Twelve: Ended With A Kiss

149 10 0
                                    


"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ysabelle na nakaupo sa sala, may ginagawang mga assignments.

Because she's mostly at the SGC Office all the time, binibigyan nalang siya ng mga assignments at activities ng mga teachers. She's always busy, but her face doesn't show it at all. Kagabi nga ay nagpuyat siya sa kakagawa lang ng requirement nila sa isang subject niya.

Well I had to sleep on the living room last night though dahil ayaw nuya takagang may kasama siya sa kwarto, kahit na aking kwarto naman yun eh. Sina Ate ay umalis kaninang umaga pa, may aasikasuhin daw muna sila, but I have a feeling that they only want to go on a date.

"I'm meeting up with my friends." Technically, what I said wasn't a lie. Ngayon yung emergency meeting ng gang regarding about this Hades' issue.

"You have to return before dark. Susunduin tayo mamaya ni Butler Kim. Your grandmother wants to see us both." I checked the time and it was only around ten in the morning.

"Can I just not come?" Napatingin siya sa akin sa sinabi ko. She glared at me.

"Subukan mong hindi makarating." May halong pagbabanta niyang sabi.

"I'll try—"

"Don't even try it, do it." I sighed. This girl is too commanding!

"Fine, fine."

Hindi na siya sumagot pa kaya umalis na ako ng bahay. Wala akong sasakyan dahil hindi naman ako marunong mag-drive, may motor ako pero doon naka-park sa dati kong apartment kahit na nandito na ang lahat kong gamit.

Lumakad nalang ako palabas ng subdivision at naghintay nalang ng taxi. It took me about more than thirty minutes before I could reach the woods. This place is already the outskirts of the city kaya medyo malayo, even so because I moved from my apartment. Pinatigil ko ang taxi sa harap ng isang lumang coffee shop at nagbayad na.

Pagkababa ko ay pumasok na ako sa shop na pagmamay-ari ng isa sa mga myembro ng gang, specifically belonged on my team. Well, I may say the shop is old but it's fairly nice. Medyo kaonti nga lang ang pumupunta dahil medyo malayo ito sa syudad at isa pa, pinatayo ito malapit talaga sa base.

Pumasok ako at napagmataan na halos walang tao ang nandito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pumasok ako at napagmataan na halos walang tao ang nandito. Ang pumupunta lang naman dito ay kadalasan ang mga myembro ng gang, minsan may nga customers din but they mostly just to stop for a quick drink. Umupo ako sa may upuan malapit sa counter at hinintay ang may-ari na lumabas. Doon siguro yun sa likod.

"Altair." Tawag ng pamilyar na boses kaya tuminghala ako. Nakita ko si Yohan na papasok mula sa backdoor. Sa likuran kasi ng shop ay bahay niya. He went inside the counter and gave me a menu. "You're early."

"Well I live a bit farther now." Tinuro ko ang cappuccino sa menu at tumango lamang siya.

"You moved? Kailan pa?" Nagsimula na siyang gumawa ng inorder ko.

All Over You (GxG)Where stories live. Discover now