Sa wakas sabado na naman makapaglaba ako ng damit lilinis ng kuwarto tutulungan si mama mag luto.... charot lang gigising lang ako para mag tooth brush iinom ng tubig kakain ng almusal tapos balik ulit sa kama, ganun routine ko kapag sabado, okay lang naman kayna mama kasi alam naman nila na linggo ako gumagalaw at bumabawi lang naman ako ng tulog kasi boung week ako nagpuyat "goodmorning ate" bati ng kapatid ko sakin "may training kayo?" tanong ko sakanya "yaas" sagot niya saking nag yayawn "mga 5 na din siguro ako uuwi papa tension ko pa racket ko"
"mmm k galingan mo sa training" sabi ko lang sakanya habang tinignan yung ulam kung masarap ba o mamaya nalang ako kakain pag gutom na
"tao po! " may kumatok at sumisigaw sa gate
"sino yun ang aga aga nambubulabog" tanong ko sa kapatid ko
"ate 9 na late na" sagot niya sakin
"ikaw na magcheck tutal pa alis ka naman na tutulog uli ako" sabi ko sa kapatid ko habang nag ninja moves ako papuntang kuwarto
Mamaya maya sumisigaw kapatid ko
"ate!..... ATE!!!! MAY BISITA KA!!!"
Sino naman bibisita sakin sabado na sabado, pag labas ko ng kuwarto nakita ko si brook
"oh bat ka nandito?" tanong ko sakanya
"hi" sagot niya sakin naka ngiti
"puwede mo ba ako tulungan maglinis ng bahay? wala kasi akong katulung mag isa ko rin jan sa bahay"
"wala ka bang friends? " sabi ko sakanya pabiro
"ah ha ha ha kakatawa, wala hindi naman kasi ako taga dito busy din si Rod yung pinsan ko sige na babayaran naman kita eh"
"wow bayaran nalang tingin mo sakin" sagot ko sakanya naka taas ang kilay
"hindiii ehh sige na pleeeasee" sabi niya naka pout
'bakit lord? Gusto ko lang naman matulog bakit?!'
"sige oo na bihis lang ako" sagot ko kay brook
Ngumiti lang siya at nag nod, sinasabi ko na kung hindi lang talaga ako mabait mmm alam na dis."Welcome to my house" sabi ni brook na walang ka enthusiasm
"ganda ah" sagot ko lang sakanya, syempre chill lang yung pagkasabi ko para hindi halatang hampas lupa
"ehh okay na din" sabi niya sakin
Maganda naman talaga kung ka close ko siguro si brook kahapon pa ako andito, 2 floors yung bahay tapos wood panel pa yung dingding tiles pa yung sahig may chandelier sa may sala dalawa pa yung sala pati yung kusina, dalawa din yung kalan may garahe at laundry area samin nilalabas lang namin yung washing machine pag maglalaba tinatago namin sa may banyo pag hindi ginagamit kaya masikip yung banyo, may basement at 5 na kuwartong kanya kanya ng cr "ito yung kuwarto ko ito kasi pinaka maluwang, andito siya sa baba para hindi na ako akyat baba akyat baba" paliwanag ni brook
"aahhh, mag isa mo lang dito?" tanong ko, ngumiti siya sabay sabi
"yep, mana ko" sabi ni brook
"wait mana?!" gulat kong patanong
Napakamot siya ng ulo sabay sabi
"oo"
"so sayo to? Itong boung bahay?!" sigaw kong patanong nawala na yung chill self ko
"oo nga, mana sakin ng lolo ko" sabi niya na tatawa
"akala ko kasama mo stepmom mo o kaya naman family house"
"hmm!? Hindi, hindi mabahay yun ma condo yun atsaka tagal ko na din gustong alagaan tong bahay na to"
"kaya ka nasa baguio para mag alaga ng bahay?" tanong ko sakanya
"parang ganun, nag wowork din ako sa UB para hindi mabagot" sagot niya sakin
"tae mayaman ka na nawowork ka parin"
"hindi ako mayaman may kaya lang" sagot ni brook
"huh ganun din yun" sabi ko habang pinag mamasdan yung magandang divider
"anyway dito yung mga panglinis may mop walis brush vaccum mga punas at other stuff"
"san ako magsisimula?" tanong ko sakanya
"sa sala ako sa kabilang sala ikaw sa may kabila yung may fireplace tag isa tayo ng vaccum at pang punas" binigay niya yung punas at napaka bigat na vaccuum
"puta san to gawa ang bigat" sabi ko sakanya
"may wheels naman kasi yan hinihila yan hindi binubuhat" sabi niya with poker face
"pa buhat mo naman kasi binigay malay ko bang hinihila pala" depensa ko
"papalusot ka pa" sabi niya naman na naka smirk
"uwi na ako" pabiro kong sinabi hinablot niya naman kamay ko sabay sabi
"halla joke lang"
Nialabas ko lang dila ko sabay hila sa vaccum.Natapos na namin yung sala at kusina dalawang kuwarto nalang at tapos na kami umabot kami ng hapon hindi na din kami naglunch, sa super pagod ko isa lang masasabi ko andaming carpet halos lahat ng kuwarto may karpet kulang nalang pati kusina may carpet kanina pa ako nag vavaccum. Natapos din kami sa wakas pero 6 na at nagmemerienda kami imbes na dinner.
"mag isa mo lang naman dito bat kailangan mo pa linisan" tanong ko kay brook
"ayoko kasi ng ma alikabok at kung minsan pag hindi malinis yung bahay minumulto ako ni lolo" sagot niya sakin, naglabas siya ng isang stick ng yosi sabay sindi, inoobserve ko siya pano mag yosi
"take a picture it will last longer" sabi niya nakangiti
Napakunot lang ako ng nou
"baka naman minumulto ka kasi ma bisyo ka" sagot ko kay brook habang umiinon ng soft drink
"maybe" sabi niya sabay buga ng usok
"bat ka nakangiti?" tanong niya sakin
"muka kang tambutso" sagot ko
Tumawa lang siya "itry mo kaya" sabi ni yan sakin
"no thank you kung gusto kong mamatay ng ma aga i'll slit my throat hindi ganyan" tumawa siya sa sinabi ko
"hindi naman ako naninigarilyo para mamatay ng ma aga tho yun yung mangyayari kung hindi ako titigil, i smoke to let out the stress thats eating me inside parang safe haven ko kumbaga" sabi niya sakin naglabas uli siya ng usok
"you can't smoke it all away" sagot ko sakanya
"yeah true, but you cant keep them all inside"
"there are other ways to let out stress not just smoking" sabi ko with confidence, nag eenglish na kami lord help, napahinga si brook ng malalim tinignan niya ako ng seryuso
"minsan kasi kulang yun, minsan kasi hindi sapat iba parin talaga ang yosi" sabi niya unti unting bumabalik yung ngiti niya, natahimik tuloy ako na parang nawala sa mata niya 'gago to tusukin ko mata mo eh' "sige na panalo ka na" sagot ko sakanya tumawa lang si brook "ano price ko?" tanong niya
"malay ko"
"ganto nalang mag overnight ka dito"
"gago ka ba hindi ako papayagan nina mama kahit kapitbahay ka namin" sabi ko
" eh di ipaalam kita"
"bahala ka pero sinasabi ko sayo hindi ako papayagan"."ma! Pa!" sigaw ko galing sala naglakad kami ni brook papuntang kusina ng makita ko si mama at papa
"ohh bat-" tumigil si papa ng makita niya ang aking kasama
"hello po" mahiyang sabi ni brook
"halika iha ma upo ka kain tayo" sabi naman ni mama
"okay lang po mrs. Ocampo kakakain lang po namin kanina" sagot ni brook, lumaki yung mata ng kapatid ko "nagkainan kayo?!" sabi niya
Napatahimik si brook at namula mga pisngi niya si papa naman tinitigan yung kapatid ko ng masama
"hindi nagbibiro lang yan si lian halina kayo kumain ulit kayo" sabi ni papa tinuturo yung upuan para umupo kami, tahimik si brook na kumuha ng upuan pula parin mga pisngi niya abot ata hangang tenga, nagtinginan si mama at papa "kumain ka lang wag kang mahiya" sabi ni mama kay brook ng nakangiti, ngumiti naman si brook at nagsandok ng kanin.
BINABASA MO ANG
Marlboro Nights
RomanceHindi ito typical love story, yung tipong boys meets girl girl falls inlove with boy boy falls inlove with girl tapos may ups and downs and after all that in the end magkakatuluyan sila, well not this story first off babae ako babae na may gusto sa...