Chapter 11

133 10 4
                                    

(Author's Note: Hi! Para hindi kayo malito ha (hakdog), isisingit ko sa bawat eksena yung tula ni Nase, makikita nyo yon nang nakaganitong style, yung tula ni Nase, gawa gawa ko lang and yung iba, galing sa mga lyrics ng kanta nila, so yon, sherkolang hehe, happy reading!)

Ristin's POV

Nakatitig lang ako kay Maddie nang bigkasin nya yon. Hindi ako makahanap ng tamang sentence na isasagot kay Maddie.

Itinatago ko ang lahat, kasama na ang aking nararamdaman, ito ba'y sasapat?

Myghad Maddie!

"Mahal mo si Josh, di'ba?" pag uulit pa nya.

"Ristin" tawag ni Josh sa likod ko na ikinagulat naming dalawa ni Maddie. "We need to talk"

At sa bawat paghaplos ng hangin sa aking pisngi, nananalanging sana'y hindi lang dito magtapos

Lumapit ako kay Josh, ramdam ko ang mga tingin nya at heto ako't nanginginig

Pumasok sya sa opisina nya at sumunod naman ako. Pagkasara ko ng pinto ay humarap sya sakin.

Inobserbahan ang tindig ko't paghinga. Nakakainis! Lalo akong kinabahan!

"Magkaibigan tayo diba?" paunang tanong nya, tumango naman ako bilang sagot "Matalik tayong magkaibigan diba?" tanong nya ulit at pagtango ang naging sagot ko.

Sasabihin na ba nya na hanggang don lang kame? Friendzone na ba ko agad? Ayaw mong lumelevel up tayo, Josh?

"Bakit si Maddie nakakaalam kung sinong taong mahal mo? Ganon ba kayo kaclose? Bakit hindi ko kilala yung gagong nagpapaiyak sayo?"

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa tanong ni Josh. Like hello?! Sa pagtatanong mong 'yan para mo na ring tinatanong kung ano pangalan mo.

Kung nasabi ko ba noon, ay may magbabago ba?

"Alam mo, kung malaman mo man kung sino yung taong mahal ko, pramis mo sakin hindi ka lalayo" sagot ko sa kanya.

"Sino ba?" muling tanong nya

"Ikaw" seryosong sagot ko dahilan para tumawa sya

"Lolo mo! HAHAHA wala kang maloloko dito, galing mo naman magbiro" ah... okay? tumawa na rin ako para hindi halata ang pagkapahiya ko

Seryoso ako, Josh.

Pero natutulad ka kay Maddie. Hindi mo kayang tanggapin ang nararamdaman ng ibang tao para sayo kahit na binabalewala ka ng taong mahal mo. Bagay nga kayo.

IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon