Yana's POV
Is this real? Si David ba 'to?
Wait, marami namang magkakamukha sa mundo diba? Hindi lang naman si David ang nagmamay-ari ng ganyang mukha, maski ako baka may kamukha. As in kamukhang kamukha.
Hindi ako makagalaw ng maayos kasi kaharap lang namin sila ni Chi. Pakiramdam ko may kung anong espiritu ang nasa loob ng kwarto. Huhu, David, wag ganito pls.
"Okay ka lang?" tanong ni Ristin na nakapagpabalik sakin. Anong nangyare? "Kanina ka pa tulala, are you with us?" tanong nya ulit, tumango nalang ako at ngumiti. Awkward.
Nagsimula na sila sa pagdiscuss kung ano ano ang mga magaganap sa event, they are event organizers at kami? kelangan lang nila ng approval kung pwede bang gawin yon or kung gusto namin ang mga pinaplano nila.
Pakiramdam ko may nakatingin sakin, shet. Wag naman sana yung di ko nakikita. Tinignan ko ang mga mukha nang kasama ko, tahimik silang nakikinig, nakafocus sa sinasabi ni Ristin.
Napalingon ako sa pwesto nina JP, at don ko nakita ang taong kanina pa nakatingin sakin na nag iwas na ngayon. Pinagmasdan ko sya't inobserba.
At base sa aking obserbasyon, gwapo sya, eto pa, kaibigan ata ni JP. Hm, tropahin ko kaya si JP tas pakilala nya ko dito? Wdyt? Charot, dalagang pilipina tayo Chi, harot harot.
Anw, si Maddie, asan na kaya yon? Kung nandito sya, nakita nya na sana asawa nya, ay hinde! kamukha ng asawa nya. Edi kilig kilig yung martyr na yon.
Pagkatapos ng meeting ay agad kong nilapitan si Chi, wala ng ibang tao rito sa room, kaming dalawa nalang. Di pa namin na process ang lahat ng nangyare, ang gulo.
"Posible ba yon, Chi?" tanong ko.
"Imposible, Yana. Nakita ng dalawang mata natin ang bangkay ni David, nakita natin na nasa kabaong sya at panghuli, nakita natin kung paano sya inilibing" seryosong sagot nya dahilan para tumaas ang kilay ko. Perstaym magseryoso, girl ha, totoo yan?
"Sasabihin ba natin kay Maddie?" tanong ko ulit at umiling sya.
"Hindi, hayaan natin ang Inang Universe ang gumawa ng paraan. I'm sure naman na may dahilan ang lahat, tara na" sagot nya at tsaka naglakad palabas.
Inang Universe, kung ano man ang plano mo, ingatan mo si Maddie ha.
Maddie's POV
Panong hindi aksidente ang nangyari kay David? Imposibleng magpakamatay yon, mahal nya ang buhay nya pati ang mga taong nasa paligid nya. Imposible rin na may pumatay sa kanya kasi wala namang ibang taong nahagip sa CCTV.
Matamlay akong naglakad papunta sa EOH (Event Organizer's Home) kung saan ako nagtatrabaho, wala ng ibang tao sa room kanina na pinagmeeting-an nila, naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko dahilan para mapaupo ako.
"You okay?" napatingala ako mula sa pagkakayuko nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Yes, Sir" maikling sagot ko.
"Balita ko, wala ka sa meeting kanina? Why is that?" tanong nyang nakasandal sa lamesa at nakapamulsa.
"Emergency lang, Sir. Sorry po, di na mauulit."
"Okay then, bumawi ka"
"Sir?"
"Have a dinner with me. Just the two of us, wala kang isasamang iba. Tomorrow, 8pm at Maharlika Resto"
BINABASA MO ANG
IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)
Fanfictiona story where Madelaine thought that John Paulo Nase is her husband who died 5 years ago. John Paulo and her husband are look alike and have the same personalities. Is John Paulo the husband of her who died 5 years ago?