Love is not easy, ang hirap mag mahal ng hindi handa hindi siya kasing dali ng pag aaral, kasi unlike sa pag aaral sapat na yung binigay mo yung best mo yung alam mong best mo, na kahit kulang gamit mo basta consistent ka at determinado papasa ka, sa pag ibig hindi, kasi laging may kulang may loopholes, may mga butas, hindi sapat consistent hindi sapat pagiging determinado kasi ang feelings laging nag babago, pano ba magmahal ng hindi ka nasasaktan pano ba sumabak sa pag ibig na alam mong handa ka. Hindi pa ako handa pero tumalon parin ako, isang linggo lumipas nung sinabi ko nararamdaman ko, nung sinabi niya liligawan niya parents ko tas bigla siyang nawala ng isang linggo ngayon andito siya sa harap ko sa labas ng gate namin hindi sigurado kung ano sasabihin nag aalangin kung anong gagawin
"hi"
Pano nga uli kumausap ng tao, ano ba dapat sasabihin ko pag narinig ko yung hi lalo na't galing sakanya
'oh ikaw pala'
O
'hi? Gago ka ba alam mo pa asa ka eh'
O
'sino po kayo?'
Tinitigan ko siya ng matagal, isang linggo tapos andito siya sa harap ko?!"hmmm"
Yun lang lumabas sa bibig ko, hindi ko kasi talaga alam, ayaw kong magalit ako pero may galit ako gusto ko siyang yakapin pero bakit? ano ba kami?"okay ka lang? Isang linggo kang walang paramdam nag aalala sina mama"
"im sorry"
Sagot niya"hmmm wag ka sakin mag sorry kay mama ka mag sorry grabe alala niya sayo"
Nakatingin lang siya sa sahig at ako naman naka tayo lang, ang awkward gusto ko lumipad at lumayo gusto ko din kumain ng isaw
"pasok tayo sa loob kape tayo"
Tumango lang si brook at umoo, nung nakita ni mama si brook natuwa siya pati din si papa pati din si lian, bumalik din ang ikatlong anak nila (joke)
"ate Brook" sigaw ni lian sabay yakap, 'luh kailan pa sila naging close?'
Si papa naman tinapik lang balikat niya, niyakap niya din ng mahigpit
Si mama hinawakan niya muka ni brook sabay sabi
"ikaw pag may problema wag ikaw lang ha? Andito kami alam ko may pinsan ka dito pero meron din kami na puwede mong takbuhan"
Nakita kong pinunasan ni mama luha ni brook
"opo" sagot niya kay mama"alis din kaya ako ng isang linggo"
Biro kong sinabi"sige! Ta benta ko lahat ng gamit mo!"
Sigaw ni papa sakin, natawa nalang ako sa reaction niya pati din si mama gusto akong sikuhin.
Sa bahay na nag dinner si brook, kaming dalawa na din yung nag hugas hindi kami nag uusap hindi gaano nag papansinan."kumusta yung bahay?"
Tanong niya sakin"okay lang I check the house every now and then bebenta ko na nga sana pero hindi ko mahanap yung mga papeles"
Ngumiti siya sabay hinga ng mamalim"can i sleep here tonight?"
Napahinga ako ng mamalim sa tanong niya"oo naman dito ka na sa kuwarto sa sala na ako matutulog"
"sa sala nalang ako since im a visitor"
"okay lang, pag pinatulog kita sa sala magagalit si mama dito ka na sa kuwarto mas maluwang ma aga din ako bukas"
Tumayo na ako at unti unti kinuha mga gamit ko nung bigla nagsalita si brook

BINABASA MO ANG
Marlboro Nights
RomanceHindi ito typical love story, yung tipong boys meets girl girl falls inlove with boy boy falls inlove with girl tapos may ups and downs and after all that in the end magkakatuluyan sila, well not this story first off babae ako babae na may gusto sa...