Seventeen: Anger and Pursuit 2

127 6 0
                                    


Sabrina

Hindi sasakyan ko ngayon ang dinala ko dahil naglalakad lang ako ngayon habang nandito sa madilim na alleyway. Pinark ko kanin ang sasakyan ko sa malayo. Marami ang tambay sa paligid, naghalo-halo ang amoy ng mga basura at alak. Hindi pa ako nakapunta dito, dahil sa katunayan ay unang beses pa lamang ito. Paano ako nakapunta dito? Halos isang oras din ang biyahe. Nakasuot ako ngayon ng itim na jacket at naka pants. Tagong-tago talaga ang mukha ko ngayon. May itim pa nga ako na mask eh.

Lumiko ako sa dulo ng alleyway. Doon sa dulo ay may isang pinto na gawa sa kumakalawang na metal. May limang taong nakabantay sa labas, may nakakabit na mga kutsilyo at baril sa mga beywang at tuhod nila. Nauna ko kaagad napansin ang tatak sa mga kamay nila na letter H.

"Sino ka? Ano ang ginagawa mo dito?" Sabi nung isa habang tinutok ang pistol na hawak sa direksyon ko.

Nung una ay natakot ako sa mga ganito, pero sa dami ba naman naming nakaharap tulad ng mga ganitong bagau ay sa huli nasanay narin ako. Who would expect me being like this anyway? I used to be a huge spoiled brat, 'yung maarte sa lahat ng bagay. I even used to fear blood a lot. But everything about me changed the day I joined the gang. That's why the gang is important to me, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa grupong halos nagpalaki na sa amin.

"I need to speak with Hades." Nagkatinginan muna sila bago binalik ito sa akin.

"Bago ka lang ba dito?" Tanong nung isa. Nagtaka ako pero tumango din naman. "Kaya pala. Bawala sabihin ang pangalang iyan sa mga ganito ka bukas na lugar. Umalis ka na."

"Didn't you hear what I said? I need—" nagpaputok ang isa ng baril, pero may silencer naman kaya hindi masyadong malakas ang tunog. Hindi ako tinamaan nito dahil sa pader niya ito pinaputok, it served as a warning.

"Hindi naman alam kung ano ang habol mo sa nakakataas, pero kung importante ka ngang tao, hindi ka dito dapat dumerecho."

"Ano ang gusto mong ipahiwatig?"

"Wala kaming rason para ipagkalat ito kaya kung ayaw mong mamatay, umalis ka nalang."

"Do you want me to state the law?" Nagulat sila sa sinabi ko, halata naman sa paglaki ng mga mata nila.

Pearl Eris, ito ay isang code o tinatawag na law dito sa Underground na ang tanging nakakaalam lang ay ang mga nakakataas na ranko sa Underground. It also tells absolute superiority and anyone who defies those words is granted pure death. They shouldn't underestimate me. I hack information and datas, I didn't come here unprepared. But still, not just anyone could say those words freely, for saying it comes with a price.

"May limang entrance ang Underground. Ito ang una, dito pumapasok ang mga taong bumibisita lang para sumugal, kumuha ng impormasyon. Tinatawag itong Black Market." Sagot ng isang lalaki na nakasandal lang sa pader.

"Ang ikalawang entance ay mas malayo pa dito. Doon naman pumapasok ang tauhan ni Hades na nangangalaga ng buong Underground, ang Black Soviet. Ang ikatatlong entrance ay ang Black City kung saan nakatira ang mga nakakataas na tauhan ni Hades. Politicians, governement agents, spies...lahat ay nandoon." Wika ng isang lalaki na tumutok sa akin kanina ng baril.

"Ang ika-apat na entrance ay ang Black Pearl, isa itong battleground, malaking lugar kumg saan maraking grupo ng iba't ibang organisasyon ang nagkikita-kita pra makipag-trade, negotations, o makipag-away. Para itong buong arena, doon mismo nangyayari ang halos lahat ng importantent bagay ukol sa pagpapatakbo ng Underground."

"Ang huling entrance naman ay ang Black Eris," sabi ng lalaki sa pinakalikod. "Dito mismo nakatira ang Lord ng Underground, si Hades. Walang nakakaalam kung nasaan ito o kung ano man ang itsura nito. Bal-balita ay may mata't tainga siya sa buong syudad, lalo na sa buong Underground kaya malaki ang posibilidad na alam niya ngayon na nandito ka. Ang Black Eris ay hindi lang basta tahanan ni Hades."

All Over You (GxG)Where stories live. Discover now