Chapter 12

138 12 0
                                    

Chi's POV

What a busy day! Buti nalang tapos na gawain ko. Pero kelangan ko pa itriple check yung venue, kasi pano kung gumuho yon. Charot. Pero yon hehe, maarte si Maddie, triple check ko daw.

"Chiiii!" sigaw ng isang nakakairitang manunulat.

"Bat andito ka nanaman?!" tanong ko kay Yana.

Kami lang ni Maddie ang magkatrabaho, while si Yana ay isang fashion designer/author pero mas focus talaga sya sa pagsulat.

"Wala akong magawa sa condo" sagot nya "Pwedeng makitulog sa inyo mamaya? Miss ko na kayoooo!"

"Miss daw, eh magkausap lang tayo kanina!" pagrereklamo ko

"Pake mo ba, nakita ko si Maddie, Ristin pati si Josh. Magkausap"

"Hala?" well, pagpasok mo kasi, makikita mo agad table ni Maddie. So, si Maddie ang bubungad sayo if ever na bibisita ka dito sa thirdfloor ng EOH.

"Oo, chika ko sa'yo dali" ani ni Yana at bigla naman akong naexcite.

Maddie's POV

"Ristin" pagtawag ni Josh sa kanya at nagulat naman ako. "We need to talk" tinignan ko si Ristin na puno ng kaba.

Di naman ako seryoso sa sinasabi ko, joke joke lang yon huhu. Wag sana masira friendship nila dahil sakin.

JP's POV

Kasalukuyan akong nanonood ng dance rehearsal ni Ken at Stell dahil wala, trip ko lang, wala naman akong magawa kaya no choice.

You don't ever want to say goodbye
Love goes, love goes, love goes
There's no answer to the question why
Love goes, love goes, love goes

Natapos ang rehearsal ay lumapit sila sakin at nagpunas ng pawis

"Alam mo ba meaning nung kanta?" tanong ni Ken

"Hindi"

"Kanta yan ng SB19 boi! Gwapo nga nung main dancer dyan e"

"Ano ka, mas gwapo main vocalist nila!" pagtutol ni Stell

"Ano ba kayo, mas gwapo yung leader nila" napatingin sakin si Ken at Stell

"Kilala mo?" tanong nila sabay akong umiling

"Hula ko lang" sagot ko at nagkibit balikat "Ano nga meaning nung kanta na sinasayaw nyo kanina?"

"Ano kase yon, kanta yon para sa taong mahal mo na nawala" sagot ni Ken na di ko masyadong nagets pero sa pagkakataong yon, nakaramdam nanaman ako ng hilo at pagsakit ng ulo

"Hoy pre, ayos ka lang?" alalang tanong ni Ken

"Nahihilo lang ako" sagot ko nang di makatingin sa kanila

"Buntis ka ba?" sa tanong nyang yon ay bigla ko syang nasapak.

Lintek na to

Maddie's POV

11:30 PM. Pauwi palang ako. Si Chi at Yana, nauna nang umuwi para magluto ng kakainin namin.

Mag isa akong naglalakad sa kalsada, ang ginaw, parang uulan ah? Wag naman sana, wala akong payong.

Kung kailan wala akong payong, tsaka uulan? So please, Lord. Wag ngayon.

Dahan dahan akong naglakad at dinadama ang simoy ng hangin, oh diba shunga.

Imbes na magmadali kasi uulan, babagal bagal pa lakad mo, nasa kdrama ka sis?

Naramdaman ko na ang pagpatak ng ulan, napangiti ako. Ilang araw na ring hindi umuulan, nakakamiss.

Sa pagkakataong binilisan ko ang lakad ko ay lumakas ang pagbuhos ng ulan.

Napatigil ako nang makita ko sya sa di kalayuan. Tila tumigil rin ang ulan.

Nakatingin sya ng diretso sakin,

walang emosyon

wala akong ibang maramdaman kundi ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib.

Hindi ako nagkakamali.

"Maddie" nagulat ako sa pagtawag na iyon ni Josh. Kaya pala, akala ko wala ng ulan, kanina pa nya ko pinapayungan "Sakay na"

"S-si David" turo ko sa lugar kung saan nakita ko sya. Ngunit sa pagtingin kong muli. Wala na sya.

"Guni guni mo lang yon, tara na"

At nakita kita
May kasamang iba
Pero dahil mahal kita
Ayos lang 'yon, aking sinta.

IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon