Maddie's POV
"Happy Birthday, Jaylab!!!" pagbati ko sa kanya nang makapasok kami sa bahay nya, agad nya naman akong sinalubong ng yakap at bumeso beso
"Kain na muna kayo, ikaw ha gumaganda ka" inirapan ko sya sa pambobola nya at alam ko naman kung ano ang nais nya kaya binigay ko sa kanya ang paborito nyang Chanel, "Ikaw talaga nag-abala ka pa, di mo naman kailangan magbigay ano-"
"Ay hindi na ba kailangan? Bakit di mo agad sinabi, sayang na-"
"Joke lang, eto naman hindi mabiro" bigkas nya sabay kuha ulit ng regalo ko sa kanya, napatingin nalang kami kay Chi na papalapit sa amin
"Kilala mo pala yon?" tanong nya kay Jay sabay turo doon sa tatlong lalaki, nang makilala ko kung sino ang isa don sa tatlong lalaki ay agad akong napatalikod sa hiya, bumabalik sa alaala ko lahat ng nakakahiyang pangyayari, huhu. What to do, what to do?
"Acquaintance lang, alam mo naman kahit di ko gaanong kilala, invited!" sagot ng bakla, kaya nanakawan last birthday nya e. Tatanga-tanga.
Hinatid kami ni Jay kung saan kami pwedeng maupo at ako? Nagtatago sa likod ni Yana, nang maramdaman kong huminto sya ay tumingin ako sa harapan.
Agad nanlaki ang mata ko at nagtago ulit sa likod ni Yana.
"Bakit nagtatago yung asawa ni JP?" rinig kong tanong ni Ken ba yon, basta Ken ata sya. Pake nya ba? tsaka hindi nya ko asawa... arAy
Lumingon sakin si Jay at tinignan ako ng parang may kailangan akong i-explain, agad akong umiling.
"Sinong may asawa?" tanong ni Jay. Si Jay walang clue about kay David, hindi namin sya nakwento sa kanya, 2 years palang kaming magkakilala kaya hindi nya kilala si David.
Walang sumagot sa kanya, tahimik lang kami at ang tanging naririnig lang ay ang malakas na tugtog ng musika. Mukhang naramdaman nya ng wala kaming balak sumagot sa tanong nya kaya nagsalita ulit sya.
"Wala ng maupuan, dito nalang kayo sa table nila JP, dyan muna kayo, asikasuhin ko lang mga bagong dating. Enjoy!" banggit nya sabay alis. Kami? Wala ng choice kundi umupo sa table nya.
Awkward...
Halos walang nagsasalita, nakakainis. Nahihiya ako lalo na't alam kong nakatingin sya sakin.
Nagpaalam si Chi at Yana na kukuha lang ng alak, yung dalawang kasama ni JP, umalis rin. So ang ending, pareho lang kaming nakaupo dito, tinitignan nya lang yung mga taong dumadaan daan, at mukhang wala talagang balak magsalita.
Tumingin sya sakin, shit. Nahuli nyang nakatingin ako sa kanya, nanlaki ang mata ko't napaayos ng upo. Seryoso lang syang nakatingin sakin, ano bang kasalanan ko?
"Sino ulit asawa mo?" mahinang tanong nya, at malabong marinig dahil sa malakas na tugtog pero sapat na para marinig ko.
Si David...
"Ikaw" biglaang sagot ko :( hindi ko alam kung bakit ko nasagot yon huhu di ko talaga alam. He smiled.
After ilang years ay dumating na ang dalawa kong kaibigang bitchesa na may dalang dalawang case na alak. Seryoso ba tong dalawang to? Ang hihina nito pagdating sa alak, isang bote pa nga lang nahihilo na yan, ano ba naman to
"Sa tingin mo pa lang, you are judging us na" salubong ni Chi sa akin, kinuha ko nalang ang phone ko at naglaro ng kung ano ano.
Nagsimula na silang mag-inuman kasama ang tatlong lalaki, hindi sa low tol din ako pero kailangan ng bantay 'tong si Chi at Yana. Mahirap na kung pare-pareho kaming lasing na uuwi.
Kung ano ano na rin ang pinag-gagagawa nila, nagkwentuhan, nagkantahan hanggang sa naglaro na sila at pinilit ako ni Yana na sumali.
"Hmm, truth or dare?!" pag-iisip ni Stell ng laro, mukhang game na game to ah, kanina pa ito nag aaya ng laro. Nag-agree naman ang lima, nagtaka ako ng dahan dahan nila akong lingunin.
"Game" sagot ko nalang para hindi na nila ako tignan. Sinimulan ng ikutin ni Ken ang bote sa lamesa at saktong natapat kay Yana.
"Truth or Dare?" tanong ni Ken sa kanya
"Dare" matapang na sagot ni Yana. Wait, anong meron sa dalawang ito?
"Dito ka sa tabi ko" bakas ang inis sa mukha ni Yana pero wala rin syang choice kundi sundin ang sinabi ni Ken.
Sunod na pinaikot ni Yana ang bote at natapat kay Chi. Napahalakhak si Yana na parang demonyo.
"Truth" hindi na hinintay ni Chi na magtanong si Yana, talagang sagot agad ang gaga, nakita ko namang pinanlakihan sya ni Yana ng mata kaya agad binago ang sagot, madaya.
"Palit kayo ni JP ng upuan" napakademonyo talaga ng babaeng to, bwiset. Chi's turn, kay JP tumapat.
"Truth or Dare?" ewan ko pero kinakabahan ako, kabado tulad kanina.
"Truth" walang emosyong sagot nya
"Sinong asawa mo?" napatingin ako kay Ken nang sya ang magtanong, kanina pa 'to ah! Badtrip. Hindi pa sumasagot si JP nang sumabat si Stell.
"Is she mad?" pagbibiro niya. Wow nice joke, nakakatawa HEA-
"Maddie" napatingin ako sa kanya, sya naman ay agad na lumapit sakin at hinila ako sa walang tao
Tinignan ko lang sya, ni walang salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi sya si David, alam ko na. Hindi sya yan.
Lumapit sya sakin, sobrang lapit. Sa sobrang lapit ay napasandal ako sa pader na nasa likod ko.
The last thing I knew, magkadikit na ang mga labi namin. It feels like it's David kissing me pero binura ko ang mga nabubuo sa isip ko, hindi sya si David.
Natigil ang halikan at napayuko, tila nag iisip at saka tumingin ulit sa akin.
"You know? You're really driving me crazy" he said before leaving me behind.
BINABASA MO ANG
IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)
Fanfica story where Madelaine thought that John Paulo Nase is her husband who died 5 years ago. John Paulo and her husband are look alike and have the same personalities. Is John Paulo the husband of her who died 5 years ago?