Pitong iba't-ibang pagkain ang ipinabaon sa amin ng aking Pamilya bago kami tuluyang umalis ng Ilocos. May dala kaming mga pwedeng ulamin gaya ng Bagnet, Igado, Pakbet, Sinanglao, Diningding, na nais ibigay ng mga Kuya sa mag-asawang Carlos bilang pasasalamat. Empanada at Chichapop naman kung sakaling abutin kami ng gutom at walang madaanang bukas na makakainan.
"Hindi naman mapapanis agad yung mga pagkain na dala natin di ba MA?" tanong sakin ni AJ.
"Oo naman. Ang mga gulay naman ay nailaga ng maayos at ang iba pa ay may bagoong. Prito naman ang bagnet, so maayos pa iyan 'pag dating natin sa bahay."
"This one is great. It doesn't taste too salty." Ngumunguya-nguya pang sabi ni Zia.
Hindi ko mapigilang matawa. Minsan matured na siya mag-isip, pero mas madalas pa rin talaga ang pagiging isip-bata niya lalo na kapag kasama ang mga pinsan niya. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi nila nakakasama ang panganay na anak ng mga Grant, o kung tawagin nila ay Ai.
Naging mabilis ang takbo ng panahon. Matapos naming mag-enrol para sa Senior High, halos tuwing Sabado kapag may Dance Lessons at Linggo pagkatapos magsimba nalang kami kung makapag-bonding ni Zia. Madalas naman kaming sabay pumasok at umuwi ngunit may pagkakataon na hindi rin dahil may mga schoolworks pa. Sinisigurado naman namin na sabay kaming kakain ng tanghalian dahil magkatapat lamang ang ABM building at HUMSS building para may mapaglabasan ng stress at ma-share-an ng magagandang pangyayari.
"Alam mo ba? Kahit pala maganda at matalino na, may kinaiinggitan pa rin. Nakakatakot lang kasi Ciara, masyado niya akong tinitingnan bilang kaagaw sa pagiging Top 1 ng batch. Ang totoo naman, oo gusto ko iyon kaso hindi naman para manira at mang-away ako para don."
"Alam mo MA, walang pinipiling estado ang pagiging sakim. Kahit naman ako siya, mate-threathen talaga ako. Knowing Ciara from all of the gossips I've heard, she's competitive and she really study hard. Tapos ikaw? Kapag weekends may naattend ng Dance Classes, Sundays nagsisimba tapos makikipag-bond sa sister mo. Eh, I haven't seen you scan your books and notes, may notes ka nga ba?"
"Look who's talking? Sino kaya yung kasama ko kapag weekends no, Sis? Akala mo naman nag-i-scan ka din. We're even."
"Nakakatuwa nga e. Sister goals di ba?"
Nagtatawanan kami ni Zia ng may hindi kaaya-ayang dumating.
"Sister goals? Paano? Carlos at Delfin hindi ba? Paano naging sister goals yan? Magkaiba ba kayo ng tatay? Or hindi mo lang inadopt ang family name na Carlos MA? Or you were just a social climber na nagpapanggap na mabait kaya naawa sayo ang parents ni Letizia at pinag-aral ka?"
"Ciara, why don't you stick your nose to your own business?"
"Why? Is this the first time na may nag-question ng identity mo after a year of staying in this prestige girl tailing the Carlos' heir like a fly?"
"Then what? Am I the stinky poof 'coz she's the fly? Oh come on, Ciara, How could you resemble me with a poof?"
"That's not what I mean, Letizia. I just can't understand why you're letting MA go with you. You should be with us. With us in the top. You are an heir, so you should know what kind of people you should keep. Alam naman ng lahat na naawa lang ang mga magulang mo diyan sa dati niyong yaya kaya siya pinag-aral!"
"Stop your nonsense rants, Ciara. I won't be shaken by whatever you'll say. If this is your way to make your self up, then so be it. Kung diyan ka mapapalagay go!"
"Wow! An english speaking maid,"
Hindi natapos ni Ciara ang sasabihin niya ng biglang sumabat si Zia.