"Hurry up, will you?" Naiinis niyang utos sa akin."Hurry mo mukha mo!" Sigaw ko sa kaniya.
Kanina pa kami libot ng libot dito sa mall at akala ko ba date 'to?! Pinapadala niya lang ako ng mga pinamili niya! Nangangalay narin ang mga braso ko, ang dami ko kasing dala! There are currently thirteen paperbags on my left and sixteen on my right! Anong akala niya sa akin? Yaya?
Tatlong oras na kami dito sa mall at kahit ni isang beses ay hindi pa ako nakaupo! Nakakapagod din kaya. Plano ko nga sanang bumili ng bagong phone pero ayaw niya! Naiinis na ako, gusto ko nang itapon itong mga hinahawakan ko pero nakakatakot siyang magalit kaya huwag nalang.
Hanggang sa pumasok kami sa isang high-class restaurant na halos kami lang ang tao, ang mahal mahal nga naman kasi ng mga pagkain base sa mga nakasulat sa counter. Hindi ba sila nalulugi? Pero mabuti narin at makakain kami, kanina pa ako gutom, hindi pa nga ako nakapag-lunch. Kamusta na kaya ang tatlo, sana naman wala silang ginagawang kalokohan na wala ako. Ayaw ko kasing mahuli sa balita.
Umupo kami sa dulo kung saan may mga kurtina na nakatakip sa paligid ng table, mabuti narin dito walang makakakita sa amin. Napabuntong-hininga ako nang nakaupo na ako tsaka ko naman binaba ang mga dala ko. Nakakapagod talaga, promise. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko ang masasamang tingin na binibigay sa akin ni Ysabelle. Napakunot tuloy ang noo ko.
"Ano na naman?"
"Pull out the chair."
"Wala ka bang kamay?"
"Just do it."
"Why are you such a commanding beast?" May ideya ba siyang kung anong kahihiyan itong ginagawa kong pagsuno-sunuran sa kaniya?
"So you won't do it?" Nabigla ako nang ilapit niya agad ang mukha niya sa akin. Instinctively, napapikit ako. Tsaka ko ito binusksan nang marinig ko ang tawa niya. Namula ako sa kahihiyan. Akala ko kasi...aish!
"Damn it." Tumayo ako at ginawa ang gusto niya. Nang makaupo an siya ay tinulak ko papasok ang upuan.
"You always complain but do it anyway."
"Because you're a pushover."
May humati sa kurtina at may pumasok sa loob. Isa itong waiter at binibyan kami tag-isa ng menu. Nanlaki ang nga mata ko makita ang presyo. Isang potahe pa ngalang ay isang libo na! Sino ba ang magbabayad nito? Napatingin ako kay Ysabelle na tinuturo ang mga gusto niya habang ang waiter ay nililista ito.
"What about you, Miss?" Tanong ng waiter.
Tinuro ko nalang 'yung pinakamura, mukhang masarap naman kasi. Mura nga pero halos umabot na ng isang libo. Aish! Ano ba naman 'yan. Marami naman akong alam na masasarap na kainan na barato ah. Hindi nagtagal ay umalis na ang waiter kaya bumalik narin si Ysabelle sa pangi-inis sa akin. She was intensely staring at me the whole time which made me feel very uncomfortable.
"What do you want this time?" Tanong ko pero ngumiti lang siya.
Hanggang sa ilang minuto ang nakalipas ay dumating narin sa wakas ang mga pagkain na inorder namin. Bilib ako dahil madali lang nila itong lutuin, o baka naman luto na kailangan lang talaga nilang ihanda ulit. Mas prefer ko tuloy 'yung ako nalang ang nagluluto.
YOU ARE READING
All Over You (GxG)
Teen FictionA girl who's engaged to another who she can't get along with. The second one who's deadly in love with a girl who's only ever cold to her. A star volleyball player who is scared to commit to a nerdy girl who likes her. And the last one who has been...