Yung Dingding

1K 9 2
                                    


Nakatingin ako sa dingding na napapagitan sa property namin at sa property ng kapitbahay, bakit ba kasi may dingding na pinatayo si papa para tuloy kaming preso ang pangit pa ng pagkagawa wala pang pintura "ate bili ka daw ng pineapple chunks sa store hahalo daw ni mama sa adobo" sabi ng kapatid kong bunso na masmatangkad pa sakin, humarap ako sakanya eh pano naman hindi siya tatangkad athelete! ako taga ubos lang ng pagkain "ilan daw" tanong ko sakanya nag abot siya ng 50 sabay sabi lahat daw, yes may sukli puwede bumili ng kendi or chichirya. Iniisip niyo siguro ma shoba ako hindi po ako mashoba payatot ako mabilis metabolism ko kaya hindi ako shumushoba (sana all d ba) may pagka sira ulo din minsan, minsan naman may mood swings kadalasan din anti social. Anyway naglalakad ako nun papuntang store may kaunting anxiety kasi putang ina i hate every one here, friends lahat ni mama at papa kaya d maiwasan na kausapin ako pero tae ayoko sila kausapin hindi naman sa walang galang at respeto ayoko lang talaga ng tao. "ate pabili po ng pineapple chunks" sabi ko sa tindera syempre na mukaan niya ako "ooo ikaw pala musta na nanay mo" tanong ng tindera, bat niya ako tinatanong ng ganong tanong magkapitbahay lang naman kami "okay lang naman po" balimbing kong sagot may pangiti ngiti pa ako nalalaman, ang daming sinasabi ng tindera hindi pa niya inaabot yung pineapple chunks at sukli ako naman oo lang ng oo hindi na ako nakikinig hangang sa may pumukaw sakin "ate pabili ng marlboro yung black" sabi ng babae, naka choker siya black combat boots leather jacket tattered jeans tapos old school na shirt naka sulat grease, naka eyeliner tapos itim na lipstick "sandali lang iha may nauna sayo" sabi ng tindera "ahy okay lang ho kahit mauna na po siya" sabi ko sa tindera, muka ako tanga nun kasi sinabi ko yun sa tindera na nakaharap sa babae na nakangiti, nginitian niya naman ako pero yung pilit na awkward, inabot ng tindera yung pineapple chunks at sukli ko hindi niya pina una si ate "first come first serve" sabi ng tindera sakin nag thank you nalang ako at umalis, eish tatanonging ko pa sana kung sino yun hindi pa ako naka bili ng kendi ko o kaya naman chips binilang ko nalang yung sukli habang naglalakad pa uwi. Habang binubuksan ko yung gate papasok ng bahay napansin ko yung kapitbahay namin na pumapasok din sa bahay nila yung babae kanina sa tindahan, nakita niya ata na napatingin ako sakanya kaya tumingin din siya sakin, nagkatitigan kami para bang staring contest syempre ako na ulol nilabas ko dila ko sabay laki ng butas ng ilong tapos dahan dahan na pumasok sa loob ng gate, wag niyo nang tanongin bakit ko ginawa yun hindi ko din alam minsan talaga may sira ako sa ulo.

"ma sino pala yung bagong kapit bahay?" tanong ko sa nanay ko habang inaabot yung kanin "bakit? Type mo?" sagot naman ni papa "hmmm?! hindi ah ano lang kasi ang sungit ng tindera sakanya kanina"
"ahhh akala ko type mo, hindi kayo bagay masyadong emo" sabi ni papa sabay lamon ng kanin
"hay nako talaga to, wag kang makinig jan sa tatay mo love who you love anak basta mahal na mahal ka namin and we got your back" sambit naman ni mama, ang dami nilang sinabi wala naman connect tanong ko
Ngumiti nalang ako at tinanong ulit "so sino po yung bagong kapitbahay"
"galing America dati na sila jan pina upa lang nila yung bahay sila talaga yung may ari ng bahay na yan" sabi ni papa "ano kasi yan" sabi pa ni papa na ngumunguya "sila yung may ari ng lupa ng boung barangay dati yung pamilya nila pinamigay ng great grandfather nila yung lupa sa mga tao na gusto tumira dito sabi ipatitulo nila wala naman daw kasi siyang pagmamanahan iisa lang naman daw anak niya at hindi lang naman toh ang lupa nila kaya ipamigay nalang" tinanong ko lang naman bat  boung buhay naman na ng kapitbahay kwinento ni papa "yun may tumira isa na yung pamilya natin kasi yung lolo mo kumuha din, yun namatay si Mr Gomez yung nag donate ng lupa after a year namatay si Mrs Gomez, yung anak nila na iisa nag america dun nadin nagka pamilya"
"pero bat po sila lumipat dito?" tanong ko ulit
"ewan madami daw problema sa america" sagot lang ni papa habang ngumunguya.
American Girl pala tong si ate infairness hindi halata boses niya pinoy na pinoy pati din itsura pinoy maputi ngalang.

Lunes nanaman kailangan nanamang bumangon ng umaga at maligo kumain ng almusal mag toothbrush at pumila sa jeep pumuntang skwelahan at mamatay sa boredom syempre hindi papayag si life na maganda ang simula ng araw ko ang unang bungad sakin walang shampoo, pag walang shampoo bibili at pag bibili lalabas at pupuntang store 'haaay punyeta' buti nalang hindi pa ako nakahubad pero yung buhok ko naman buhaghag, lumabas ako ng bahay na buhaghag ang buhok wala na akong pake kung sino makakita tang ina nilang lahat "ate pabili ako shampoo" sabi ko kay ateng tindera "excuse me na una ako" sabi ng babae sa gilid ko lumingon ako para titigan siya at para makita niya na buhaghag buhok ko "bat ka kasi umalis dapat kung na una ka hindi ka dapat umaalis laging may naka abang may  darating at minsan mas worth it pa sila kesa sayo" joke d ko sinabi yan ang sabi ko "ahhh sorry" sabay bow, oh diba putang inang confidence yan "sige ma una ka na" sabi ni ate, si ate na kapitbahay na may hawak na yosi, ang aga aga nag yoyosi "ang aga aga nag yoyosi" sabi ng bunganga ko, may sariling utak bunganga ko "hmmm?" sambit ni ateng kapitbahay, barilin niyo na ako dali! "ate pabili po shampoo!! " sigaw ko sa tindera para maka alis na ako kasi potek ang awkward na, kinuha ko yung shampoo at nagbayad na nagmamadali 'ayaw ko na ng kausap ilibing niyo nalang ako' "oy!" halla ayan na aawayin niya na ako "hoy wait!" sigaw ni ateng kapitbahay dahan dahan ako lumingon "ay bakit ho?" tanong ko "sukli mo nakalimutan mo" sabi niya tinitigan ko kamay niya na hawak yung sukli ko medjo malayo siya sakin at ako malapit na sa gate namin, tinitigan ko yung kamay niya tapos muka niya pabalik ng kamay niya tapos muka ulit "sayo nalang late na ako" sabi ko na pilit ang ngiti sabay pasok sa loob at linock ko yung gate. "Dawn 7 na malalate ka na dalian mo!" sigaw ng nanay ko galing kusina "opo ma ito na!" kinuha ko bag ko sa kuwarto at nagmamadaling naglagay ng sapatos "alis na ako!" sigaw ko kay mama. Lumabas na ako ng gate maglalakad na sana ako papuntang paradahan ng marinig ko may nag ho hoy tumingin ako sa kanan si ateng kapitbahay "bakit po?" tanong ko sakanya "sabay ka na sakin" sabi niya, uuughh bakiiiiit nananahimik ako dito eh "ahh okay lang ate medjo ma aga pa naman mag jejeep nalang ako" sabi ko na nakangiti at nagbabow "sure ka? Mahaba pila baka malate ka" sabi niya sakin, minsan napapatanong ako kay lord ano kasalanan ko, timignan ko relo ko malalate nga ako pero walang bago dun mas nakaka pani bago yung ma aga akong dumating sa klase "okay lang po" sabi ko kay ateng kapitbahay sabay lakad ng papalayo "sungit mo" narinig kong sabi niya, napatigil ako ng lakad lilingon na sana ako pero na realize ko wala pala akong pake kaya naglakad nalang ako papalayo.

Marlboro NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon