JP's POV
Ilang minutes rin ako naghintay sa kapatid ko hanggang sa nakapagdecide na kong sundan sya, pero papunta na sana ako nang makasalubong ko sya.
"What happened?" agad na tanong ko sa kanya, tuwa ang ipinakita nya sa akin
"Confirmed! HAHAHAHA pero maghahanap na ko ng ibang wedding organizer" hindi ko maintindihan kung anong confirmed ang sinasabi nya, at ano daw? maghahanap ng ibang wedding organizer?
"What? Bakit ka maghahanap?" tanong ko sa kanya
"Hindi ko hahayaang maistress ang aking Maid of Honor, duh! Let's go, Jacob texted, I will meet his parents tonight" kitang kita ang excitement sa mukha nya, parang dati lang namamahid pa 'to ng kulangot tapos ngayon ikakasal na.
Ngayon ko nakitang ngumiti, genuinely. Madalas kasi 'yang tinotopak, masungit lagi, pressured kasi lagi ng mommy at daddy, tulad ko rin, laging seryoso sa buhay. But Jacob's the reason why she changed, in a good way. I'm happy and proud for her.
Maddie's POV
"Senesha Nase" dahan-dahang pagbabasa ni Chi na nakasilip pa sa phone ko. Nase, Nase, Nase. Masyado namang advance 'to, ako nga 'di pa nakakapagpalit ng surname sa iSocial tapos sya hindi pa kasal, naka-Nase na, ngudngod ko sya dyan. "Payag ka non, girl? Palitan mo rin iyo, Madelaine Nase, oh diba kabog!" inirapan ko sya sa sinabi nya "Oh bakit? Bagay naman ah! Mas bagay kayo, hindi pa natutuloy, pwede pa agawin!" naknang tokwa, oo. Magiging kontrabida pa ko sa pagmamahalan nila? No, ayoko, nakaka-chaka yon
"Nakakaloka naman 'yang iniisip mo"
"Tingin ako picture" inagaw nya sakin ang phone ko at tinignang mabuti ang picture ni Senesha. "Magkamukha sila, parang kapatid nya"
"Di'ba ganon naman talaga pag nagmamahalan, kulang nalang magpalit na ng mukha" pag-komento ko
"Sabagay, pero I have something in my heart, soul and mind na parang hindi sila?" napailing ako at inagaw pabalik ang phone ko
"Gusto kong magback-out nalang as their wedding organizer" wika ko sa kanya sabay nang malalim na pagbuntong hininga
"Ma'am! Worry no more! Nagcancel na po si Ma'am Senesha ng appointment" pagbabalita ni Crystal nang marinig ang mungkahi ko.
What a good day? Atleast no head ache ngayon. Atleast, di ko sila makikita ulit.
"I saw them" agad akong napalingon sa sinabi nya "Bumili ako kape e, para naman silang peke"
"Alam mo, kulang ka lang sa gala, tara" pag-aaya ko sa kanya, agad syang pumunta sa table nya at kinuha ang mga gamit nya. Eto talaga pag-usapang gala, ang bilis.
-
"Punta tayong NBS, tingin lang ako libro" pag-aaya ni Chi sa akin, scam yan. Tingin lang daw pero ang dami ng bitbit nyan mamaya, hayst sinamahan ko syang pumili ng book, at natuwa naman ako nang makita ko ang isa sa gawa ni Yana, taray, pang-NBS na pala mga story nito, ibang level ka na Yana.
May section pa doon na puro libro ni Yana, lahat sulat nya. Syempre, as a supportive friend, bumili ako.
"Basahin mo yan, maganda daw 'yan sabi nung College friend ko" pang-recommend sa akin ni Chi.
"Sige, pag may time" wala naman akong hilig sa mga libro, di ko rin maharap na magbasa sa dami ng kailangang asikasuhin
Lumabas kami na maraming dalang paper bags, see, scammed. Next na pupuntahan namin ay 'yong restaurant na mina-manage ni Jay, para makakuha kami ng discount. You know, presyong matalik na kaibigan.
"Hoy, dai" pagkakalabit sa akin ni Chi pero hindi ko pinapansin at patuloy lang sa pagpo-phone, "Tignan mo kasi"
"Ano ba?" iratadong tanong ko sa kanya
"Look" bigkas nya at itinuro kung ano ang itinutukoy nya, "That's JP's soon to be wife, diba?" tinitigan ko rin ang babae at nang makumpirma ko ay tumango ako, "Sino 'yung kasama nyang lalaki?" pareho kami ng tanong sa sarili, nakahawak sa bewang nya ang lalaki habang kumakain sila ng ice cream, nagpapapicture.
"Is she cheating with JP?" tanong ko, hindi pwede! Ikakasal na sya, bakit may gana pa syang humarot sa iba? I thought she love him.
"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Chi nang mahawakan nya ang braso ko, "Ano gagawin mo?"
"Sasabihin ko lang na hindi tama ang ginagawa nya" pagsagot ko sa kanya na may halong inis, "Sinasaktan nya si JP sa ginagawa nya" dagdag ko pa
"So, you care about his feelings?" I stared at her as I realized what I'm acting right now.
"H-hin-"
"Edi huwag mo na silang pakealaman, wala ka naman palang pake, right? Let them" seryosong wika ni Chi.
-
Nagdaan ang mga nakaka-stress na araw dahil napapalapit na naman ang Big Event, jeez! SBTV BALL HERE WE COME!
"Here, take a sip" it's already 2:43 am, buti nalang nakatulog ako ng mahaba kahapon kaya keri lang kahit hanggang mamaya gising.
"Thanks" nakangiting tugon ko kay Chi at nagbalik agad sa pagdedesenyo. Nakita ko naman si Yana na papunta sa pwesto namin, may dalang pagkain
"Hindi ako makatulog, kain muna kayo" sabi nya sabay lapag ng pagkain, inilibot nya ang tingin at bakas sa mukha nya ang mangha sa paligid, "Grabe, ang ganda! Nasa langit ba ko?" oa naman Yana, not good for health.
"Oo, kunin ka na ni Lord" pagtataray ni Chi sa kanya
"Mauna ka" tumagal pa ng tumagal ang pagsisigawan nila, parang mga bata.
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa mga tao, utos doon, utos dito. Buti nalang talaga lahat sila magaan makatrabaho, lahat makikitaan mo ng pagmamahal sa trabaho, masaya sila kahit pare-pareho kaming puyat. Makikita mo sa kanila kung paano sila mag-enjoy sa ginagawa nila, walang uma-arte, walang tatamad-tamad. Well, wala namang ganyan kasipag na empleyado kung walang mabait na amo.
Naging maayos na kung ano mang problema ang mayroon sa amin ni Josh, okay na sya sa pagiging magkaibigan namin. Now, masaya akong masaya sya. Balita ko pa nga, nililigawan nya na si Ristin, masaya ako para sa kanila.
Hoping na mag-end-up sila sa isa't isa, someday. Ako na bahala sa wedding nila, haha.
Umakyat ako sa folding stairs para idikit ang mga bulaklak na hindi nila magawa dahil ewan ko, ayaw daw dumikit.
Tama nga, ang hina naman ng pandikit na 'to, bulok. Bumaba ako at nagpabili ng matibay na pandikit, kaso ang tanga ko. Wala na palang bukas na tindahan, mall or what ngayon oras, kaya kinuha ko nalang ang pandikit na ginamit nila't umakyat sa taas at pinilit na idikit yon, diniinan ko ang pagdikit nang gumalaw ang folding stairs
Oh shit
No, please
Natumba ang folding stairs, ako? Nalaglag. Teka, bakit parang nakalutang pa rin ako.
"JP" bigkas ko ng makita sya, buhat buhat ako, bakit sya nandito?
"Ano yan honeymoon?" sigaw ni Chi kaya napunta lahat sa amin ang atensyon ng tao. Binaba na ako ni JP, siguro nahiya na rin.
"Ano- uhm, nagpahatid ako sa kanya" pagpapaliwanag ni Yana
"Ano Maddie? You fell?" tanong pa ulit ni Chi, mapang-asar talaga to. "You fell but he's here, ready to catch you"
BINABASA MO ANG
IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)
Fanfica story where Madelaine thought that John Paulo Nase is her husband who died 5 years ago. John Paulo and her husband are look alike and have the same personalities. Is John Paulo the husband of her who died 5 years ago?