“Masyado yatang abala nitong mga nakakaraang araw si Maddie, anak?”
“Opo, ‘Nay. Abalang-abala sa paghahanap ng maipapambayad sa tuition niya. Kung saan-saan na nga nakakarating iyan e."
“Halos dalawang linggo nga siyang nawala, hindi ba? Sana naman maayos ang lagay niya.”
Nag-aalalang sabi ni Nanay.
“Nako, ‘Nay! Huwag niyo po masyado isipin ang isang iyan. Matibay po masyado. Sadyang ganiyan ata kapag determinadong may marating sa buhay lahat nakakaya,” nakangiti kong sambit.
“Mukhang nag-iiba yata ang ihip ng hangin?” batid kong may pang-aasar ang sinabi niyang iyon, “O siya, maghahanda na ako ng almusal.”
MA’s POV
Sapat yung kinita ko sa isang linggo sa LA. Mali. Sobra-sobra pa. Kakayanin nito ang hanggang sa graduation fees ko. Dalawang taon nalang makakapagtapos na ako. Mukhang mawiwili ako sa pagpapabalik-balik sa doon ha. Hindi ko na kailangang mag-isip ng para sa pag-aaral, ang kailangan ko na lang ay ang pambayad sa bahay, maintenance at gasolina ng sasakyan, at pang-araw-araw na panggastos.
”Maddie? Maddie, anak? Kakain na tayo!” ayun na ang malambing na boses ni Nanay.
Sa ilang buwan kong pamamalagi dito, ni hindi ko man lang naramdaman na iba ako sa kanila. Namimiss ko na sila Daddy, pero kailangan kong gawin ang lahat ng sinabi ko, kailangan matupad ko ang misyon ko. May isang salita ako. Gagawin ko iyon.
“Opo, ‘Nay! Susunod na po ako.”
Nasa may hagdan na ako ng napansin ko na hindi nga pala ako nakapagpalit ng damit, suot ko pa din ang pantulog ko. Magagalit na naman sa akin si Fritz. Paki ko ba? My dress, my say!
“Hindi ka na ba talaga makakatanda na magpalit muna ng maayos na damit bago bumaba?” ayan ang nagtataray na boses ni Fritz.
“Bakit ba?! Maliligo na din naman ako pagkatapos kumain, ah? Sayang ang damit!”
Inirapan na lang niya ako.
Habang kumakain kami. Naramdaman ko ang pagpapalipat-lipat ng tingin ni Nanay sa amin ni Fritz. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya, doo na siiya nagtanong.
“Maddie anak? Kamusta ka naman? Mukhang busyng-busy ka nitong mga nakakaraang araw ha?”
Napangiti ako.
“Maayos naman po, ‘Nay. Medyo nakakapagod lang pero kaya naman.”
“Masyado ka pang bata para pagurin ng husto iyang katawan mo. Nag-aaral ka umaga, nagtatrabaho ka sa Pub sa gabi, may pinuntahan ka pa nung nakaraang isang linggo, at buong linggo kang nawala. Kapag naman may libre kang oras tinutulungan mo ako sa mga paninda. Magpahinga ka naman anak. Simula ngayon, hindi na kita hahayaang tumulong sa akin sa pag-aayos ng paninda magpahinga ka na lamang.”
Nagulat ako sa sinabi ni Nanay. Matagal na ng muli kong marinig na may nag-aalala sa akin ng sobra. Ganon na ba ako kababaw nitong mga nakakaraang araw para mapansin ang lahat ng ito. Namimiss ko na ang mga itinuring kong mga kapatid, ang mga magulang ko na tinggap ako, ang kapatid kong alam kong palagi akong binabantayan, ang mga hindi ko tunay na pinsan na kung tratuhin ako ay hindi ako naiiba sa kanila. Namimiss ko na ang aking pamilya, pero may kailangan akong tuparin. May misyon ako na dapat gawin. Titiisin ko ang pangungulila sa kanila. Dahil sa bagong tirahan na inuuwian ko ay tanggap ako bilang isa sa kanila.
Wala sa sarili akong tumayo papunta kay Nanay at niyakap ito. May iilang luha na nagingilid sa aking mata ngunit nakaya ko naman itong pigilan para hindi tuluyang tumulo.