Nagising ako sa maingay na ringtone ng phone ko, piste ang aga aga bat tatawag. Dumilat ako at saglit na sinulyapan si JP, tulog na tulog. Si Mommy Grace ang tumatawag, shit. Alam na ba nya? Jusq Maddie, laman kayo ng balita, imposibleng hindi nya malaman! Nanginginig akong sinagot ang phone call.
'I thought you love my son'
Tumayo ako't nagmadaling magbihis habang nakaipit sa tenga't balikat ko ang phone, hindi ko alam kung anong isasagot ko o kung anong ipapaliwanag ko.
Nakapunta ako sa sala dala ang mga gamit ko na dala ko kahapon, hindi ko na ginising si JP, hindi naman ako hahanapin non.
'Yes ma, I love him so mu-'
'But why? Why did you do this? Kamukha yon ni David, alam ko, pero anak hindi si David yon'
'Ma, I know, okay? Aksidente ang lahat, biglaan, hindi na napigilan. Please don't be mad at me'
'My son loves you very much, bakit mo nagawa ito sa kanya?'
Bago pa ako makasagot, the call ended. Nasa sala na ako at muling sumulyap sa kwarto kung saan humihimbing si JP, alam kong mali itong ginagawa ko, pero bakit pakiramdam ko ay tama?
-
"Hi Mrs. Madelaine Nase!" salubong sa akin ni Chi habang hawak hawak ang regalo nya para sa akin ata, "Eto gift ko sayo, di ko nabigay kahapon eh"
"Salamat, teka-" wtf is this. Dalawang dede ng bata, isang pambatang damit at marami pang pambatang gamit
"Tayo ay advance mag-isip" Chi said na proud na proud pa sa regalo nya. "Kamusta? I mean kayo ni JP? Nagloving-loving ba kayo ha?"
"Si Mommy Grace, tumawag kanina" pagbabalita ko sa kanya na hindi pinansin kung anong nasa utak nya
"Hala, ano sabi?"
"Ayon galit, ewan ko. Haha, alam mo yung feeling na alam mo namang mali pero pakiramdam mo tama?"
"Hindi dai, ireto mo muna sakin ni Jah bago ko malaman kung anong feeling" pagbibiro nya, kahit kailan talaga ay hindi sya sumuko kapipilit sa akin na ireto sya sa kapatid ko. "Pero, ano sinabi mo kay JP?" nagkibit balikat lang ako
"Iniwan ko syang tulog" tumango sya na parang alam nya ng gagawin ko 'yon
"As usual, like what you did to us" sagot nya pabalik na may ngisi sa labi
"Hoy, alam mo namang hindi na ko nagpapaalam pag aalis ako ng maaga lalo na't mahimbing matulog yung tao, tsaka hindi naman na ako hahanapin non"
"Di mo sure. Pinakasalan ka nga agad tas sasabihin mo sa aking hindi ka hahanapin, hah! Lokohin mo lelang mo"
"Kasal ka na pala ulit" pagsingit ni Ristin sa chikahan namin ni Chi. Tumango ako at ngumiti. Nakabalik na pala sila, hindi man lang sakin sinabi ni Cecilia. Awkward.
"Kamusta flight?" tanong ko sa kanya para mapawi ang ka-awkward-an.
"Okay naman, sige balik na 'ko" pagpapaalam nya at ngumiti naman ako bilang tugon, narinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga ni Chi sa tabi ko
JP's POV
Pag gising ko ay wala sya sa tabi ko dahilan para mapatayo ako agad para hanapin sya, ngunit nalibot ko na ang bahay pero wala pa rin akong Maddie na nakikita.
Pinilit ko ba sya? Ayaw ba nya? Kung ayaw nya naman pwede nyang sabihin sa akin para maayos ko lahat, ayaw ko ng taong napipilitan lang sa'kin. Alam ko namang napa-oo lang sya kasi nasabi ko na sa buong mundo, ano pa bang magagawa nya kung hindi ang um-agree?
"Oh kape" nandito ako ngayon sa KopiKen na halata mo naman sa pangalan na pagmamay-ari ni Ken. "Lalim ng iniisip ah, ganyan ba pag may asawa?"
"Ang bilis ng panahon, noong isang araw lang kainuman pa natin sila tapos ngayon, isa sa kanila asawa na agad ni JP" sambit ni Stell sabay higop ng kape.
"Hoy, akala mo hindi ko naaalala yung bigla kayong umalis na dalawa habang nag-iinuman kami? Nagkakamali ka. Anong ginawa nyo?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Ken
"Wala" tipid na sagot ko. Alangan namang aminin ko sa kanila kung anong ginawa ko kay Maddie that night. Hell no.
"Alam mo pwede kang gawan ng trend sa Facebook. Picture mo nakalagay tapos may caption na 'Sinetch itey na paglabas ng building ay may nakitang babae na nagwawala at nagca-claim na asawa nya daw at ngayon ay asawa nya na talaga for real' oh diba nice"
"Mas nice kung gagawan rin kita ng trend sa facebook na 'Sinetch itey na sumama sa meeting at may nakitang chix na hanggang ngayon hindi nya makuha kasi torpe' diba ayos"
"Sana all muna may lovelife" sabat ni Stell sa amin. Kunwari pa 'to, akala nya siguro wala kaming alam ni Ken sa buhay nya. Huwag ka masyadong pakampante Stell. Marami kaming alam.
"Sana all, sana all. Eh grabe nga tingin mo don sa Chi. Ano? Palag" hindi ko na sila pinansin at sunod sunod na ininom ang kapeng nasa harap ko
"Alis muna ako, may pupuntahan lang"
"Sige tol, ingat"
Lumabas na ako ng Cafe Shop at tinawagan si Yana para alamin kung nasaan si Maddie.
Tama ako, nasa EOH. Nang makarating ako roon ay medyo nanibago ako sa luwag ng security nila. Makakapasok ka agad nang walang humaharang sa iyo, buti hindi pa sila naho-holdap. Umupo muna ako at hindi na dumiretso sa kung nasaan sya, malamang ay nagtatrabaho. Maghihintay nalang siguro ako sa kanya.
Maddie's POV
"Hello Ma'am. Uhm, may naghihintay po kasi sa inyo dito sa baba. Kanina pa pong 10 am. Paaalisin ko na po ba?" tanong ng attendant sa akin mula sa telepono. 6 pm na. Antyaga nyang maghintay, sino ba kasi yon? Anong kailangan nya para paglaanan ako ng kay habang oras
"Marami pa akong ginagawa eh. Huwag mo muna paalisin, bababa naman ako mamaya" sagot ko sa tanong nya sabay baba ng telepono.
"Maddie. Sir Josh will wait you downstairs for meeting about the big event partnership with the big media, 6:30 pm." pagpapaalala ni Ristin sa akin.
"Ha? Akala ko ba 8 pm?" tanong ko sa kanya, nagbago nanaman.
"Kailangan i-adjust eh, marami pang imemeeting si Josh" pagpapaliwanag nya, "Baba ka nalang ha, bye"
Pag-alis nya ay agaran akong nag-ayos ng sarili, kailangan presentable, hindi pwedeng basta basta, naeexcite ako na kinakabahan kasi makakaharap ko ang mga big boss ng media'ng hinahangaan ng lahat. SBTV.
Hinahanap ko ang susi ng kotse ko paglabas ko ng elevator, hassle. Bakit hindi ko makita, huminto muna ako sa paglalakad para makapaghanap ng maayos.
And then, there you go! I feel like I'm so very lucky today.
"Let's go, Maddie" napatingin ako kay Josh na may ngiti. This is it! I'm working with the big boss's! Ilang taon kong pinangarap 'to pero napawi ang ngiti ko nang makita si JP na nakatayo na para 'bang andito na ang hinihintay nya.
"Maddie?" napunta kay Josh ang atensyon ko, binalik ko ang sigla at ngiti ko
"Tara" sagot ko sa kanya nang hindi man lang tinitignan si JP at diretsong naglakad palabas.
He look...
He look hurt.
BINABASA MO ANG
IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)
Fanfica story where Madelaine thought that John Paulo Nase is her husband who died 5 years ago. John Paulo and her husband are look alike and have the same personalities. Is John Paulo the husband of her who died 5 years ago?