Maddie's POV
The Day, Booksigning Event.
Ala-sais ng umaga, ang lahat ay halos hindi magkanda-ugaga sa pagkilos. Tinitignan ko silang lahat na masayang nag aayos ng venue. Si Chi na palakad lakad at chinicheck kung maayos na ba ang pagkakalagay ng tarp sa gilid.
Ang iba'y inaayos ang gamit ng mga writers sa lamesa. Ang mga ballpen ay binase namin sa pagkatao ng isang writer, para kahit papano may connect sa kanila.
"Maddie" napatingin ako kay Sir Josh.
Napatingin ako sa lalaking handa ko nang tanggapin sa buhay ko. Hindi naman siguro masama kung bibigyan ko sya ng chance.
"Kumain ka muna" napangiti ako nang iabot nya sakin ang pagkain. Kaya lang busog pa ko. Tsaka wala akong karapatang kumain, nakatayo lang naman ako dito. Bibigay ko nalang kay Chi.
"Chi!" napatingin sya, sumensyas akong sa kanya nalang tong pagkain na hawak ko, naramdaman ko naman ang pagsapo ni Josh sa kayang mukha. Nagmadaling lumapit si Chi.
"Bigay ni Sir Josh" wika ko
"Hulog ka talaga ng maykapal Sir Josh! Hindi ka lang kay Maddie nanliligaw pati sa bestfriends ha, good yan" natatawa ako sa sinabi ni Chi. Pano ba naman, nakikicringe ako.
-
Alas dos ang schedule ng event. Ala-una na, at paunti unti na ring napupuno ang mga tao rito sa loob.
Natupad ang suggestion ni Chi na magkaroon ng booth kaya ang iba'y don nagpalipas ng oras. Yung iba naman nakaupo at nagce-cellphone.
Namangha ako sa kinalabasan ng pag aayos namin. Nakakadurog ng puso, ang saya ng nararamdaman ko. Sobrang saya ko ngayon!
Kinalabit ako ni Chi at niyakap ako. Gumaya na rin ang iba naming katrabaho.
"Congrats satin!" sabay sabay naming bati. Nakangiti at masaya talaga kaming magkakateam. We did it!
Pero ilang saglit lang, lumapit sakin si Chi at bumulong.
"Natatakot ako" tugon nya habang paiyak, nagpanic ako. Jusq girl
"Bakit?"
"Baka may mangyaring hindi maganda"
"Bakit? Pano?" nalilitong tanong ko
"Kasi ang kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan"
-
Chi's POV
2pm, this is it! This is the moment~ char not char.
"Goodafternoon Ladies and Gentlemen" panimula ng host. Sinimulan nya ang pagdarasal, at ang introduksyon.
Ang hirap sundan ng sinasabi nya pero kwento ko nalang na ipapakilala na isa isa ang mga writers. Mula kay writer 1, 2, 3 and!!!
"Yana Bernardez! The author of Billion of People but I chose You, published on January 17, 2020" pagpapakilala ng host. Napatayo ako sa tuwa, best friend ko yan!!!!
Sa tuwa rin ng ibang readers ni Yana ay nabunggo ako ng isang babae dahilan para mawalan ako ng balanse. Babagsak ako sa sahig, myghad anlaking kahihiyan to.
Wait.
Asan na yung sahig?
Dapat nakayakap na sakin yung sahig.
Myghad, ano bat ganto
Nakatingin na ba sila lahat sakin?
Hala ayoko dumilat.
"Miss?" napadilat ako, SHET!
Nasalo nya ko? Weh? Agad akong napaatras sa kanya.
"Salamat" matangkad sya at yon, maganda katawan nya. Tambay sa gym?
"Stell" sambit nya sabay abot ng kamay. Enebe, keshe nemen ih.
"Chi" sagot ko at nakipagshake hands. Isang ngiti ang binigay nya at umalis.
Ampogi nyaaaaa, teka nga Chi! Nginitian ka lang e! Marupok ka, girl?
Napatingin ako sa stage nang ipapakilala na ang panghuling writer. Parang bumagal ang lahat, kahit malakas ang hiyawan ay naririnig ko ang tunog ng kanyang pagyapak.
Tumingin sya sa maraming tao, at napatingin ako kay Maddie.
Maddie's POV
"Let's all welcome, the author of Bawat Pagtibok, John Paulo Nase!" buong pagpalakpak ang ibinigay ko sa kanya tulad nang palapak na binigay ko sa ibang manunulat.
Napawi ang ngiti ko nang makita kung sino ang taong pinapalakpakan ko. Hindi ko maintindihan. At hindi ko namalayang sunod sunod na ang pagpatak ng aking luha.
Sobra na kong naguguluhan kaya't umalis ako't lumabas. Kailangan ko ng hangin, kailangan ko ng lakas.
"Maddie" paghabol sakin ni Chi.
"Alam mo ba?" tanong ko sa kanya "Alam mo ba na andito sya?!" di ko na alam kung pano ko nabibitawan tong mga salitang 'to kahit na hindi ako siguradong may alam sya.
"Maddie, alam namin ni Yana" sa pag amin nyang 'yon ay labis na nanghina ang tuhod ko "Kelan pa?" nanghihinang tanong ko
"Nung unang meeting tungkol sa event na 'to" sagot nya, hindi pa rin ako matigil sa pag iyak. "Hindi kasi namin sigurado kaya-"
"Wag ka ng magpaliwanag!" nawawala na ko sa katinuan, alam ko. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Hindi ko alam kung san nanggagaling ang galit ko kay Chi. Hindi ko alam ang nangyayari sakin
"Maddie, sorry. Ayaw kasi naming magsalita hangga't hindi pa kami sigurado eh." pilit nya kong hinahawakan pero tinataboy ko lang sya.
Hindi ko na kaya.
"Wala kayong kwentang kaibigan" isa sa masakit na salitang nabitawan ko.
Napatahimik si Chi.
"All these years, Maddie. All these years!" pag uulit nya "Ginawa lang naman namin yon para mapabuti ang lahat"
Napatayo ako.
"Mapabuti?! Sa tingin mo mabuti to?! Chi. Chi, pakiramdam ko nagluluksa ako sa wala! Iniiyakan ko yung taong hanggang ngayon, humihinga pa!"
"Bakit kami ang sinisisi mo? Dahil hindi mo nalaman agad? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Hindi ba ilang beses mo na syang nakita pero nagbulag bulagan k-" bago nya bitawan ang huling salita ay dumapo sa pisngi nya ang palad ko.
Tumingin sya sakin na parang nagtatanong kung ako pa ba to, natauhan ako.
Kinalma ko ang sarili ko't tinignan sya. Yayakapin ko sana sya nang tumalikod sya't mabilis na naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)
Fiksi Penggemara story where Madelaine thought that John Paulo Nase is her husband who died 5 years ago. John Paulo and her husband are look alike and have the same personalities. Is John Paulo the husband of her who died 5 years ago?