Chapter 21

123 8 5
                                    

Grabe anong gagawin ko, hindi ako makapag isip ng maayos. Grabe ka naman David, alam ko namang miss na miss kita pero bakit mo ako ginugulo ng ganito, tatanda agad ako dahil sayo mahal kong David. #superstressed

"Anong sabi?" tanong agad ni Chi pagkababa ko ng phone

"Pakasalan ko daw ulit" sagot ko at napatakip naman sila ng bibig

"Maddie, oo kamukha sya ni David, pero baka hindi talaga sya si David" mungkahi ni Yana

"Hm-mm di mo sure bff" Chi added.

"Mga bakla! Andaming anchachakang tao sa labas may hawak silang mic na anlalaki, jusko I'm shooked" sigaw ni Jay, pati ito nandito?!

"Ah, sinama ko sya hihi" pagpapaliwanag ni Yana, "Anyare sa labas? May shooting?"

"Dehins ko knows bakla, mukhang may inaantay sila na nanditey sa inside" pagsagot nya sa tanong ni Yana

"Baka may shooting nga! Baka nandon si Cardo! Tara tignan natin!" pagkasabi non ni Chi ay agad-agaran nya kong hinila papunta sa labas, at lahat sila, sa akin nakatingin. Wait, nakaharang ba kami? Nakakahiya, baka dito dapat dadaan si Coco Martin kaso epal kami hala sorry po, aalis na kami.

Lumapit sila sa akin at sa takot ko ay muntik na kong tumakbo sa loob kung hindi pa ko hinawakan ni Yana sa pulsuhan

"Dito ka lang, gaga ka" sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi nya

'Mula sa di kalayuan ay makikita natin si Madelaine na pinaniniwalaang asawa raw di umano ng isang sikat na manunulat"

Jessica Soho is in the house? Omg.

"Dito ay makikita natin ang karumal-dumal na sinapit ng asawa ng isang sikat na manunulat"

Grabe bakit may SOCO rito, patay agad? Ang sama talaga.

"Ikaw po ba si Madelaine Reyes?"

"O-opo" kabadong sagot ko

"Kung ikaw talaga yan, kumanta ka nga bilang patunay"

"Sayang na sayang lang ang pag-ibig ko-"

"Gaga, Manilyn Reyes yon" pagputol ni Chi sa pag kanta ko

"aY Manilyn ba"

"Totoo bang ikaw ang asawa ni JP Nase?" tanong ng isa pang reporter

Hindi ko alam ang isasagot ko pero baka naman mapahiya si JP pag sinabi kong hindi, tumango nalang ako nang nag aalangan.

"Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo papunta doon sa kotse na nandon" sumang-ayon kaming lahat sa plano ni Yana

"Isa" panimula nya

"Dalawa"

"TIGNAN NYO MAY AIRPLANE OH!" sigaw ni Chi para mawala ang atensyon nila sa amin

"Tatlo!" dali dali kaming tumakbo papunta sa kotseng sinasabi nya, walang sabi-sabing pumasok kami doon pero ang pinagtataka ko

"Kanino to?" tanong ko, walang kotse si Yana, kay Chi naman sira.

"Huwag ka na magtanong, suot mo na ito bilis" hinarap sa akin ni Chi ang bistidang kulay puti

"Ano-"

IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon