MA. Huwag mong hayaang kontrolin kang maigi ng utak mo, oo at matalino ka, pero pakinggan mo din ang puso mo."

"Ano po ang ibig sabihin niyo, Nanay?"

"Anak, wala ako sa posisyon para pangunahan iyang gusto mong gawin. Hahayaan kitang makatuklas niyan. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat."

Tumayo na si Nanay para mag-ayos ng kinainan namin. Nakakapanibago dahil wala si Annoying Guy, sa pagkakaalala ko Hal ang unang pangalan na binaggit niya nung tinangka niyang magpakilala dati eh.

Pumunta ako sa kusina kung saan naghuhugas ng mga pinggan si Nanay.

"Nanay, aalis na po ako. Ingat po kayo," yumakap ako sa kaniya. "Nay, si Hal nga po pala bakit hindi sumabay kumain?"

"Hal?" tumawa siya, "Pumayag siya na Hal ang itawag sa kaniya? Umuwi na siya kanina sa kanila. Apat na buwan na rin naman siyang nandito sa atin e."

Umalis na ako at pumunta sa garahe.

"Hindi man lang nagsabi? Bigla na lang umaalis?" pabagsak kong isinara ang compartment ng kotse.

"Why? Naiinis ka? He said that he'll say goodbye last night when he came and pick you up at the resto." It was AJ.

"What are you talking about?"

"You are the one talking alone here."

"I have to go."

"Are you mad?"

"Yes, I am. MA Delfin. MAD."

"That's not what I'm talking about, MA."

"I'm not in the mood AJ."

He sighed, "Just let me know, MA."

I faced him, "Let you know what? You already know everything, AJ."

He grabbed my arm, "Let me know if I'm still the one that you like. MA, please tell me."

"Parang ikaw yung dapat magsabi sa akin ng totoo, AJ. The first time we go out until this last weekend, I don't feel like you see me. I am MA in case you forgot. I'm MA, not Catriona, AJ."

"MA!" he shouted. I looked at him with complete disappointment, "I'm sorry, let's talk please."

"Linawin mo muna sa sarili mo kung ano iyan nararamdaman mo. I received enough for the last 4 months we dated, AJ. I am tired."

"Please, let's talk about this. I don't want to lose you."

"I need to go. I'm late. Bye."

I left him there at the house. Hindi ako makapag-isip ng maayos. I've finally left my question laid on him. Before, I'm always afraid to hear his answers. I always got the opposite of the answer I want to hear. But this time, I'm ready for his answer.

"Tama na yung apat na buwan, MA. Makaramdam ka na naman!" sabi ko sa sarili ko habang tinatapik-tapik ang kaliwang bahagi ng dibdib dahil parang may kung anong tumutusok-tusok sa puso ko.

FragmentWhere stories live. Discover now