Lapit Pa

171 4 2
                                    

Hindi ko pinansin si brook the next day, hindi din ako lumabas ng kuwarto naki usap ako kay mama na wag papasukin si brook pinakuha ko na din kay lian lahat ng gamit ko sa kabila, hindi ko siya pinansin ng ilang araw, hindi lang naman siya pati din si Mia at mga ibang kaklase ko. Para akong nahila pababa, nawalan ng gana sa lahat, bakit ba kasi ako ganito bakit ba napaka sensitive ko, masyado akong nagalit hindi ko manlang napakalma sarili ko 'pano na kaya kapag hindi ka umuwi agad eh di lahat inaway mo' bakit kasi kinailangan niyang gawin yun tama sila some people never change. Kamatapos lang ng klase ko naglalakad ako papuntang library ng makita ko si brook sa may hallway iiwas na sana ako pero nakita niya ako tumakbo siya papalapit sakin akala niya siguro tatakbohan ko siya
"Dawn"

"hmm"

"ikaw pa yung ma attitude ikaw na nga yung nang iwan"

"okay, sorry iniwan kita"

"im sorry i said it like that, thats not what i meant"

"okay"

"look kung si mia man yan walang kami i dont even like her like that i never liked her like that if its up to me i would have never went to that party, if it makes you feel any better few minutes after you left i went out to smoke cigarettes and played pubg in the bathroom swear"

"huh? Ano ba pinagsasabi mo okay lang naman pag naging kayo ni mia magiging supportive pa nga ako eh, im your friend and friends support each other so go after whatever your heart desires im gonna be here rooting for you okay?"
Wala siyang imik nakatingin lang siya sakin

"also i have to go study this week and next week kaya i need time for myself i would appreciate it if you leave me alone for awhile" tinapik ko balikat niya at dahan dahang pumunta sa library kahit dun naman siya nag tatrabaho.

Ilang araw nalang hellweek na, hindi na din ako galit hindi na ako nalulunod sa galit pero kulang ako sa tulog at kape nalang lagi laman ng tiyan ko
"kain tayo ice cream mamaya? " tanong ni brook

"gusto ko mag goodtaste" sagot ko sakanya

"ako din, take out tayo?"

"sige"

Flashback

Pagkatapos ng huling klase ko umuwi ako agad naghapunan kasama sina mama akala ko yun lang yun pero si brook biglang pumasok sa kusina may dalang bucket ng chicken joy at korean ice cream, nakatingin lang kaming apat sakanya tinignan niya ako sabay sabi kain po tayo, kumuha agad si mama ng plato si lian naman umusog pero dun siya sa tabi ko umupo.

Sumunod na araw samin na siya kumakain, breakfast lunch merienda dinner, dun na din siya natutulog samin sa sala nga lang siya natutulog, ilang araw na ganun hangang isang gabi kumatok siya sa kuwarto
"Dawn.... Gising ka pa?"

"hmmm" binuksan niya ng konti yung pinto at sumilip

"yosi tayo" sabi niya, pinakita niya isang pack ng marlboro pero hindi black pero red yung masakit sa baga, unti unti narin ako kinakain ng antok kaya sumama nalang ako. Naka upo kami sa may maliit na upuan sa laundry area, tahimik kaming dalawa walang nagsasalita, ang init masyado ng red parang nasusunog baga ko

"im sorry" bulong ko sakanya, tumingin ako kay brook nakatingin din siya sakin at sinabi ko ulit mga salitang nasabi ko na

Marlboro NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon