8... 9... Umaasa akong pagtapos kong bumilang hanggang sampu, tapos na ang hindi magandang imahinasyong ito. Umaasa akong sa pagdilat ng aking mga mata ay mawawala sa aking harapan ang bus at isang pamilyar na sasakyan na magkadikit at pawang hindi gumagalaw na nababalutan ng usok. 10... Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at walang nagbago sa mga scenario na nakita ko. Nanginginig ang aking mga kamay habang binubuksan ang pintuan ng aking sasakyan. Sasakyan na kaparehas na kaparehas ng sasakyang nasa likuran ng bus. Naiba lang na ito ay matte black, ang akin ay matte gray. Black, na paboritong kulay ng isa sa mga taong malaki ang nagawa upang baguhin ang takbo ng buhay ko.
Dahan-dahan akong naglalakad palapit sa kumpulan ng mga tao. May nakikita akong mga taong sugatan na bumababa mula sa bus dahil sa nangyaring pagbangga. Bumibigat ang bawat hakbang ko, parang ayaw marating ang dulo ng isang panaginip na hindi ko gugustuhing mangyari.
Narating ko na dulo pero bakit tila hindi masaya ito. Nakita ko ang ang isang pamilyar na mukha sa loob ng kotse. Walang malay, duguan at tila hirap sa paghinga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Walang boses na lumalabas sa bibig ko kahit paulit-ulit ko ng binabanggit ang pangalan niya.
Kailangan kong maging malakas. I cleared my throat. Buo na ang loob ko.
"L? L?" paulit-ulit kong sigaw. Gusto kong magalit dahil hindi niya ako sinasagot. Tila umaarte siyang hindi ako naririnig kahit alam kong naririnig niya ako.
"L? Ano bang ginagawa mo?! Wake up! Uuwi na tayo!" patuloy ang pag-agos ng aking luha.
Bakit ayaw mo gumalaw dyan. Gustung-gusto kong isigaw kahit na alam ko na ang dahilan. Ngunit di ako nawalan ng pag-asa at nagpatuloy ako hanggang sa unti-unting dumilat si L.
Kasalukuyan siyang ginagawan ng paraan upang mailabas dahil naipit ang kaniyang katawan. Lumuluha siya. Iniisip ko pa lang kung gaano kahirap ang kaniyang dinaranas, nawawalan na ako ng lakas. Ngumiti siya at tumitig sa akin. Walang tunog ang binibigkas niyang mga salita pero naiintindihan ko. "MA, thank you." sabay patak ng mga luha niya at unti-unting pagpikit ng kaniyang mata at pagbagsak ng kaniyang kamay.
Kasabay non ay ang unti-unti pagdilim ng aking paningin.AJ's POV
AK and I decided to spend the night here at L's, but it was late when we knew that she hanged out with batchmates and MA was too exhausted because of the exam so she was upstairs sleeping. We were busy watching ng makita kong halos isang hakbangin na ni MA ang lahat ng baitang ng hagdan. It's late in the evening, I thought she was sleeping?
"MA? Where are you going?" hindi ko na naiwasang magtanong dahil iba ang pakiramdam ko.
"It's L!" ang tangi niyang naisagot sa akin sinundan ko siya hanggang pintuan at nakita kong inilabas niya ang kotse niyang kaparehas ng kay L. Uncle Hubert gave that as their debut gift dahil ayaw nilang mag-celebrate ng bongga. Only that they differ on color.
Abala pa din sa panonood si AK but I decided to follow MA. It bothers me.
"Bro, keep your cellphone with you. Stay here and wait for my calls for update, okay?"
"What's happening?" tila naguguluhang tanong niya sa akin.
"I feel something bad. I'll follow MA. I'll call her too. Try to call L."
"Okay. Stay safe Kuya!"
Kakalabas ko pa lang ilang minuto pag-alis ni MA ay hindi ko na siya maabutan. Buti nalang at naka-open ang kaniyang location kaya mabilis kong nalaman ang ruta niya. Ang bilis niyang mapatakbo! I don't want to play with imagination right now.