Itago Pag Hindi Kailangan.

272 2 0
                                    

"Goodmorning" bati ni brook sakin habang umiinom ng tsaa at naninigarilyo, walang nalutong almusal may cereal lang at fresh milk, kanong breakfast
"ehhh ang usok" sabi ko habang pinapaypay yung usok na malayo naman sakin
"sorry" sabi niya sabay patay ng sigarilyo
"kain ka, may ibang cereal pa jan kung ayaw mo ng frootloops" turo niya sa may cupboard. Cereal pang breakfast? Meryenda to samin eh
"wala kang puwedeng lutuin jan?" Tanong ko sakanya
"wala eh wala din naman kakain"
"so cereal lang kinakain mo pag umaga?"
"minsan, minsan hindi na ako kumakain minsan jollibee or mcdo" sagot niya sakin na nakangiti
Hindi ako kakain ng meryenda umaga ngayon almusal kakainin ko!
"tara punta tayo sa bahay" sabi ko kay brook habang nilalagay sweater ko, tinignan niya lang ako na parang wag na nalang
"bakit?" tanong ko sakanya
"ang awkward kagabi eh kung ayaw mo yung breakfast kain nalang tayo sa labas" sagot niya sakin
"ha? Pano naging awkward?"

Flashback

"kain ka lang ha" sabi ni mama kay brook habang si brook naman subo ng subo, nagtinginan si mama at papa tapos tinignan din nila ako 'bat ako? Bat parang kasalanan ko?!'
"ilang linggo ka na ba hindi kumakain iha?" sabi ni papa siniko agad siya ni mama sabay laki ng mata
"sige lang brook kain ka lang madami pang ulam" sabi lang ni mama na nakingiti
"sorry po tita ang sarap po kasi ng bistek niyo" sagot ni brook, syempre ako kakain din ako sinabayan ko pa siya favorite ko kaya to
"uy dawn hinay hinay jusko" sabi ni mama sakin
"bagay sila" bulong ng kapatid ko sa tatay ko, si papa naman umoo.
"ang sarap po ng handa niyo" sabi ni brook na nakangiti si mama naman abot langit yung ngiti niya
"thank you, mahilig lang talaga ako magluto kung gusto turuan din kita magluto ng bistek" sagot ni mama
"opo sige po, ah siya nga po pala puwede po mag overnight si Dawn sa bahay wala po kasi akong kasama malungkot po pala mag isa" sabi ni brook
Ang galing mang guilt trip bigyan ng jacket yan!
"oo naman kung gusto mo jan na siya tumira eh" sagot ni papa siniko ulit siya ni mama
"oo syempre mag ingat lang kayo at kung may problema katok lang kayo dito" sabi ni mama, parang naramdaman kong lumaki yung mata ko ng sobra pati pandinig ko naging claro
"ho?" tanong ko kay mama
"anak bente ka na magkaroon ka naman ng social life" sagot niya sakin naka ngiti lang, si brook amaze na amaze sa nangyayare sa super amaze niya na tabig niya yung plato na malapit ng mahulog *basag sound effect* lahat tumahimik
"halla sorry tita" sabi ni brook habang pinupulot yung mga bubug si mama naman huminga ng malalim sabay sabi
"okay lang brook sige na kami na jan" tumayo si mama at ako at si papa at si lian para linisan yung bubug sa sahig, fyi mahal na mahal ni mama mga plato niyang babasagin pati tapperware at teflon mas mahal niya pa yun kesa sa samin, akala ko hindi na ako papayaga kasi may nabasag 'yees okay lang naman' sabi lang ni mama
"yan wala na muna mag papaa baka may mga bubug pa sa sahig ma una na din kayo at gabing gabi na" nakangiti lang si mama na parang hindi siya nawalan ng isang plato ng corelle
"pasensya na po talaga" sabi ni brook kay mama habang inaantay niya ako sa sala
"papalitan ko yun promise po" dagdag pa niya
"okay lang yun anak hindi naman maiiwasan luma na din yun" sagot ni mama
Ganyan siya pag bisita naka basag pagkami isang lingo kami mag huhugas at maglilinis ng bahay para lang ma compensate yung basag na plato
"ano tara?" tanong ko kay brook, bag lang na parang walang laman dala ko matutulog lang naman kami dun tapos bukas ng umaga balik ako agad dito
"tara" sagot ni brook sakin
"salamat po sa dinner at sorry po ulit sa plato na nabasag ko" sabi ni brook.

End of flashback

"sino ba kasi nagsabi basagin mo yung plato" sagot ko kay brook
"it was an accident hindi ko nakita, sige na please kain nalang tayon jabi" sabi niya sakin nagmamakaawa
"sige na nga, tigil mo na din yan muka kang aso"
"atleast cute na aso" sagot niya
"bibihis pa ba ako?" tanong ko sakanya
"wag na ganito na din ako" sagot niya sakin nakangiti.

Marlboro NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon