Naniniwala ako na ang pinaka masakit na pag ibig eh galing sa pinaka masaya, pinaka masarap, at pinaka malayang pag ibig. Pinaka sa lahat ng pinaka, a love that is so great can end in the most tragic way. Wala pa akong pinaka pero nagmahal ako, nagmahal ako pero hindi lahat binigay ko nagmahal ako pero binigay ko lang yung sapat walang sobra, kaya niya ako iniwan because i didn't do much effort sabi nga nila wait ano ba sabi nila? Ewan ko nakalimutan ko na anyway.
Takot, yun yung nararamdaman ko takot kasi baka ito na yun ito na yung pinaka, baka ito na yung i aangat ako pataas at babalibagin ako ng malakas sa sahig ng pa ulit ulit, kaya ayaw ko ayaw kong maramdaman yung pinaka ayokong mabalibag.
*new message*Brook: gusto ko ng gimari sa may assumption 😪
Ayoko, ayoko ng kausap kagagaling ko lang ng school pagod ako gusto ko lang matulog, dumiretso na akong kuwarto nakita ni mama itsura ko kaya hinayaan niya lang ako, nilapag ko agad libro at bag ko sa sahig at natulog wala ako pake kung anong oras na babawi ako ng tulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising ako sa tunog ng phone ko
*incoming call from brook*
'haay shet ito nanaman'D: natutulog ako
B: ahhh ganon ba andito kasi ako sa labas ng bahay niyo kagagaling ko lang byahe pabukas naman.
Bigla akong nagising at napatayo, bakit naman!? parang wala siyang bahay jusko!
D: brook may bahay ka ang laki ng bahay mo uwi ka dun
B: sungit mo naman, ayaw ko umuwi dun mag isa ko lang ayokong na mag isa.
Gusto ko humindi gusto kong sabihin 'brook matanda ka na at clingy mo bigyan mo naman ako ng space' pero hindi, hindi ko masabi ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko actually hindi na ako nagsalita lumabas nalang ako binuksan yung gate nakitingin sakanya yung phone hawak ko sa may tenga siya din yung phone niya hawak niya sa may tenga tapos ayun nanaman yung ngiti, yung ngiti na halos abot langit yung ngiti na laging akong nawawala yung nakakainis na ngiti
"hindi mo ba ako papapasukin?" tanong niya"may choice ba ako" sagot ko sakanya
Tatanungin ko sana kung gusto niyang kumain pero dumiretso siya sa kuwarto ko linapag yung bag sa sahig tinangal yung jacket at sapatos niya at humiga sa kama
"hindi ka ba gutom?" tanong ko sakanya
"kumain na ako" sagot niya sakin
"tulog na tayo" dagdag niya
I just nodded my head, humiga sa tabi niya kunyari hindi ako kinakabahan kunyari wala lang yung lahat, yung dito siya dumiretso yung ako yung una niyang na isip nung umuwi siya sa baguio, kunyari wala ako pake kunyare normal yun kasi friends walang halong malisya, humarap siya sakin at niyakap ako ilang segundo nakalipas narinig ko siyang humilik hindi na ako gumalaw naka tingin lang ako sa ceiling nagbabakasali na tagalin niya yung mabigat niyang kamay. Nakatulog ba ako kagabi? Hindi, inalis niya din naman kamay niya nakagalaw naman ako pero hindi parin ako nakatulog.
"oh dawn ang aga mo naman nagising" sabi ni mama habang ako gumagawa ng kape
"6 na kaya late na yun" sagot ko sakanya habang humihigop ng kape
"wala ka namang pasok ngayon"
"meron po, half day lang orientation lang mamayang nine to 12 tapos resume yung class ng 1:30"
BINABASA MO ANG
Marlboro Nights
Lãng mạnHindi ito typical love story, yung tipong boys meets girl girl falls inlove with boy boy falls inlove with girl tapos may ups and downs and after all that in the end magkakatuluyan sila, well not this story first off babae ako babae na may gusto sa...