Simula nung pinakilala ko si brook kay mia araw araw niya ng tinatanong si brook, kung okay ba si brook kumain na ba si brook anong favorites ni brook jusko nag aral ba siya? Malapit na finals puro brook inaatupag niya. Kumusta feelings ko kay brook? Ganun parin pero sa totoo lang gusto ko magkatuluyan sila ni mia kahit may kirot sa puso ko atleast na secure yung friendship namin. Bumalik na kami sa bahay ni brook wala din naman nagbago marlboro night pag patak ng 12 am tulog ng 3am or 4 am gising kakain sa jollibee or kayna mama lunch kami sa food court tapos sabay uuwi bibili ng dinner, medjo nag iba pala ng konti pero weekends are still the same, pag naging sila ni mia ma mimiss ko bonding moments namin, mamimiss ko yung kaming dalawa lang.
D: oh bat naka kunot nuo mo?
B: hmmm wala may nakita lang ako
D: ohh share mo naman para parehas tayong naka kunot ang nuo
B: sira ulo, ayoko nga ayoko naka simangot ka dapat happy lang
D: yack toxic positivity
B: ano yuuuun? Parang gusto kong mangiliti ulit ah
D: wala! Sige lapit ka may ballpen ako!
*new message*
Mia ub: dawn free ba kayo tonight?Nag aaral ba tong taong to kasi after next week exams na kailangan na magsimula mag review
Dawn: hindi ko sure bakit?
Mia: Birthday ko kasi punta sana kayo ni brook free food and drinks :)
Tinignan ko si brook, syempre hindi ko naman puwede sabihin oo pano pag ayaw ni brook o kaya naman pano pag hindi ako payagan ni mama
"broook"
"yeeeees daaawn" sabi niya habang nakatingin sakin nakangiti
"birthday daw ni mia mamayang gabi invited daw tayo" sagot ko sakanya biglang nag iba expression ni brook
"ikaw kung gusto mo pumunta" sabi niya pero pilit na yung ngiti pinapakita niya
"punta nalang tayo magpapa alam ako kay mama mamaya bago tayo umalis"
"sige ikaw bahala" sagot niya sakin pilit yung ngiti
"broook"
"daaaawn"
"bat ganyan muka mooooo?"
"bakit yung muka ko?"
"naka shimangot, punta na tayo free food daw sige na"
"oo nga sabi ko oo"
"smile ka muna, uuuuy ngingiti na siyaaaaa!"
"yan na nakangiti na! Happy ka na?"
"hindi eh, gusto ko ng korean ice cream"
"tara bili tayo"
"wait tapusin ko to tapos tara"
"sige"
"sige"
Dawn: yup pupunta kami :)
BINABASA MO ANG
Marlboro Nights
RomanceHindi ito typical love story, yung tipong boys meets girl girl falls inlove with boy boy falls inlove with girl tapos may ups and downs and after all that in the end magkakatuluyan sila, well not this story first off babae ako babae na may gusto sa...