Naka upo kami ni Brook sa veranda ng bahay niya, ang ginaw pero nakaka relax, puro bahay yung nasa view bahay na pinapalibutan ng mga bundok, tumingin ako kay brook sabay sabi "ang swerte mo naman araw araw mo tong nakikita samin dingding lang" nung tumingin ako sakanya naging cute na aso siya, aso na naka damit, nagulat lang ako 'anyare saan na kasama ko' *riiiing riiiing*, panaginip lang pala putaena.
"Goodmorning" bati ni Brook na nakangiti "oh bat ang grumpy mo?" tanong niya sakin "pano naman ang weweird ng panaginip ko lagi ka nalang andun lagi ka nalang nagiging aso parang tanga lang" syempre hindi ko sinabi yun yung sinabi ko " mmm puyat lang kaka study" napa hmm lang siya sabay higop ng tsaa na "miss ko na kuwarto" sabi ko sabay lapag ng pancake na niluto niya, mag iisang buwan na ako nakatira dito alam nina mama ang sitwasyon ni brook kaya okay lang sakanila na excite pa nga sila eh, pinapaubaya na ata nila ako, may set of rules din na na establish syempre may routine din naman kaming dalawa halimabawa kapag lunes kakain kami sa jabii o foodcourt pag hapon naman kanya kanya ng lunch pag uwian na aantayin niya ako sa may assumption sa harap ng bohemian sabay kami uuwi, ako magluluto siya mag huhugas salitan kami so kumbaga ako sa lunes magluluto siya sa tuesday ako sa wednesday siya sa thursday and so on. Sa weekend naman maglilinis kami ng bahay, maglalaba tapos makikikain kayna mama, kapag friday night movie night nuod ng movie makiki overnight din kapatid ko tapos sa sala kami matutulog, ngayon tuesday pangalawang araw ng linggo pagod na ako. "dun ka naman samin maki overnight lagi nalang ako dito miss ko na si mama" dagdag ko napakamot lang ng ulo si brook "bakit ayaw mo na ba dito" tanong niya "hindi naman sa ayaw miss ko lang talaga kuwarto ko" sagot ko sakanya "bakit hindi ba malambot yung kutson?" tanong niya ulit
"hindi masmalambot pa nga yung kama ko dito, yung kuwarto ko kasi its like my sacred place, parang safe haven" sabi ko sakanya napa nod lang siya ng ulo "puwede naman this weekend tulog ka dun" sabi niya, grabe parang makapag sabi kala mo pag mamay ari niya na ako "kung kaya bumalik nalang ako" sagot ko Sakanya "halla biro lang wag mo akong iwan mag isa dito pleaseeee" sabi niya sakin sith puppy eyes "eh kung tayo nalang kaya matulog sa kabila" sabi ko sakanya unfazed with the puppy eyes "baka hindi pumayag si tita" sagot niya sakin "papayag yun mas peyborit ka niya kesa sakin" sabi ko sakanya "sigeee na at maranasan mo naman matulog samin, wala naman pinagkaiba mas ma ingay lang at medjo mabagal net" dagdag ko, yumoko lang si brook at nag sigh "pag isipan ko" sagot niya "wag pa asa" sabi ko sakanya tumawa lang siya sakin.
Nanghihina ako naglalakad papuntang assumption, nalipasan nanaman ako ng gutom tubig lang ako ng tubig kanina kendi at tubig, kailangan mag review ng review kahit mamatay na ako pa ulit ulit na binabasa lesson at iniintindi, nakita ko kotse ni brook nakaparada sa harap ng bohemian hindi pa siya natatangalan ng plaka bawal pumarada dun, sumakay ako sa kotse pagod na pagod "okay ka lang?" tanong ni brook "mhm pagod lang" sagot ko, napa isip si brook tumingin siya sakin sabay sabi "kain tayo sa labas"
"tinatamad kang magluto nooooh?!" tanong kong pabiro "yes and gusto ko magpizza sa grumpy joe" sagot niya sakin "late na, madaming tao dun for sure"
Tinignan niya ako ng hindi naniniwala "girl i swear taga baguio ako at alam ko laging puno yung pizza place na yun" sabi ko sakanya "but i want pizza" sabi niya na naka pout "stuffed crust pizza" sagot ko "ano?"
"stuffed crust pizza sa pizza hut, its my favorite pizza" sagot ko sakanya "baka madami din tao dun" sabi niya sakin "eh di mag take out" sagot ko sakanya, basta stuffed crust pizza madaming paraan "sa grumpy nalang tayo mag take out"
"stuffed crust pizza"
"ganito nalang take out tayo grumpy tapos take out tayo pizza hut"
Ang yaman mo naman sana all
"ikaw bahala gutom na ako" sagot kay brook na inaantok, nakatuluyan ako kasi mamaya maya may kumakalabit sakin "Dawn *shake* Dawn *shake* naka uwi na tayo" rinig ko yung boses ni brook, nagising nalang ako nakasimangot, nakakunot yung noo ko, tumawa siya nung nakita niya yung muka kong galit, nilagay niya yung thumb niya sa gitna ng eyebrows ko sabay sabi "massage massage massage, yan hindi na siya galit" napangiti nalang ako, gago to ang galing magpakilig. "sarap?" tanong niya sakin "sobraaa thank you so much" sagot ko "mmm ano overnight tayo kayna mama sa friday?" huminga siya ng malalim "yes" sagot niya sakin, natuwa ako sa sobrang tuwa ko hinug ko siya which is nakakagulat kasi sa isang buwan na nakatira ako sa bahay niya high five lang yung most physical na nangyare, "sorry" sagot ko sakanya pero hindi parin ako bumibitaw sa yakap, dahan dahan niya din nilagay yung kamay niya sa likod ko sabay tapik, awkward pero comforting.
Nasa kuwarto ako naka higa nag iisip, antagal na nung nagkaroon ako na close friend, nakalimutan ko na yung feeling ngayon unti unting bumalik. Hindi ako makatulog nun kaya nag review nalang ako ulit 12 pa naman ma aga pa uulitin ko nalang i review yung lesson, lumabas ako ng kuwarto para gumawa ng kape nakita ko si brook naka upo sa may veranda, kinurot ko muna sarili ko baka panaginip na naman ito, masakit yung kurot so hindi panaginip "uy bat gising ka pa?" tanong ko sakanya "hindi ako makatulog" sagot niya sakin "so nag yosi ka sa labas ng veranda ang ginaw ginaw"
"oo minsan kapag hindi makatulog eto ginagawa ko"
"ahhh pano ko nga naman malalaman lagi akong naka kulong sa kuwarto"
Tumawa lang siya sa sinabi ko, ang ganda ng mga ilaw sa mga tahanan parang mga stars, dito na din ata ako mag rereview
"Dawn?"
"hmmm?"
"puwede magtanong?"
"ano yun?"
"pansin ko parang wala ka atang laging kasama aside sa ako"
Akala ko hindi niya mapapansin sadyang hindi talaga ako magaling magtago
"acquaintance lang walang close friend"
"bakit?"
Haaaaay nagtanong siya about that, tanong na ayaw kong naririnig na ayaw kong sagutin kasi bumabalik yung sakit
"hmmm?"
Sagot ko nalang sakanya
"im sorry, its something personal im sorry for asking that question"
Sabi niya sabay awkward smile
Sa lahat ng ngiti niya yun yung favorite ko, napa uncertain na napa uncomfortable
"meron akong bestfriend nung nasa management ako,kilala ko siya eversince 7 ako lumaki kami laging magkasama, pangalan niya casey gagraduate na kami nun konting push nalang, okay lahat nun eh just another regular day excited pa nga kami kasi 2 buwan nalang tapos na"
Ang hirap bumalik, ayoko na magsalita akala okay na ako masakit parin pala
"sabi niya uuwi lang daw siya kasi medjo masakit ulo niya para daw siyang tatrangkasuhin, hinatid ko siya sinigurado ko na may tao sa bahay nila bago ako umuwi"
May luha na na pumapatak sa mata ko, ang bigat parin kahit na 4 years na parang sinasaksak ulit puso ko ng pa ulit ulti
"tapos yun nasa bahay na ako naghahanda ng pang dinner tumawag nanay niya sakin sabi punta daw ako hospital nag seizure daw si casey, agad agad ako pumunta nasa emergency room siya nun ang gulo sa loob ng kuwartong yun gusto kong pumasok pero bawal, bestfriend ko yung nasa loob kapatid ko yun bat bawal, hinila ako ng nanay niya pinapakalma ako, mag dasal lang daw kami si lord na daw bahala after ng 5 hours nag stable naman lahat pero comatose siya, ang hirap tignan ng taong nakasama mo at kilala mo nung bata kayo hangang sa pag tanda na ganun itsura, andaming nakaka kabit andaming naka tusok, sabi ng doctor intercerebral hemorrhage may pagdudugo daw sa utak niya kaya ganon nanyayare baka daw na untog siya or may mga signs symptoms na nag occur hindi lang pinansin, akala ko okay na lahat magiging okay din siya, biglang bumaba vitals niya unti unting bumaba hangang sa nirerevive nalang siya kinausap ng doctor si tita wala na daw talaga i unplug na daw yung life support"
Nag exhale ako, na alala ko tuloy si tita kumusta na kaya siya
"yun fastforward mag isa akong nag graduate, may plan kami titira kami sa isang apartment sa maynila tag isa ng kuwarto maghahanap ng trabaho mag iipon tapos tatravel babalik ng baguio magtatayo ng business, hindi ko tinuluy mag isa ko nalang kasi eh ang usapan dalawa kami"
Sabi ko na nakangiti sakanya
"she's lucky she had you"
Sagot sakin ni brook, sa dinami dami ng sinabi ko yun lang sinabi niya
"he, he's my bestfriend"
"ahhh sorry akala ko babae"
"okay lang" sabi ko nakangiti pero umiiyak parin ako, humahagulgul na ako, inabutan ako ni brook ng Isang stick 'bad influence talaga tong babaeng to'. Napa isip ako kailangan nating umiwas sa mga bagay na ikasasama natin para hindi tayo mapahamak pero minsan para makaramdam ka ng kakaibang saya tayo mismo tatalon papunta sa peligro. Kinuha ko yung stick ng marlboro sinindihan ko sabay hithit, ilang taon na ba nung last ako nanigarilyo?.

BINABASA MO ANG
Marlboro Nights
RomanceHindi ito typical love story, yung tipong boys meets girl girl falls inlove with boy boy falls inlove with girl tapos may ups and downs and after all that in the end magkakatuluyan sila, well not this story first off babae ako babae na may gusto sa...