Hindi ako makapag-focus sa klase. Para akong nakaupo sa harap ng mga nagsasalitang Professors pero wala akong naririnig. Wala sa sarili akong napayuko at nagpipiglas na animong may humahawak sa akin ng masanggi ko ang aking bag at nahulog iyon dahilan para lingunin ako ng lahat.
"What's wrong MissDelfin? Do you have something to ask or clarify?" tanong saakin ng Prof.
Napapikit ako dahil sa hiya, "I just want to go to the clinic, Sir. I really don't feel well po kasi eh."
"Yeah, I also observed. You were spacing out. What's the matter?" ibinaba ni Sir yung libro na hawak niya at hinarap ako.
"Nothing really serious, Sir. I just feel like something is wrong with me, and I just want to rest for a bit. I will be back as soon as I feel better," I said and left the class.
I was heading to the clinic. I really don't have a plan to stay there, besides matatapos na din naman yung period ni Sir at lilipat na kami sa laboratory. I will choose to go home nalang. Mas makakapagpahinga pa ako dun.
"Good morning po. I just came to ask for a gate pass. I don't feel well po kasi and I informed my Professor about it na din," kukuha na sana yung Nurse ng slip ng may biglang sumingit.
"She informed the Professor that she will just rest here in the clinic and will resume once she feels better," sabi nung student sa tabi ko. Tiningnan ko siya at sakto namang nakatingin na siya sa akin at nginitian niya ako.
Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa kaklase ko kanina sa minor subject.
"Excuse me, but do I know you?" mataray kong tanong sabay tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti na naman ang loko, "It seems that you don't, Miss Delfin, right?" He offered his hand, "I am Jomar Domingo, Fourth-year Criminology Student."
Natigilan ako. The name sounds familiar pero hindi ko siya namumukhaan. Malaki na ba ang pinagbago niya? Baka naman hindi siya ito.
So, I decided to turn to the nurse, "Don't mind him, Nurse. I don't even know him."
"Decline her request, Miss. Thank you!" at hinila na niya ako palabas ng clinic.
Aba, matapang na nilalang ka ha. Sinuntok ko siya sa sikmura, "Sino ka ba sa akala mo, ha?" Kinuyom ko ang kamao kong ginamit pangsuntok dahil parang ako yata and nasaktan, "Mind your own business, Mister. Stay out with my matters."
Tumawa siya, "Aba, english speaking ka na ngayon, ha?" humawak siya sa balikat ko, "Hoy, tabs! Hindi ka pa rin nagbabago, mataba ka pa rin. At gaya ng dati, hindi ka pa rin marunong makipag-away ng pisikal. Magaling ka lang sa salita."
"Anong ibig mong sabihin?" siya na nga ba talaga 'to? Tiningnan ko ng mas malapitan ang mukha niya, "Jomar? Jomar! Ikaw nga!" napayapos ako ako sa kaniya.
"Oh, tama na! Baka magselos yung girlfriend ko sa iyo niyan, eh!" inilayo niiya ako sa kaniya.
"Grabe ka naman! Wala naman akong balak na agawin ka sa kaniya. Kumusta ka na? Anlaki na ng piangbago mo, ah?" tinapik-tapik ko ang braso niya.
"Heto, kailangan e! Paano naman ako makakapagtanggol ng iba kung gaya ako ng dati na patpatin at volleyball lang ang alam, 'di ba?"
"Ano ka ba? Kahit sa volleyball kailangan na din ang maayos na pangangatawan ngayon no. Mahihirapan ka kung gaya ka pa din na patpatin."
"Nagsalita ang maayos ang katawan! Ang taba-taba mo kaya, naglalaro ka pa din ba?" inakbayan na niya ako.
"Hindi na,'no! Simula nung umalis ako sa atin tinigil ko na din at marami na akong kailangan isipin at gawin bukod dun," tumingin ako sa kamay niya at sinamaan siya ng tingin, "Akala ko ba magagalit ang girlfriend mo? Kapag ako bawal, pero kapag ikaw pwede?"