Maddie's POV
Nalalapit na ang araw ng event kaya halos lahat ay di mo makausap kasi busy sa paggawa.
Ginusto ng company ng HSI na dapat kabog ang Booksigning Event, kaya we're doing our best para sa event na yon. Actually, this is not the first time na naghandle kami ng Big Event, pero this time kasi, sobrang matrabaho, andaming demand ni Mr. Lim eh. Antaas rin ng expectation nya kay Sir Josh at sa team namin kaya di namin hahayaang mabigo sya
"Okay na ba yung foods?" tanong ko kay Christal at Tine. Tumango naman sila bilang sagot
"Ay Ma'am, okay na ba yung drinks? Kasi I don't think na swak yung drinks para sa snacks" pahabol na tugon ni Christal
"May I see?" sagot ko, inilapit nya naman sakin ang folder nya. "Okay na yan, gawin nalang sigurong cold ang drinks" suggest ko at tumango naman sya sabay balik sa kinauupuan nya.
Pumunta naman ako sa pwesto nila Chi. Para icheck kung okay ba yung venue na nakuha namin.
"Tingin ng report" bungad ko sa kanya at iniabot naman nya ang folder nya sakin
"Yung venue, okay naman sya for the theme, maglalagay tayo ng lamesa dito sa bandang 'to para sa booksigning nga" pagdaldal nya habang pinagmamasdan ko ang picture. "Then dito, yang buong space na yan, dyan yung mga taong dadalo ng Booksigning Event, nacompute ko na rin na maximum of 200 people ang pwedeng magkasya dyan" tumango ako sa pagbabalita nya "Then, may suggestion ako. What if maglagay tayo ng booth? Para hindi sila nakatengga sa pagpila, habang di pa nila turn, eh pwede silang maglibang"
"We'll see, thankyou" sagot ko at pumunta na sa aking pwesto. At sa pag upo kong yon ay nilapag ni Ristin ang kape sa table ko.
"Pinabibigay ni Sir Josh" ani nya nang nakangiti, pero parang may mali
"Para sayo dapat 'to diba?" napuno ng pagtataka ang mga mata nya
"Ano namang ibig mong sabihin?" tanong nya
"Okay lang sayo?" tanong ko ulit
"Ang alin?"
"Ginagawa mo 'to para kay Josh. Kasi mahal mo si Josh. Ayos lang sayo?"
BINABASA MO ANG
IS IT YOU? (SB19 PABLO FANFIC) (COMPLETE)
Fanfica story where Madelaine thought that John Paulo Nase is her husband who died 5 years ago. John Paulo and her husband are look alike and have the same personalities. Is John Paulo the husband of her who died 5 years ago?