CailleThe campus is packed with different kinds of people, I could even see some foreigners around. I roamed my eyes, scanning the crowd for something to do with a hotdog stick in hand. I wasn't really planning on joining the fun and would rather stay in the house instead, pero wala akong magawa dahil pinilit ako ni Ysabelle.
But I came here assuming she would go around with me, pero nandoon siya nagtratrabaho ng mga paperworks sa sarili niyang opisina. It's embarrassing whenever I remember what happened last night, at mas nakakahiya ding isipin na sabay kaming natulog dun sa couch. Did she lay atop of me? Aish! Nakakahiya talaga!
I woke up this morning on the couch at nakabihis na siya ng uniporme niya nang makita ko. Students in this university have to wear their uniforms every Monday for the sake of formality, pero kapag hindi naman Monday ay bahala na sila sa susuotin nila. But SGC Officers are needed to wear uniforms all the time.
Habang naglalakad ako at kumakain ay may biglang tumawag sa pangalan ko. Tumalikod ako at nakita ang nakangiting si Tomiha papunta sa direksyon ko. I smiled back at her at sabay kaming naglakad-lakad.
"Gusto mo?" Tanong ko sabay alok ng hawak kong hotdog stick na kalahati palang ang nakain ko dahil sa init. Tumingin muna siya sa akin bago tinabi ang buhok niya at binaba ang ulo para makakagat.
"Hmm sarap." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Iniwan mo ang bar ah." Usually kasi nandoon lang tumatambay si Tomiha kung walang ginagawa.
"Nandoon naman ang iba, sila na bahala 'dun."
"Sa bagay. Nandito ka din ba kahapon?"
"No. Marami akong ginagawa." Napakunot ang noo niya. "What about you? Balita ko sa tatlo hindi ka daw nila makita."
"Ah nandito naman ako ah. Sila nga ang hindi ko makita." Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang isang booth na may nakasulat na Escape Room. "Laro tayo ng ganoon, Tom."
Sabay hila sa kaniya palapit dito. Mahaba ang pila pero hindi nagtagal ay nakakuha narin kami ng ticket sa wakas. May tatlong level ang Escape Room nila kung saan iga-guide kami ng isang student. Pinili namin ang hard level kung saan hindi ka talaga makaka-escape kung hindi mo masulusyunan ang mga puzzles, no surrender type ang level na ito.
"You have two hours as a time limit. May isang treasure box po sa loob na makikita niyo kung makompleto niyo ang mga puzzles. Well, goodluck po." Sabi ng babae at pinasok na kami sa isang madilim na classroom.
Sa pagkakaalam ko ay MedTech Department ang building na ito kung saan ginagamit bilang escape rooms ang mga classrooms. Bawat department kasi ay iba iba ang mga themes. Hindi ko lang alam kung ano ang sa aming mga business students. Hindi pa kasi ako nakapunta 'dun.
Madilim nga ang classroom pero may isang lightbulb naman sa ibabaw, 'yun lang nga hindi naman masyadong maliwanag. May isang digital clock din sa ibabaw ng cabinet kung saan nakabilang ang time namin. I tried opening the door kung saan kami pumasok, pero hindi ito gumagana.
Sa sobrang sarado ng lugar ay kung walang airconditioner tiyak na hindi na kami makakahinga. Binuksan ko ang mga drawers at sa bawat drawer ay may iba't ibang gamit tulad ng flashlight, screwdriver, at kung ano ano pa. Lumingon ako at nakita si Tom na pumatong sa isang silya para abutin ang lightbulb.
"May papel sa loob, kaya medyo madilim ang ilaw." Paliwanag nito. Dumilim ang paligid nang makuha niya na ito, pero lumiwanag din naman ulit nang maibalik niya ito.
"Ano ang nakasulat?"
"Weird, pero walang nakasulat. Must be one of those invisible letters o wala lang talaga."
YOU ARE READING
All Over You (GxG)
Novela JuvenilA girl who's engaged to another who she can't get along with. The second one who's deadly in love with a girl who's only ever cold to her. A star volleyball player who is scared to commit to a nerdy girl who likes her. And the last one who has been...