NO.No.
No way in hell!!
Spell the word "impossible", I-M-P-O-S-S-I-B-L-E, Impossible!
Sino ba naman ang papayag na sumali sa isang—party?! Ako? Isang mukahng basahan na wala manlang ngang alam umayos ng sarili is being invited to join a party? Mamamatay muna ako bago ako bihisan ng mga OA na mga damit. Pinapakita palang nga sa akin ng kapatid kong makulit ang damit na susuotin ko ay parang masusuka na ako. Isa itong sleeveless na one-piece na damit na kulay pula na hanggang above the knee lang.
I can't believe this. Hindi ako makapaniwala na kaya tong suotin ng mga babae sa mundong ito. Eh noong unang panahon nga ay dahon lang ang ginagamit ng mga ninuno namin para matakpan lang ang mga PARTE ng katawan nila, at gagawin talaga nila lahat para matakpan lang yun. Pero ang nga tao ngayon ay pa-show off pa. Kulang nalang maghubad sila eh.
Ngumingiti lang sa akin ang kapatid ko, nakakadistorbo na siya. Pumunta siya sa apartment na tinitirahan ko in the middle of the night para lang dito? Tinignan ko nang masama ang kapatid ko at tinuro ang pinto na bukas pa. She still smiled like for all she cared.
"Hindi. Ako. Susuot. Niyan." Sabi ko in a serious tone. She sighed. "Bukas pa yung pinto ate oh, lumabas ka na at matutulog na ako. Okay?"
"Huhubadan talaga kita jan kapag hindi mo to sinuot." Banta niya pa.
And she was serious.
Ngayon ay nakasakay kami sa sasakyan niya. Ngayon nakasuot ako nang damit na pula at may five inches hills pa na binigay sa akin. Ngayon nahihirapan na ako.
At NGAYON, mamatay na ako sa kahihiyan. Sa banta niya kanina, tinulak niya talaga ako sa bathroom at nilock ang pintuan sa labas. Hindi daw ako makakaalis dun kapag hindi ako maliligo ulit at bumihis. After an hour, lumabas ako, suot ang damit. Nag picture pa siya for goodness' sake.
Ano bang ginawa kong kasalanan Lord to deserve this punishment? Well, siguro nga marami akong kasalanan like hiding the fact from my real parents that I'm associated with a gang, at sa pagpatuloy na pagsisinungaling sa kanila. Oy, huwag niyo yung gayahin kids ah? At least white lies yun.
Hindi oa nga ako nakakalakad ng ganoon katagal nanginginig na ang legs ko, sumasakit na ang mga paa ko sa kasusuot ng hills. Saan ba kami pupunta? Seriously, older sisters are such a manipulator. Sinabi lang niya sa akin na sumunod lang sa kaniya.
Inayos niya pa talaga ang buhok ko at kinuha ang salamin ko, kaya tuloy hindi ako medyo makakita. Sabi niya ang ganda na daw ng green eyes ko kaya light lang na contact lens ang nimagay niya para kahit papaano ay makakakita naman ako. She also put make-up kaya parang total make-over talaga ang nangyari. Nakakinis talaga. Mapapahiya lang ako mamaya kung saan man kami pupunta for sure.
Ngayon ang hinihiling ko lang ay sana huwag akong madapa sa suot kong heels, na sana hindi ako makaagaw ng atensyon, at sana ang daming masasarap na pagkain dun. Yun lang naman ang rason kung bakit ako pumayag.
Hininto na ni ate ang sasakyan sa unahan ng isang malaking building. Isang restaurant to be exact, pero malaki lang siya. Sa likod namin ay marami din ang nagsihintuang sasakyan, lahat sila naka attire talaga. Ang bongga at puros mayayaman lahat sila, out of place ako dito. Tumingin ako kay ate which is now smiling.
"Ate, do I have to?" Tanong ko for the hundredth time tonight.
"Ilang ulit ko na bang inulit na hindi ko na gustong ulitin hanggang kailan man kasi palagi mong inuulit-ulit ang mga bagay na hindi na dapat inuulit kasi ilang ulit ko nang inulit." Ha? Ano daw?
YOU ARE READING
All Over You (GxG)
Fiksi RemajaA girl who's engaged to another who she can't get along with. The second one who's deadly in love with a girl who's only ever cold to her. A star volleyball player who is scared to commit to a nerdy girl who likes her. And the last one who has been...