May nagtanong sakin dati ano daw pinagkaiba pag nagmahal ka ng same sex, na alala ko pa sagot ko sabi ko sa taong yun wala, wala naman kasi talaga hindi man ako nagkaroon ng jowang lalake pero para sakin walang pingagkaiba, basta pag nagmamahalan kayo hindi na mahalaga sinasabi ng ibang tao. Na alala ko din yung sunod na tanong 'pano yung mga bata gagayahin nila yan' hindi ba mas magandang turuan sila ng ma aga, ipa intindi ano naman masama pag gagayahin nila? Ang importante wala silang inaapakan na tao at magdadasal parin kay lord. Hindi ko alam bakit na isip ko tong mga to, minsan sumasagi lang sa isip ko nalulunod sa sobrang lalim. Sinindihan ko yung kandilang nilapag ko sa puntod ni casey.
"happy birthday case, december na naman makapal na sweater weather na naman miss na kita sana okay ka jan sa impyerno charot alam ko naman nasa taas ka kahit na alam mo maypagka demonyo ka anyway i miss you"
Hindi ko mapigilang lumuha, napaka tagal na panahon pero napakasakit, nawalan ako ng kapatid kasi yun siya para sakin kapatid, minsan humihiling ako sa langit kay God na kung puwede isang bisita lang kahit isa lang kasi alaala lang bumibisita sakin walang yakap wala kumustahan mga alaala lang, ang hirap mawalan nakaka baliw."hello po kuya casey" sambit ni brook, nakalimutan ko kasama ko pala siyang bumisita
"sana po okay lang sa inyo na ligawan ko si Dawn, i may not be the best but i will try to be the best for her" napatingin ako kay Brook, gulat sa mga sinabi niya at kilig dahil sweet
"corny mo, yun din sasabihin niyan sayo pag buhay yan..... Ang corny ang corny corny.."
"parang hindi na yata bahala ka nga jan"
"luh biro lang, pero seryuso yun yung sasabihin niya sayo corny"
"hindi siguro sweet lahat ng nanligaw sayo kaya ka ganyan, pakipot ka pa alam ko naman kinikilig ka... Yieeeee"
"hindi ako nililigawan ako yung nanliligaw, ako yung nagpapa alam"
"ahhh so im the first?"
"yup, pero parang hindi kasi patas i find it unfair na isang tao lang nag effort, isang tao lang gumagawa ng lahat makuha lang matamis na oo, dapat dalawa sila nagliligawan"
"huh? D ba yung unang umamin siya manliligaw? Ang weird naman may umamin sayo pero niligawan mo"
"oh pero yung umamin ba gusto mo? Kasi d ba kung hindi sasabihin mo sa umamin sayo ayaw mo sakanya pag gusto mo naman eh di magligawan kayo,pakita mo din na sincere and pure yung intentions mo, basta ganun"
"soooo you're suggesting na magligawan tayo?"
"bat pa tayo magliligawan eh gusto naman na natin isat isa?"
"ha? Ang gulo mo, sabi mo sa explanations mo na para hindi unfair magligawan yung magkagusto ngayon naman hindi na magliligawan kasi gusto na pala isa't isa"
"ewan ko din, pero kasi wala akong time manligaw"
Dahan dahan akong lumapit sa tabi niya at tumingin sa kanyang mata"hindi din ako makapag isip ng ma ayos pag ganyang usapan"
Hinawakan ko pisngi niya habang siya naman dahan dahan ngumingiti"hindi ako sanay hindi din ako sweet sa pananalita ko, pero kaya kong iparamdam sayo na nandito ako at minamahal kita"
Hinila ko yung kwelyo ng t shirt niya pababa at hinalikan mga labi niya, katulad din ng unang halik namin nawala uli ako sa labi niya, hindi lang pala mata niya ang nakaka ligaw. Binitawan ko kwelyo ni Brook, dahan dahan ako naglakad pabalik sa puntod ni casey na hindi naman kalayuan"atsaka hindi naman ako dapat mong ligawan eh, sina mama at papa dapat"
Si Brook na hangang hanga si ginawa ko ay biglang lumaki mga mata at tumingin sakin"i'll try my best to earn their yes"
"wow napaka confident"
"naman mahal ako ng pamilya mo"
"true"
"isang kiss pa nga keneleg ako dun hehehe... Joke"
Kaka uwi lang namin galing sa puntod ni Casey, medjo pagod kasi may mga errands na ginawa tulad ng grocery at bills, naglakad din pababa at pa akyat ng session kahit na ma init yung panahon, nagpapahinga kami ni Brook sa couch ng bigla niyang sinabi
" babe"
Hindi naman sa ayoko pero ang weird kasi ng tunog na babe, ayaw na ayaw ko natatawag ng ganun"babe?"
"ayaw mo? Gusto mo baby?"
"Baby? Muka ba akong naka diaper at naka pacifier?"
"cute kaya yung baby, kasi baby kita"
"okay first of Brook hindi mo ako baby hindi ako galing sayo, second baby ako ng nanay at 3rd ayoko ng baby kasi...."
"kasi ano?"
"ughh kasi baby din tawag sakin ng ex ko"
"so?"
"para kasing pa ulit na endearment, gusto ko iba kasi iba ka hindi ka katulad niya"
Nakita kong pumula pisngi ni brook naka ngiting abot langit"hmmm okay, may suggestions ka?"
"meron... My love"
"M-my love? Parang napaka redundant naman ata my na nga tapos love pa"
"hindi din i mean you're my love, My Love gets?"
"geh na nga My love na... Cute din naman"
Bulong niya"ano yun?"
"sabi ko cute tulad mo"
"awww thank you, mag rereview na ako behave ka"
Tatayo na sana ako nung bigla niya akong hinila"teka may tatanungin lang sana ako"
"nako brook pag nagclog yung toilet bowl kuha tingting tapos tusuktusukin mo yung poop"
"hindi yun grabeh ah isang beses lang nangyari yun"
Nakapout niyang sinabi, ang cute cute niya din sarap ch-----"uy biro lang"
Sabi ko sakanya nakayap sa balikat niya ganun pa din muka niya kahit higpitan ko pa yung yakap kaya hinila ko nalang muka siya sa muka ko ang mga dulo ng ilong namin naka dikit na ng konti, nakatingin siya sa mata ko at ako sakanya, nararamdaman ko tibok ng puso ko pero ang utak ko naman"muka kang aso"
Gago. Akala ko magagalit si Brook sasinabi tumawa lang siya ng tumawa"atleast cute"
"naman, hindi ka na galit"
"hindi na, anyway tatanong ko sana pano manligaw ng parents"
Sa dinami dami ng tanong yun pa.

BINABASA MO ANG
Marlboro Nights
RomantikHindi ito typical love story, yung tipong boys meets girl girl falls inlove with boy boy falls inlove with girl tapos may ups and downs and after all that in the end magkakatuluyan sila, well not this story first off babae ako babae na may gusto sa...