JP's POV
"Bro, di ka maniniwala sa sasabihin ko" panimula ni Ken kay Stell nang makarating kami sa studio nila
"Pag ikaw talaga nagkekwento, di kapani-paniwala tol" pambabara ni Stell kay Ken
"Malupet to pre! Si JP may asawa na!"
"Asawa lang pala e" sagot ni Stell na parang wala lang sa kan- "ASAWA?! SINO MAY ASAWA?!"
"Si JP!" Ken laughed. Kinusot kusot ni Stell ang mata nya at gulat na tumingin sakin
"Akala ko ba ako lang?" madrama nyang tanong
"Gago" yan lang naging sagot ko "Ginawa ko lang naman yon para di sya magmukhang baliw don"
"Stell, ganito na ba kagwapo ang kaibigan natin? Ganito na ba kaganda ang mga sinusulat nyang tula para sya'y ipagpala ng sobra sobra?" sambit ni Ken na animo'y nagtutula with hand gestures.
Lumapit sakin si Stell, hinawakan ang baba ko't hinarap kay Ken ang mukha ko "Look, it's a masterpiece"
Yana's POV
Nababadtrip ako ngayon, akalain mo, yung nantrip sakin online, nandito sa meeting kasama si JP?! Bakit ba laging kasama ni JP si Ken, bodyguard ang peg?
Ang eksena kanina ay sa tuwing dadako ang mata ko sa gawi nya ay pag-irap agad ang sinasalubong ko kasi naiirita talaga ako sa kanya.
Natapos ang meeting na ganon ang nangyayari, natapos ang meeting na wala man lang akong naintindihan kahit isa. Patango tango lang lagi, kunwari na-gets kahit ang totoo'y lutang.
Pinauna ko silang lumabas kasi wala lang, ayaw ko lang kasabay yon, hmp. Baka mamaya kung ano pa magawa ko kasi panay ang ngisi nya.
"Di ka pa uuwi?" tanong ni Jay, katrabaho ko.
"Maya maya, bakit?" tanong ko sabay inom ng tubig na binigay kanina.
"Wala lang, si Maddie nasa labas" pagbabalita nya, napatingin ako sa kanya at agad na tumakbo palabas.
Naabutan ko si Maddie na kaharap ngayon si JP, umiiyak sya habang itong si Ken di alam kung anong gagawin. Lumapit ako sa kanila at hinarap si JP.
"Sige na, ako ng bahala dito" sambit ko sa kanya. Agad silang umalis, ako naman, inakbayan si Maddie at pinasandal sa balikat ko. "Shh tahan na"
"Asawa ko yon e" halos ilang beses nyang sabihin yan sakin.
"Maddie, baka hindi si David yon. Hindi tayo sigurado" sinusubukan kong pakalmahin sya and after 123456789 years, tumahimik na.
Maddie's POV
Buti nalang talaga walang masyadong gagawin ngayon sa EOH. Kung meron man, kaya na ni Chi yan. Andito lang ako sa condo, si Yana ayon, may bibilhin lang daw ang gaga.
Kung hindi si David yon, okay fine! Hindi ko na ipipilit. Hindi na talaga. Hahayaan ko na syang mamuhay ng normal gaya ng ginagawa nya noong hindi ko pa sya nakikita.
Dahil sa kaboring-an, I found myself checking his account on iSocialBook, scroll dito, scroll doon. Dami nya ngang readers at kahit na tuldok lang ipost nya, marami pa rin kinikilig. Hay nako.
Dumating na si Yana bitbit ang mga binili nya sa grocery. Wow ah, parang binili nya ang mismong grocery store. Tsaka bakit parang ang bait neto ngayon? Bumili sya ng food for us eh hindi naman sya dito nakatira. Nakasinghot ba to? Ilang oras lang naman ako nawala, bakit parang ang daming nagbago, normal ba to? Hala-
"Hoy gaga ka! Kanina pa kita kinakausap!" pag-iingay nya nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya at di nakikinig.
"Bakit? Ano meron?" walang ka-alam alam na tanong ko.
"Birthday ni Jay sa Saturday, g ka?" tanong nya sakin. Si Jay lang naman ang mas babae pa kumilos saming tatlo nila Chi.
"Oo nam-"
"Syempre pupunta rin si JP, g ka pa rin?"
"Oo nam-"
"Sure ka? Baka magulo party ni Jay dahil ipipilit mo nanamang asawa ni JP"
"Hindi na pra-"
"Oki, sabihin nalang natin kay Chi ma-"
Naputol ang sasabihin nya sana nang biglang pumasok si Chi at dali dali akong hinarap
"Explain" tinignan ko sya ng naguguluhang tingin, ano ieexplain?
Alam nyang hindi ko sya nagets kaya pinakita nya sakin ang nasa phone nya.
-
@jpnase and @madelainedt are now married
2k replies - 5.4k reacts - 10k shares
-
Anong nangyayari? Umiling iling ako kay Chi, hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil maski ako ay naguguluhan.
Binuksan ko agad ang phone ko at chineck ulit ang pinakita nya sakin kanina.
Tahimik naman account ko, wala naman? Nirefresh ko pa ng paulit ulit pero wala talaga. Dahan dahan akong tumingin kay Chi na ngayon ay tumatawa?
Girl, what's happening?
"ISSA PRANK!!!"
BINABASA MO ANG
IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)
Fiksi Penggemara story where Madelaine thought that John Paulo Nase is her husband who died 5 years ago. John Paulo and her husband are look alike and have the same personalities. Is John Paulo the husband of her who died 5 years ago?